Ika-Labing Apat Na Labas

44 1 0
                                    

MATURE CONTENT [SPG | R18] ️⚠️🚫🔞
CONTAINS:
TRIGGER WARNING
VULGAR/OFFENSIVE WORD
ABUSIVE
INDECENT
OBNOXIOUS
SOFT-CORE


MULA sa may ‘di kalayuan ay napansin ni Judas ang isang lalaking kahina-hinala ang dating na kanina pa nakamasid sa kanila. Habang nag-uusap sila nina Bernadette.

Kaya mabilis na niyang hinila sa karamihan ng tao si Monalisa. Nang hindi na niya makita ang lalaking iyon ay napanatag na siya.

Sa buong magdamag na nasa plaza sila ay hindi hinayaan ni Judas na mapalayo sa kanyang tabi si Monalisa.

Magmula pagka-bata ay hindi siya nakaranas na magkaroon ng masasabing kaniya. Kaya ipinagmamalaki niyang ipakita na siya si Judas Duran Olivarez ang lalaking kasama ng isang Monalisa Brilliantes.

Kahit hindi pa niya maipag-sigawan lahat ng taong naroon na ito ang babaeng mahal na mahal. Ayos lang sa kanya, darating sila roon.

Nanunuod lang naman sila sa patuloy na pagtugtog ng band orchestra sa may stage. Ang lahat ay pinaunlakan na sumayaw sa gitna.

Si Tolits ay agad na hinila ang nobya nitong si Juliette. Habang si Rodora at Elena nakipag-sayaw din.

Si Judas ay nanatili naman nakatutok sa harapan, manaka-naka siyang sumusulyap kay Monalisa na tahimik din sa tabi niya.

She murmured to him, "Can you dance with me?"

Ngumisi naman siya at mabilis na hinila ang dalaga papunta sa may gitna. Tuluyan niyang ipinalupot ang dalawang braso sa maliit nitong beywang. Si Monalisa ay ipinatong naman ang kanyang kamay sa balikat niya.

They arch their bodies slowly as they dance together to a captivating beat. He tightened, drawing their bodies closer together.

“Siguro, palagi mong naririnig sa iba ito. Pero, gusto kong  manggaling sa akin mismo ito. Sobrang ganda mo ngayon,” wika ni Judas na diretsong nakatitig sa mata ng babae.

Monalisa couldn't keep the smile off her lips. When he bent his head and kissed her, she simply gave in.

It was their happiest moment together.

HINDI aakalain ni Judas na hindi pa sila makauuwi kaagad. Dahil may nagtawag pa sa kanila na tumambay at makipag-inom.
Kilala naman ni Judas ang mga kasama nila kaya tiwala siya.

"Here you are, pwedi kaming maki-join?” Si Bernadette na kaagad nakiupo sa isang bakanteng monoblock na nakapaikot sa bilugan na lamesa. Nakaibabaw naman doon ang mga bote ng beer na kanilang iniinom at pulutan.

Hindi pumansin si Judas at tuluyan inakbayan palapit si Monalisa. Lalo at tumabi rito ang nakatatandang kapatid ni Bernadette.

Madali naman naka-catch up ang dalawang magkapatid. Patuloy sila sa pakikipag-inom nang may mapuna si Judas sa katabi ni Monalisa. Actually, kanina pa hindi mapakali mula sa inuupuan ang nobya niya.

Hindi na siya nagdalawang-isip sa unang dapat gawin niya.

“Tarantado ka Paulo!” Nanggagalaiting pagsisigaw ni Judas na pinalakihan ng mata ang lalaki na nanatili pa rin nakaupo at tila walang kaalam-alam sa ipinaggaganon niya.

Si Monalisa naman ay mabilis na yumakap sa binata at niyakap ito ng buong higpit. Sa sandaling iyon ay nanginginig ang buong katawan ng babae na tila takot na takot.

"Hey! Easy, bro! We were having a great time here. Don't make a scene," nagawa pang sabihin ni Paulo na pangisi-ngisi.
Ngunit lalong nag-alburuto ang galit ni Judas.

Haplos Ni Judas (HAPLOS  SERIES 1) COMPLETED Where stories live. Discover now