Chapter 28

4 1 0
                                    

Chapter 28

MARRA'S POV

Nilingon ko siya. Nakayuko siyang nakaharap sa akin.

"Sorry kasi masiyado akong naging oa. Sorry kasi kahit kaya mo ay nangingialam ako. Sorry kasi parang nasasakal ata kita. Sorry kasi masiyado akong makulit. Sorry kasi hindi ako nakapag text kahapon at kanina. Sorry kasi.." Naramdaman ko ang sinsero at lungkot sa boses niya. Gusto kong putulin iyon at sabihing huwag siyang mag isip ng gano'n. Pero hindi ko magawa dahil ang lungkot niya ay siyang nararamdaman ko.

"S-sorry kasi.. n-nagtampo ako sa mga nasabi mo. Sorry." muling dagdag niya.

Kung alam mo lang..

Nalungkot din ako at kung ano-ano ang tumakbo sa isip ko.

Akala ko hindi ka na magpaparamdam, akala ko iiwas ka na, akala ko..

Hindi mo na ako gusto.

Naramdaman kong may mainit na likido sa pisngi ko. Madali ko iyong pinunasan pero parang walang silbi dahil may bagong luhang pumatak. Napasinghot ako ng mahina, pinigilan kong lumakas iyon pero mukhang dinig pa rin niya dahil kami lang ang nandito.

Nagugulat siyang tumingin sa akin. Bigla ay parang nataranta siya.

"P-prinsesa.."

Nakaramdam ako ng tuwa sa dibdib ng marinig ang salitang iyon. Pakiramdam ko ay ang tagal kong hindi iyon narinig kahit na ang totoo ay hindi naman.

Awtomatikong napahawak siya sa mukha ko at pinunasan ang pisngi ng may lumabas na luha na naman sa akin ng makaramdam ako ng tuwa.

"B-bakit ka umiiyak," natutulirong aniya. Lalo niyang hinaplos ang mukha ko. "Anong n-nangyari? M-may masakit ba? Anong pagkakamali na naman ang n-nagawa ko.. Sabihin mo please.." hindi pa rin mawala ang pag-aalala sa mukha niya.

Ngumiti ako na siyang kinalaki ng mata niya. Nanginginig kong hinawakan ang pareho niyang kamay at inalis sa pisngi ko. Ibinaba ko man iyon ngunit nananatiling nakahawak ako roon.

"Huwag mo na ulit gagawin iyon-"

"H-hindi na kahit na ano, promise."

Nag-angat ako ng tingin. "Akala ko ay galit ka sa nangyari kahapon. Akala ko s-sinadya mong hindi magparamdam. Akala ko h-hindi mo na ako kakausapin pa." diretsong sabi at titig sa mismong mga mata niya. Naglaki na naman ang mga mata niya.

"H-hindi ako nagalit p-prinsesa." humigpit ang hawak niya. "Hinding-hindi ako magagalit sa'yo, tandaan mo 'yan.." iling-iling pa niya.

"Bakit hindi ka nakapag-text kahapon bukod sa lowbat ka, saka kaninang umaga." ngu-ngusong tanong ko. Para akong bata.

"Totoong na-lowbat ako pero ng isaksak ko ay nakalimutan kong i-on. At s-sorry kasi nawala sa isip kong hawakan iyon d-dahil.." napabuntong-hininga siya. "Dahil kakaisip ko sa'yo. Halos hindi ako nakatulog kagabi kakaisip kung a-anong naramdaman mo. K-kung galit ka ba o ano. Isip ako ng isip kung paano kita kakausapin kinabukasan." tuloy-tuloy niyang paliwanag. "Kaya ganoon nalang ng hindi ako magising ng maaga. Naisip kong nasa klase ka na kaya lalo akong nahiyang mag-t-text sa'yo." parang nakokonsensya niyang paliwanag.

"Hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi." diretso at mahina kong usal.

"Ibig sabihin ay iniisip m-mo rin a-ako.. dahil.." parang nahihiya o natatakot niyang tanong.

Nahihiya man ay pinakatitigan ko siya, bumitaw ako sa pagkakahawak namin. "Pinabilis mo ang tibok nito e.." turo ko sa dibdib ko.

Ganoon nalang ang gulat sa mukha niya. "'Y-yung kinanta mo k-kanina.. Hindi ba ako n-nagkakamali? Para sa akin 'yon?" hindi makapaniwalang tanong niya.

I Hope it's a Love StoryWhere stories live. Discover now