🥀CHAPTER 4🥀

2.5K 60 4
                                    

Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang sinabi niya sakin kanina. Punong-puno ako ng pagkapoot habang nagmamaneho pauwi, at nang makarating sa bahay ay parang sasabog ako sa tindi ng inis.

How dare him! Wala siyang karapatang bastusin ako ng ganon, hindi ibig sabihin na nakuha niya na ako noon ay basta-basta nalang niya ako iinsultuhin ng ganoon. Pakiramdam ko inaapakan niya ang pagkatao ko.

Napakayabang talaga ng mga taong mayayaman! Porke't kaya nilang bilhin ang lahat ng bagay ay nagiging malaki ang ulo, akala  nila pati mga tao sa paligid nila ay makakaya nilang bayaran at gamitin. I hate him! Napakagago niya para apakan ang ego ko.

Nanginingig parin ang mga kamay ko sa tindi ng inis at mabilis kong pinahiran ang mga luha ko. Nasaktan ako dahil pakiramdam ko napakababa ng tingin niya sakin, ang tingin niya sakin ay parang gamit lang na gagamitin niya kung kailan niya gusto.

Natigilan ako nang tumunog ang phone ko, dinukot ko ito at nakita ko ang pangalan ng assistant ko na si Maris sa screen. Agad kong kinalma ang sarili ko at sinagot ang tawag niya.

"Maris?"

"Ma'am, ngayon na po ang deadline ng bayarin sa taxes ng lahat ng Bar at Cafe, mapipilitan raw silang sampahan ka ng kaso kapag hindi po nabayaran"

Napapikit ako ng mariin at napatingala sa kisame, nakalimutan ko na ngayon na pala ang deadline. Nawala iyon sa isip ko dahil marami akong iniisip lalo na si Reza.

"Ako na ang bahala Maris, salamat sa pagpapaalala"

Agad kong binaba ang tawag at nanghina na tumayo at hinanap ang susi ng kotse ko. Kailangan ko nang tapusin ito, bago ako umalis ay tiningnan ko muna kung magkano ang taxes na dapat kong babayaran sa loob ng isang taon dahil nakalimutan ko na naman.

Nanikip ang dibdib ko nang makita ang halagang Eight Million sa screen. At ang laman ng bank account ko ay mahigit walong milyon nalang, ibig sabihin kapag binayaran ko ito ngayon barya nalang ang matitira sa akin. Napahawak ako sa ulo ko at napayuko, wala na akong magawa pa at kailangan ko nang ibenta ang lahat ng Bar at Cafe.

Bahala na kung maghihirap ako pagkatapos nito, basta't kailangan kong ipagamot si Reza. Muli na naman akong magsisimula sa maliit na negosyo upang muling makaahon, bahala na siguro.

Pinuntahan ko muna siya sa kuwarto at magpapaalam sana akong aalis muna ngunit nadatnan ko siyang natutulog. Hinalikan ko siya sa noo bago lumabas ng silid.

Ibinilin ko nalang muna siya kay Manang Marietta at muli na naman akong bumiyahe pabalik. Pagdating ko sa San Enrique ay kaagad kong binayaran ang taxes ko at nanlumo ako nang makita ang balance na natira sa bank account ko. It's only five hundred thousand pesos at hindi ko alam kung aabot ito sa ilang buwan na pangangailangan namin.

Dumeretso ako sa office ng Cafe at kaagad akong nagdesisyon na maghanap ng bibili sa Bar at ganoon din sa Cafe, may kilala akong business man na nais bilhin ang Bar ko noon pa man ngunit hindi ako pumayag. Kaya ngayon ako na mismo ang mag' approach sa kaniya.

Ngunit nanlumo na lamang ako nang malamang nakabili na siya ng puwesto noong nakaraang buwan pa. At wala narin akong magawa pa, isasara ko nalang ito dahil wala narin naman akong perang gagamitin para pambili ng kakailanganin sa loob ng Cafe at Bar eh.

Napatitig ako sa tinted glass kung saan nakikita ang iilang costumers na kumakain sa labas. Hindi ko inaakalang aabot ako sa ganitong punto, all those years, pinaghirapan kong itayo ang negosyo ko ngunit mauuwi lang pala sa wala. Sa araw-araw na dala-dala ang mabigat na pagsubok sa buhay ko, nakalimutan ko nang magpanggap bilang isang lalaki. Lumalabas parin ang kahinaan ko, bilang isang babae.

Nakakalimutan ko naring isuot ang artificial male body, sa dinami-rami ng iniisip ko ay napabayaan ko narin ang sarili ko. Natauhan lamang ako mula sa pagkakatulala nang pumasok ang isa sa manager ng Cafe.

The Billionaire's Lesbian Wife: TREZ & ROSE (COMPLETED)Where stories live. Discover now