Chapter 05

733 9 3
                                    


Hindi ko makuhang kumibo habang nakikinig ng usapan nila. Napatingin sila sa gawi ko nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Mommy, may tumatawag." Kinailangan pang ipaalala iyon ni Jonathan bago ko kunin sa bag ko.

"Hello, Calix?" Sagot ko. Kita ko kung paano kumunot ang noo ni Josh.

"Where are you? Tapos na ba ang family day? How's Jonathan?" Kinagat ko muna ang ibabang labi ko. Calix is my guy friend. Siya ang tumulong sa akin nang mga unang araw ko dito sa probinsya.

"Tapos na po! Nasa mall kami ngayon." Nakangiti kong sabi. No'ng unang family day ni Jonathan ay siya ang kasama namin.

"Okay. I'll pick you up." Nanlaki ang mata ko. Tatanggi sana ako nang tuluyan niyang ibaba ang tawag.

"Mommy! Mommy! Is that tito Calix?" Tanong ng anak ko. Marahan akong tumango at sumulyap kay Josh na halatang may malalim na iniisip.

"Y-yeah. He's coming." Natutuwang tumalon ang anak ko. Well, malapit sila sa isa't isa.

"W-who's Calix?" Mahinang tanong ni Josh.

"A guy friend ni mommy, Tito Josh. Just like you hehei." Inosente nitong sagot kay Josh.

Malalim akong nagpakawala ng hangin at tumingin sa kanilang dalawa. "Let's go? Mag order nalang tayo." Pansin ko ang biglang pananahimik ni Josh. Na para bang ang lalim ng iniisip niya.

Pinagsa-walang bahala ko nalang iyon. Hindi nga ako nagreklamo nang magkaroon siya ng sariling pamilya, e.

"Tito Calix!" Pagtawag ng anak ko. Hindi ko na kailangan sabihin kay Calix kung nasaan kami dahil kabisado niya ang madalas naming puntahan. Of course! 4 years namin siyang nakasama ng anak ko.

Nakarolyo hanggang siko ang sleeves ng damit niya. He's wearing a black polo and red tie. Ang maputi niyang balat ay mas lalong bumagay sa itim niyang suot. May ilang hibla ng buhok sa noo niya. Mukhang galing pa siya sa trabaho dahil halata ang pagod sa mukha niya.

"Miss me that much, Tally?" Nakangising tanong. Napangisi ako. Ilang araw ko lang din siyang hindi nakikita pero, aaminin kong namiss ko siya.

"Tito Calix, bakit ngayon kalang?" Nakangiting tanong ng anak ko. Kumunot ang noo ni Calix nang mapansin si Josh.

"Uhm.... this is Joshua Rodriguez." Nakangiti kong pakilala. "Josh, si Calix." Tumikhim si Calix.

"Caliber Felix Vegilianco, nice meeting you, Ms. Rodriguez." Nakangiti niyang nilahad ang kamay niya. Tinanggap naman iyon ni Josh at nagpakilala.

Akala ko ay magiging awkward ang araw na 'to pero, natutuwa akong pagmasdan ang ngiti ng anak ko.

Dala-dala siya ni Joshua habang mahimbing na natutulog. Kasabay ko naman na naglalakad si Calix.

"So, how are you?" Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Si Calix iyong tipo ng tao na hindi pangungunahan ang nararamdaman mo.

If you need space or time for yourself, ibibigay niya iyon at hindi ka guguluhin. I remember how I meet him.

"Fine? Not sure." Natatawa kong sabi.

"I know it's not easy but, you know? Just one call and I'll be there. Standing outside your door." Ginulo nito ang buhok ko.

"I know, Calix. Hindi mo kailangan ipaalala." Ngumiti siya habang dala-dala ang ilan naming pinamili.

F L A S H B A CK

Kasalukuyan akong namimili sa palengke nang may humablot sa suot kong kuwentas. 6 months palang ang nakalipas nang maghiwalay kami ni Josh, ito rin ang ika-lawang araw ko palang dito sa probinsya.

You're Losing Me - Joshua and Talia's StoryOù les histoires vivent. Découvrez maintenant