🥀CHAPTER 15🥀

2.2K 61 1
                                    

Napatitig si Lucas sa akin habang inaayos ko ang mga gamit ko. Kung noong nakaraang araw ay hindi niya ako iniintriga tungkol sa condition ng annulment namin ni Trez, ngayon ay kinukulit niya na ako.

"Will you atleast give me a clue Rosas? Hindi ko alam ang nangyayari sayo, yeah, wala akong karapatan na sabihin sayo 'to but look, I'm worrying with you" nagmadali akong lumabas dahil baka magising si Reza at mahihirapan na naman akong pakiusapan siya. Sinundan naman niya ako hanggang sa kotse.

"Lucas, sinabi ko na sayo na ginagawa ko ito para sa annulment. And please let me go, kailangan ko ng umalis" napalingon ako sa kaniya nang hinalin niya ako sa braso.

"Why I have this feeling na masasaktan ako sa huli Rose? We're not in relationship but I want your assurance" hinila ko pabalik ang braso ko dahil mahigit dalawang oras pa ang biyahe bago ako makabalik ng San Enrique at naiinis na ako sa inaakto niya.

"Akala ko ba naiintindihan mo ako? Nahihirapan rin ako Lucas, I told you that you have to wait pero mukhang hindi ka makakapaghintay" bigla nalang lumambot ang expression niya. I heard his deep sighed and suddenly, he pulled me to hug.

"I'm sorry, pasensya kana napapraning lang siguro ako. I trust you, and I will wait for you. Mag-ingat ka ha?" napatango ako sa kaniya. Kumalas siya sakin at pinatitigan ako sa mukha.

Napakabog ang dibdib ko nang yumuko siya at kaagad akong kumilos dahil alam ko kung ano ang susunod na gagawin niya. Dumampi ang mga labi niya sa pisngi at nang magtama ang mga mata namin, nakita ko ang disappoinment sa mukha niya.

"Kailangan ko ng umalis" kaagad akong pumasok sa kotse at pinaandar ito. Nakita ko siya sa side view mirror na nakatayo parin doon habang nakapamulsa. Napahigpit naman ang paghawak ko sa steering wheel dahil sa kaba na nararamdaman.

Kagabi, buo na ang desisyon ko na sabihin sa ama ni Reza ang katotohanang ito. Pero ngayon, naduduwag na naman ako. Dahil sa kaba na nararamdaman ko tinawagan ko si Yssa, narinig ko pa ang boses ni Raz sa kabilang linya. And I miss them so much.

Ibang phone ang gamit ko, kaya naman hindi ako nakatanggap ng calls and texts mula kay Trez. Dahil kapag hindi ko pinalitan, ay talagang bubulabugin niya ako. Siguro kahapon pa nagwawala na siya.

"Nandito na ako sa labas" sabi ko kay Yssa nang makarating ako sa tapat ng bahay nila ni Tauruz. Maya-maya lang ay bumukas ang malaking gate at nakita ko siya, kaagad akong nagpark sa garage at bumaba ng kotse.

"Rose! I miss you" kaagad siyang yumakap sakin at napatitig ako sa tiyan niyang may malaking umbok.

"I miss you too, ilang buwan na 'yan?"

"Six months, hali kana sa loob kanina ka pa hinihintay ni Taraz" kaagad kaming pumasok sa loob, nasa sala palang kami ay nakita ko na si Raz na humahangos papunta sa puwesto ko.

"Auntie Rose!" kaagad ko siyang kinarga at hinalikan sa pisngi.

"I miss you kiddo, kumusta kana?"

"I'm fine, how about you? Where's uncle Rome?" narinig ko ang pagtawa ni Yssa sa tabi ko dahil sa tanong niya dahil alam ko namang naiintindihan ni Taraz kung bakit wala na ang uncle Rome niya, at si Rose nalang ang natira. Maya-maya lang ay nakita ko si Tauruz na naglalakad papalapit sa amin.

"Rose, I heard Mom, ipinagkasundo niya sina Trez and Celine dahil maghihiwalay na raw kayo? So, Did you two already signed the annulment paper?" Napakunot noo ako dahil sa sinabi niya. Kaagad kong kinontrol ang emosyon ko dahil una sa lahat, wala akong karapatang masaktan o magalit nang marinig ko ang sinabi niya tungkol sa pakikipagkasundo niya sa iba.

"Hubby, sinabi mo naman kaagad" dinig kong sabi ni Yssa. Napangiti ako at napailing sa kanila.

"It's okay, we're about to end everything. And besides wala naman kaming nararamdaman para sa isa't-isa" napalunok ako dahil hindi ko alam kung bakit parang may bumara sa lalamunan ko pagkatapos kong sabihin 'yon.

The Billionaire's Lesbian Wife: TREZ & ROSE (COMPLETED)Where stories live. Discover now