Chapter 33

1 0 0
                                    

Chapter 33

MARRA'S POV

Nagdaan ang isang linggo na parang normal na araw lang sa amin. Nag umpisa na kasi amg mga exam namin kaya halos lahat ay nagpakabusy sa pagre-review.

"Good afternoon po tita." Bati ni apollo ng pagkapasok niya sa bahay namin.

"Oh mag-iingat sa pagmamaneho ah. Huwag masiyadong magpagabi okay?" Habilin pa ni mommy.

"Opo tita. Alis na po kami salamat po."

Nang matapos ay sumakay kami sa sasakyan ni apollo at pinaandar  na niya ang sasakyan.

Nagpaalam si apollo kila mommy na papasiyal kami ngayong araw at binilinan naman siyang hindi kami pwede magpagabi masiyado.

"So ayaw mo talaga sabihin kung saan tayo pupunta?" tanong ko muli dahil ayaw niyang sabihin kung saan.

"Prinsesa.. basta maganda 'don. 'Wag ka mag alala malapit na tayo." 

Nang makarating ay ibinaba ko agad ang bintana ng sasakyan.

"Ang ganda" Naiusal ko bigla.

Nagulat nalang ako ng nasa harapan ko na si apollo at akmang bubuksan na ang pinto ko. Pagkababa ay may kinuha lang si apollo sa likod ng sasakayan at inakay na ako papaunta sa gitna.

Pinanuod ko lang siya maglatag ng kumot at isa isa niyang inilabas ang mga pagkaiin sa loob ng basket at saka niya ako pinupo nang maiayos lahat.

"Ang ganda ba?" tanong niya pagka upo ko.

"Oo. Ang sarap ng hangin.." inamoy ko pa ang hangin ng sabihin iyon. "Ang tahimik" dagdag ko pa.

Nasa isang bukirin kami, hindi ko alam kung anong tawag dito pero puro damo lang ang makikita, araw na palubog na, at mga punong naghahampasan dahil sa hangin.

para kaming nagpipicnic kung titignan. Aaminin kong para sa aking nagustuhan ko rito..

Napakatahimik, maaliwalas, kami lang ang tao...

"Alam mo ba kung bakit kita dinala dito?" Nilingon ko siya.

"Isa sa pangarap ko ay ang makita ang paglubog ng araw kasama ang taong mahalaga sa'kin."

"Sabi ko sayo dati na simple lang ang pangarap ko. At yun ay ang maging masaya. Lalo na kung kasama ko ang mga taong mahahalaga sa buhay ko." Dagdag niya pa at ramdam ko kung gaano ka sinsero iyon.

"Ikaw? Anong gusto mo?" Bigla niya akong nilingon.

Ako naman ang tumingin sa langit. "Gusto ko rin maging masaya, 'yun bang masaya lang period" huminto ako. . "Ayokong maisip ang mga bagay na haharang sakin para maging masaya." buntong hininga kong sabi.

"Papunta ka na don Lamarra."

Dahan-dahan ako lumingon sa kanya "Sa tingin mo?"

Tumango siya at inilapit ang mukha niya sa akin. "At kasama mo akong tatahakin ang pangarap mo. Hahawakan kita at hindi bibitawan." seryoso at malumanay niyang sambit.

Iba talaga pag kausap ko siya, pag kasama ko siya, pag nakikita ko siya. Pakiramdam ko walang problema sa mundo, napakapayapa.

Nagusap pa kami tungkol sa mga bagay bagay, kumain at pagkatapos ay inihatid na niya ako sa bahay.

Naniniwala ako sa'yo Apollo.. papunta na ako at gugustuhin kong kasama ka sa biyahe kong 'to..


I Hope it's a Love StoryWhere stories live. Discover now