🥀 CHAPTER 3 🥀

2.6K 61 4
                                    

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa sakit na meron si Reza. Iron deficiency anemia? At kailangan niyang masalinan ng dugo?

Siguradong mahihirapan ako kakahanap ng ganoong blood type. Negative Rh blood type is very rare blood type, ngunit susubukan ko paring maghanap sa mga hospital.

Pero bakit naman ganito kaagad ang bungad sakin sa taong ito? Hirap na hirap na nga akong ayusin ang tungkol sa crisis ng negosyo ko ay dumagdag pa itong sakit niya.

Magkahawak kamay kami nang palabas kami ng hospital, natagalan kami bago nakalabas dahil kaagad akong nagpareserve kung meron silang ganoong stock na blood type ngunit wala. I'm AB positive at si manang Marietta ay type O.

Marami namang advice ang doctor na sinabi upang makatulong sa kaniya, like healthy food na dapat niyang kainin upang magpadagdag ng iron sa katawan niya. A medicine like ferrous sulfate ngunit kailangan parin siyang salinan ng dugo.

And she will undergo a therapy sa loob ng ilang buwan hanggang sa maging okay na siya. Pero ngayon palang sumasakit na ang ulo ko kung saan ako kukuha ng ganoong blood type. Habang naglalakad kami ay natigilan ako nang tumunog ang phone ko.

May tumatawag na unknown number at hindi ko ito sinagot. Hindi ko sinasagot ang mga tumatawag sa akin na unknown caller. Ngunit ring parin ng ring ang phone ko, inis ko namang pinatay ang tawag at hinintay si Reza na makapasok ng kotse.

Muli akong napakunot noo nang marinig ko ang paghuni ng notification tone. Ngali-ngali kong sabunan sa mukha ang nangungulit sa akin ngayon gayong mabigat ang ulo ko dahil sa stress na nasagupa ko ngayong araw.

"If you would not meet me at my office, I swear kakasuhan kita. Huwag mong isipin na baka tinatakot lang kita. Your signature is in the contract kaya talagang matatablahan ka kapag ginawa ko 'yon dahil hindi ka naman pinilit at kusa kang pumirma"

Nag-igting ang panga ko sa text message na nabasa ko. At nakilala ko kaagad kung sinong tukmol ang tumatawag sa akin kanina pa. Padabog kong isinara ang pinto at binuhay ang makina. Umiinit ang ulo ko habang nagmamaneho at gusto ko siyang sapakin.

Dumeretso ako sa kung saan ang office niya, napatingala ako sa harap ng napakataas na building kung saan ako nagpark. Agad kong pinatay ang makina at lumingon kay Reza.

"Hon, dito lang muna kayo ni manang Marietta may pupuntahan lang ako saglit"

"Saan?"

"Sa loob ng building na 'yan. I promise babalik kaagad ako, sumandal ka na muna baka napapagod ka na"

"I'm fine" tugon niya sakin kaya napatitig ako sa kaniya.

"Manang dito lang kayo ha? Babalik kaagad ako" tumango naman si manang Marietta sa akin at agad akong lumabas ng kotse.

Pinagbuksan ako ng security guard at dumeretso ako sa front desk. Tinanong ko kung saan ang office ngunit kinailangan ko pang mag log in.

"What's your name ma'am?"

"I'm Rose Raveles"

"Oh right, tatawag muna ako sa office ni Sir kung available siya." Napatango ako sa kaniya at saglit na naghintay.

"10th floor po ma'am at ang way sa right side paglabas na paglabas mo ng elevator ay 'yon na ang office ni Sir Trez Kulton. Nandoon lamang siya"

Napatango ako sa kaniya at nagpasalamat. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at pumasok agad ako sa elevator. Napatingin ako sa relo ko, it's 10:35 o'clock in the morning. Maaga pa para maging atat siya sa bayad na hinihingi niya sakin.

The Billionaire's Lesbian Wife: TREZ & ROSE (COMPLETED)Where stories live. Discover now