Chapter 30

406 10 4
                                    

Governor Uno Lagdameo

I was ready to kneel down infront of my buntis but there's someone I need to see first. The one behind that unknown number, her families. I need to talk to them before I own her, because I know after this... she'll be living with me abroad.

"Where are you going?" 

Napangiti ako dahil tinanong nya ako agad. Dati rati ay nagpapansin pa ako sa kaniya pero ngayon kusa nya na akong napapansin.

"I need to see someone. Bakit? May cravings ka ba na ipapabili?"

Umiling siya at tinitigan lang ako hanggang sa matapos ako mag sapatos "No. Just... j-just take care" aniya saka siya tumalikod na akala mo talaga ay may gagawin kaya naman tumayo ako at lumapit sa kaniya saka ako yumakap sa kaniya mula sa likod niya at hinaplos ko ang tyan niya.

" 'Wag ka munang lumabas ha. Hintayin mo ako" sabi ko sa kaniya at naramdaman ko naman ang pagtango niya kaya napangiti ako dahil sumusunod na din siya sa akin at nararamdaman ko ulit ang soft side niya. Tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kaniya at hinarap siya. Nakanguso siya at magkasalubong ang dalawang kilay niya.

"Sama na kaya ako sayo?" aniya kaya tinawanan ko siya at pinisil ang pisngi niya

"Cute mo. Wag na, saglit lang naman ako e. Ingat kayo dito ni baby" sabi ko ulit sa kaniya saka na siya pinatakan ng halik sa noo, pero nagulat ako nang tumingkayad siya para mahalikan ako sa labi ko. 

Tila gulat na gulat ako sa ginawa niya.

"Thank you future husband" aniya kaya napangiti ako at pinugpog na ng halik ang mukha niya saka siya ulit niyakap. Grabe Lord! Thank you talaga Lord at ipinagkatiwala niyo sa'kin si Librae. Hinding hindi ko sya sasayangin, pangako.

"Anyways. nandito ka ba ng dinner? M-magluluto ako" aniya kaya tumango ako dahil talagang uuwi ako dito kahit hindi ako nakatira dito sa unit niya. Aba, magluluto yung buntis ko 'no.

"And bring me some garlic parmesan wings. Parang I want 10 pieces" aniya at nag iimagine na sa harap ko dahil may pakagat labi pa siyang nalalaman kaya natatawa ako.

"10? mauubos mo yun?" 

"Nope. Ikaw kakain nun. Gusto ko lang makita na kinakain mo yung 10 pieces wings" 

Anak ng! 

Lakas naman ng tama ng buntis amp! Magsasalita na sana ako pero inunahan niya na ako kaya nanahimik na lang ako kesa magalit pa yung dragon.

"Basta! Umuwi ka dito ha. Hihintayin kita. Dapat before 7pm nakauwi ka na. Kundi yari ka sa'kin!" pagbabanta niya kaya tumawa ako bago ako lumabas ng unit niya. Hanggang sa paglabas ko ng unit nya ay sinundan niya pa ako ng tingin at pinanlisikan ako ng mga mata.

Iba ka talaga Librae Verly.

Nag drive na ako papunta sa simbahan at nagdasal na sana ay maging maayos ang lakad ko ngayon... ang pakikipag usap ko sa mommy at daddy ni Librae saka ako nag drive papunta sa bahay muna ng mommy niya para pormal na hingiin ang kamay ng anak niya dahil balak ko ng magpropose next week, at ngayong araw din ako bibili ng singsing na babagay sa kaniya. I would buy the most expensive diamond ring for her because she deserves it.

"Good morning po" bati ko nang bumaba na ang kaniyang ina mula sa hagdan. Napangiti siya ng makita akong mag-isa dito sa bahay nila. 

"Maupo ka,"

Naupo naman ako tulad ng inutos niya.. nagpautos siya ng juice para sa aming dalawa kaya nang makaalis na ang yaya nila ay ngumiti naman agad ako.

"Ano ang sadya mo dito? Hindi ko yata nakikita ang anak ko?"

Libra  [ Bibliothèque Publication ]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin