[16] - "Langya! Kinalog lang ako ng bola mo!"

8.3K 103 5
                                    

NGAYON.

Hindi tinanggap ni Kurt ang kamay ni Harry, instead he glared at Vega's mocking face.

"Oh Harry mukhang di naman niya tatanggapin ang kamay mo e. Ibaba mo na." Angelo spoke behind my back. Nararamdaman ko ang amusement behind his voice. "Yo, pareng Midfielder. Rye Angelo Valdez nga pala. Forward." But unlike Harry hindi niya inabot ang kanyang kamay.

"Yabang." I coughed. Hindi ko na kasi matimpi. Nakita ko namang bahagyang nakatingin sila sa akin. Ay? Mukhang kanya-kanya palang magpapaintroduce.

Napabuntong hininga ako. "Owell." And then I stepped towards him. Sa sobrang tangkad niya hinila ko ang kanyang kuwelyo para maglevel ang aming mga mukha. Natuwa naman daw ako sa pagsinghap nilang lahat, nagulat siguro sa ginawa ko.

I smiled at him sweetly. "Hi Kurt. I'm Ambrosia Mandolin B. Yap. Not a varsity player." And then I slapped him kaya napamura siya. "And I'm Jade's bestfriend." I grinned.

"Btch!" Napahawak siya sa kanyang ngala-ngala. Mukhang napasobra ata. At dapat lang 'yun sa pagkagago niya.

I scoffed. "Sampal nga lang 'yun! Paano nalang kaya kung napagdiskitahan kong tadyakan 'yang ano mo?" I wiggled my eyebrows.

Narinig ko naman ang mga giggles mula sa aking likod. Si Kurt naman sa akin na naka-glare.

"Babe, okay ka lang?" Tanong nung babae niya sa kay Kurt. Tiningnan lang siya ni Kurt ng ano-sa-tingin-mo-kung-ikaw-kaya-sampalin-ko look. Parang bakla lang e.

Pero teka that santa-santita voice sounds very familiar. Napatigil ako at tinutukan yung babaeng naka sideview na ngayon sa akin dahil inaalalayan niya si Kurt.

"I think I know you..." I said, unconsciously.

And I don't know why pero bigla siyang nanigas.

NOON.

At dahil sa hindi ko mapanood ng maayos mula dun sa unang pwesto ko ang buong laro, lumipat nalang ako at naghanap ng less crowded na lugar.

At may na diskubre nga akong lugar. Laking pagtataka ko pa nga kung bakit walang tao ang nakatambay doon e mas malapit pa nga 'to sa field at mas makaclarex mo talaga yung laro pati pa nga ang mga players kesa dun sa kinukumpulan nila.

And I found out the reason why nobody's there as soon as I wondered.

Napahilatay ako sa damuhan matapos damhin ng aking sistema ang impact ng pagtama ng bola sa aking mukha.

At totoo nga naman pala yung mga nasa cartoons na feeling mo pinalibutan kana ng mga stars. Sht lang. Pwede ko na atang pangalanan lahat ng Constellations nito ngayon.

"Hala! Pre, mukhang di na humihinga o."

"Dapat na ba yan dalhin sa morgue?"

"Naku naman! Mukhang makukulong na ang Forward natin!"

"Kailangan na ba nating maghukay dito sa gitna ng field at itapon dun ang katawan, para walang makalap na ebidensya ang mga pulisya?"

"E ano ka ba naman kasi, Rye! Kung makasipa ka kasi 'kala mo naman nasa langit yung Goal!"

Mas lalo namang sumakit yung ulo ko sa ingay na nagpalibot sa nakahiga kong pagkatao. Naman toh oo.

First week ko pa nga lang dito, wa poise na agad? tsk. I groaned.

Nabuhay naman daw bigla yung diwa ko nang may isang malambot na bagay ang lumapat sa aking labi.

My shock was doubled when an angelic face greeted my clear eyesight's return.

"WHAT THE?!" I immediately sat up and pushed him away, too hard.

"CPR?" He innocently said, rubbing the back of his neck.

"CPR!?" Nanggagalaiti kong sigaw. "Langya! Kinalog lang ako ng bola mo! Hindi ako nalunod!" And then I ran off.

At first week palang, wala na yung first kiss ko. Huhuhu

Highschool Crush Life [fin❤]Where stories live. Discover now