Chapter 07

710 7 0
                                    

A/N : Hey, Moonlight bb's! I just want to inform you that less than 5 chapters to go nalang tayo. Sa mga nagbasa nito from tiktok and napunta rito para abangan ang story ni Josh An Tally, maraming maraming salamat po. I enjoy writing thia story. Like, first time kong makagawa ng 3 chapters a day. Actually tapos na ang ending nito sa utang ko. Medyo pinag-iisipan ko pa kung final na ba iyon since I'm start crying for them. I think masyado rin akong na-attach while writing this one. Again, thank you so much po sa mga nagbasa nito.

_____

Mariin akong napapikit nang tuluyan kong maipasok sa bahay si Josh. Pagod na pagod akong alalayan siyang maglakad dahil tuluyan na nga siyang nawalan ng malay. Napatingin ako sa suot niyang damit.

Paniguradong lalagnatin siya dahil sa sobrang lamig.

"Ano ba pinag-gagawa mo sa buhay, Josh? Magkasama lang tayo kanina." Bumuntong-hininga ako at nag-isip ng gagawin. I suddenly remember his black pajama na dinala ko nang umalis ako sa bahay namin. Madami siyang pajama pero iyon lagi ng gusto niyang isuot.

Natawa nalang din ako nang maalala ko iyon. Galit ako sa kaniya pero nagdala pa rin ako ng gamit niya para maalala ko siya lagi. Madalas kong yakap amg pajama na iyon nang pinagbubuntis ko si Jonathan. Pero, nang medyo nasasanay na ako na wala si Josh, I decided n itago nalang iyon.

Good thing dahil hindi ko siya tinapo.

Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan si Josh. Binasa ko muna ang labi ko gamit ang dila ko bago lumapit kay Josh.

Ngayon ka pa aarte, e, nakita mo na halos lahat! Pero iba pa rin kasi may asawa na siya!

Umiling ako habang nakatitig sa kaniya. "Baka mapano pa 'to." Tuluyan akong naupo sa tapat niya at sinumulang alisin ang butones ng damit niya.

Nanginginig pa ang kamay ko pero pinili kong madaliin ang pag-alis ng damit niya. Ang kabado kong mukha ay unti-unting napalitan ng pagkakunot na noo at salubong na kilay.

"J-josh...." Pagtawag ko sa pangalan niya. Nanatiling napako ang mata ko sa bandang dibdib, kung saan may malaking piklat do'n. Those scar...wala pa iyon ng kami pa! I memorized every inch of his skin! Iniwan ko siyang walang ganito. Tumayo ako at nagtungo sa likod niya.

Tuluyan kong natakpan ang bibig ko nang makita ang malaking marka pa do'n. Mas malaki kaysa do'n sa bandang dibdib niya. Unti-unti akong lumapit para mahawakan ang mga iyon. Ang kamay kong nanginginig ay masyadong nanlalamig na rin. I traced his scar.

"What exactly happened to you when I left, Josh?" Hikbi kong tanong kahit alam kong hindi naman niya akong masasagot. Tuluyang nanghina ang tuhod ko. Napaupo ako sa sahig dahil sa nakikita kong peklat sa katawan niya.

You're Losing Me - Joshua and Talia's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon