Chapter 17

3 1 0
                                    

Chapter 17

MARRA'S POV

"Nagkamali ka lang talaga ng dinig!"

"Hindi ako bingi.." ngumisi siya. "Lamarra." binanggit niya iyon ng may pang-aasar sa boses niya.

Kanina pa kami nagtatalo nitong kaharap ko habang kumakain dito sa cafeteria. Kanina kasama pa namin sila ella pero ngayon ay hindi dahil iniwan nila kami. Ang sabi nila ay gusto daw nila maglakad lakad sa field. Sasama sana ako kaso itong lalaking ito ay pilit akong pinaiwan.

"Bahala ka nga sa buhay mo. Ubusin mo na kaya 'yang pagkain mo, para makatayo na tayo!" mahinang singhal ko.

Bakit ko nga ba siya hinihintay pa?

"Ayaw! Ay.." ibinaba niya ang tinidor na hawak at diretsong tumingin sa akin. "May sasabihin nga pala ako prinse-"

"Sabi ng huwag mo na akong tatawagin no'n."

Sumama naman ang mukha niya at nagsilatang muli. "'Yung isa niyo nga palang kaibigan prinse-.. ay lamarra." talagang diniinan niya ang pagtawag sa pangalan ko. "'Yung yna?"

"Bakit?"

"Hindi ba kahapon wala siya, ano sabi niya bakit siya nawala?"

"Bakit interesado ka?" nagtataka kong tanong.

"Basta.. sabihin mo na.." pangungulit niya.

"Ayoko."

"Kapag hindi mo sinabi.." itinungkod niya ang parehong siko sa mesa at inilapit ang mukha sa akin. "Hahalikan kita!" ngumuso pa siya kunwari.

"H-hindi mo 'ko madadaan sa ganiyan." inilayo ko ang mukha sa kaniya.

"Hindi pala ha.."

Tumayo siya, tumapat sa gilid ko at itinungkod ang isang tuhod para magpantay kami. Napaharap naman ako, iniangkla niya pa ang isang braso sa sandalan ng inuupuan ko at lumapit ng sobra sa aking mukha. Mga dalawang inches nalang ata ang layo ng mukha namin sa isa't isa, kaya naman parang nanlamig ako at hindi makagalaw sa puwesto kong iyon. May narinig pa akong bulungan-bulungan ng ibang estudyante na malamang ay nakikita kami ngayon.

"Ano kamo?" mahinang usal niya at kahit mahina ay para sa akin napakalakas no'n dahil sa lapit niya. Inilihis ko ang paningin, pigil hininga akong napapapikit dahil sa ginagawa niya.

"U-umayos.. K-ka," dahan-dahan at pabulong kong sambit.

Nagulat pa ako ng hawiin niya ang bangs ko patagilid, kaya naman napatingin ako ng diretso sa kaniya.

Nang magtama ang mga mata namin ay para akong na paraliso at hindi makagalaw, nakatingin ako sa mga mata niya na parang nangungusap. Ang kapal ng pilikmata, hindi ganoon kabilog ang mga mata, at may pagkabrown ng konti ang eyeballs niya.

Nang matauhan sa pagkakatitig ay inalis ko ang tingin doon at sa hindi inaasahan napababa ako ng tingin at napunta iyon sa kaniyang labi.

Mapula, katamtaman lang ang laki, at may kalaliman ng konti ang dimple niya. Nang maramdaman niya na nakatitig ako doon ay bigla siyang napakagat ng marahan sa gilid ng kaniyang labi kasabay ng pag ngiti ay natanaw ko naman ang napakaputing ngipin niya. Napalunok naman ako ng gawin niya 'yon, kahit na ginawa na niya iyon noong nakaraan ay pakiramdam ko ngayon ko lang 'yon nakita.

"A-ah.." napaatras ako ng upo ng bigla niya ilapit pa ang mukha.

"Ngayon mo sabihing hindi ka madadaan sa ganito?" may ngisi man ngunit lamang ang pagkabulong at lambing ng boses niyang iyon.

I Hope it's a Love StoryWhere stories live. Discover now