Chapter 21

329 9 4
                                    

Nasa malayo pa lang ako ng food court ay napansin ko na magkasama sina Thalia at Bohr kaya naman napahawak ako sa tummy ko dahil sa inis. Ano na naman ba ang kailangan nya?

Naglakad ako palapit sa pwesto nila kaya naman napatingin silang tatlo sa akin  "Hija, nandyan ka na pala" sabi ni Yaya kaya naman nginitian ko sya at nilapag ang mga paper bag na pinamili ko sa Everly's.

"Oh my gosh! That's the brand that I'm looking for. Where are they located?" tuwang tuwang sabi ni Thalia pero pinaningkitan ko lang sya ng mga mata.

Feeling close?

"Oh, sorry" aniya pa at nanahimik na sa gilid ni Bohr

"What are you sorry for?" tanong ko sa kaniya pero hindi siya nakasagot, magsasalita pa sana ako ng may tumawag sa pangalan ko dahilan para mapalingon kaming apat.

Yung lalaki kanina.. hawak nya yung isang paper nag from Everly's. Wrong timing ka naman, bakit ka naman sumunod pa?

"You forgot something" aniya at nginitian ako nang makalapit na sya ng tuluyan, kinuha ko naman ito at sinenyasan na umalis na pero nakangiti lang ito.

"I think I've seen you before" biglaang sabi ni Thalia sa kaniya kaya napataas ako ng kilay sa kaniya at nilipat ang tingin kay teka nga.. ano nga ulit pangalan niya?

"Excuse me?" nagtatakang tanong nitong lalaki na nasa tabi ko na.

"Yeah! I think we've met before" pamimilit ni Thalia kaya mahina akong natawa kaya lahat sila ay napatingin sa akin

"I don't think so. Lagi kong kasama ang boyfriend ko kaya imposibleng nagkita na kayo. Ngayon mo pa lang sya nakita. And unique ang mukha niya. Walang ka-mukha" nakangiting sabi ko kay Thalia kaya naman napalunok sya at pilit na ngumiti saka kumapit sa braso ni Bohr.

"Unique," narinig ko ang mahinang bulong nitong lalaki sa tabi ko kaya inismiran ko na lang siya  "Anyways, bakit nyo pala ako hinahanap?" tanong ko sa kanilang dalawa kaya naman nagkatinginan sila.

"Well ate, sabi ni Daddy na pumunta ka sa family reunion tomorrow night. Darating din daw si Lola kaya pwede mong dalhin ang boyfriend mo para makilala niya" nakangiting sabi niya pero umirap lang ako  "Sorry to say this but yang boyfriend mo kasi ang unang nakita ni Lola na kasama ko dati. Kaya talagang dadalhin ko ang boyfriend ko para makilala ni Lola. Pakilala mo na din si Bohr.... ulit. As your boyfriend... naman."

"Okay!" inis na sagot nya pero nakangiti pa din, tiningnan ko naman si Bohr at parang gusto kong lamutakin yung mukha niya dahil nakasimangot siya. Napahawak naman ako bigla sa tyan ko nang biglang kumirot ito.

"Anong nangyari?" magkasabay na tanong ni Bohr at nitong lalaki sa tabi ko pero umiling lang ako at tumingin kay Yaya para senyasan na umalis na kami.

"I'm sorry but we have to go" narinig kong sabi ng katabi ko at hinawakan ang bewang ko "By the way I'm Uno Lagdameo" aniya kina Thalia at kay Bohr saka kami tumalikod para maglakad na "Wait, yung mga shopping bags ko" sabi ko pa dahil namimilipit na din talaga ang tyan ko.

"Alright" aniya at may tinawagan sa phone niya  "Bldg A, Third floor" aniya at binaba na ang cellphone niya.

Nagulat na lang ako na may mga body guards nang nakapalibot sa amin at hawak lahat ng pinamili ko hanggang sa groceries na dala kanina ni Yaya.

"Bakit... bakit may mga body guards?" nagtatakang tanong ko sa kaniya kaso sumasakit na talaga ang tyan ko kaya naman napahinto ako.

"We'll go to hospital" aniya at hindi na ako umalma nang manlabo na agad ang paningin ko dahilan para mawalan ako ng balanse.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Hinanap pa naman kita, tapos buntis ka na? Sino kaya yung gagong nakabuntis sayo? Hays!"

Nagising ako dahil sa ingay. Putak ng putak, nakakarindi.

"Shut up" mahinang sabi ko dahilan para matameme sya ng ilang segundo saka sya bumalik sa reyalidad na nasa hospital.... teka nasa hospital nga kami?

Babangon sana ako para umupo pero pinigilan niya ako "Hindi ka pa pwede gumalaw" pagpigil niya sakin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin kaya "Kahit tingnan mo pa ako ng masama d'yan, baka tusukin ko lang mata mo" pagbabanta niya kaya wala na akong nagawa at nahiga ulit.

"Nasaan ba si Yaya?!" sigaw ko sa kaniya

"Umuwi. Kumuha ng pamalit mo" wala sa mood niyang sagot

"Ugh! I don't need your help" bulong ko pero naramdaman kong pinitik niya lang ang noo ko "Grr! We're not that close para pitikin mo 'ko!"

"Nye nye hindi yata ob-gyne kailangan mo e, pscyhiatrist ata" pang aasar niya pa kaya inirapan ko siya.

So? That means alam niya na buntis na ako e bakit pa sya nandito? Hindi nga kami magkakilala... I mean, kilala niya ako pero hindi ko siya kilala.

"Would you mind if I ask you?"

"Duh!" pag irap ko pa saka ako humarap sa kaniya

"Yung tatay ba ng anak mo is... yung lalaki kanina sa food court?"

Napalunok ako sa naging tanong niya. Hindi ko inasahan na yun agad ang iniisip niya  "Y-yeah, ofcourse. Alangan namang ikaw? Stupid" inalis ko ang tingin ko sa kaniya dahil may kumatok sa pinto

"Gov. nandito na po si Doc" sabi ng isang body guard. Wait... wait... wait? Ano ngang tinawag sa mokong na 'to?

"Good evening Gov and Mrs" pagbati samin nung Doctor kaya pilit akong napangiti "Hello D-doc?" pagbati ko din sa kaniya.

"Good thing you are both here para mai-discuss ko sa inyo ang nangyari sa baby nyo---" pinutol ko agad ang sinasabi ni Doc.

"Doc.. no, mali po kayo" pagtutol ko sa sinabi niya

"Continue Doc" nakangising sabi lang ni Gov

"As I was saying, mahina ang kapit ng baby nyo. Konting stress pa or kung ano man yang nagpapasama ng loob mo... malalaglag na ang baby mo. So much better kung lumayo ka muna sa mga nakakapag stress sayo" payo ni Doc sa akin

"At Gov. yung mga cravings at ayaw ni misis, sundin mo para maging mas healthy si baby nyo" sabi pa ni Doc kay Gov pero ang sama lang ng tingin ko sa kaniya dahil my god! Hindi siya yung tatay ng anak ko. Hindi ko rin sya kilala at higit sa lahat bakit ba nandito pa sya?

"Yes po Doc"

Nagreseta lang si Doc ng mga vitamins na pangpakapit sa baby at sobrang dami ng kailangan kong inumin na vitamins. Nakakasuka.

Nang makaalis na si Doc ay bumangon na ako at tinitigan lang ang ginagawa ni Gov. Sinarado niya kasi yung pinto at binabasa yung mga reseta sa papel na hawak niya

"Oh lahat daw ng cravings mo sasabihin mo sakin, kung may masakit sayo or kung may basta kung anong gusto nyo ni baby sasabihin mo sakin" aniya saka ako tiningnan at naupo sa harapan ko.

"Excuse me? You're not the father remember?"  inis na tanong ko sa kaniya "Kaya ko ang sarili ko tss!"

"Believe me, paglabas mo dito sa kwartong 'to.. tatay na ako" nakangisi niyang sabi at kinindatan ako. Oh my god! I cannot! Napaka hangin niya!

Libra  [ Bibliothèque Publication ]Where stories live. Discover now