[12] - "Mahal? Sinong mahal nino?"

9.5K 116 3
                                    

NGAYON.

**JOLLIBEE

"CEEELEBRATE GOOD TIMES, C'MON!" Pag-duduet nung magpinsan.

"Mga KSP talaga." Nasabi ko nalang habang minamasdan silang mag-ingay sa pila para umorder. Pinagtitinginan na nga sila ng marami e. Nakakahiya.

"Nasa dugo na 'yan ng angkan nila." Pagsang-ayon naman ni Jade habang pinapapak yung ketchup. May lahi din ata 'to e.

Ring! Ring!

"Tch." Binitawan ni Jade ang ketchup at dali-daling kinapa ang cellphone niya sa kanyang bulsa. "Teka ha. Tumatawag nanaman kasi si Hudas Barabas Hestas." Paalam niya sa akin bago ako iniwan sa table at sagutin ang tawag ng boyfriend niya.

Yup. Jade has a boyfriend, from her previous school. Tuwing Break Times siya tinatawagan. Sweet ba? E mas sweet si Jade! Nauubos ata lahat ng mura sa bawat phone conversation nila, kaya ayun lumalabas siya ng Jollibee dahil ayaw niyang ma-sita at para maka-yosi na din siya at the same time.

Hindi naman talaga ganyan ka-cold si Jade sa boyfriend niya, until recently...

"Si Jade?" Tanong ni Harry habang nilalapag ang aming mga inorder sa table.

"Lumabas." Tipid kong sagot. "Si Angelo?"

Ngumiti naman si Harry at lumingon sa direksyon ng Cashier Counter. "Oy Insan Rye! Hinahanap ka ng Labs mo! Ayii." Pang-asar ni Harry.

Naramdaman ko ang pag-apoy ng aking mga pisngi kaya sinapak ko nalang si Harry. "Ingay mo!" Inirapan ko siya.

"Mahal mo naman." He wriggled his eyebrows.

"Mahal? Sinong mahal nino?" Tanong agad ni Angelo nang makalapit na sa table namin.

Dumikit naman sa akin bigla si Harry at inakbayan ako. "Sikretooo, diba Amby?" He grinned before pinching my cheeks.

Sinimangutan ko lang si Harry sabay kurot ng tagiliran niya.

"Aray naman! Nakakatatlo ka na Ambrosia huh! Amp!" Buti naman at lumipat na rin siya ng upuan kaya si Angelo nalang ang tumabi sa akin habang si Harry naman yung katapat ni Angelo na nakasalubong pa rin ang mga kilay.

"Sunduin mo na nga si Jade sa labas." Utos ni Angelo kay Harry. "Para may magawa ka namang matino paminsan."

"Ayoko nga. Nagyoyosi yun sa labas baka mapagtripan ako at gawing ashtray...wag na!" Pag-iinarte ni Harry.

"Ay ang aarte grabe! Ako na nga lang!"

Highschool Crush Life [fin❤]Where stories live. Discover now