Promise, Last Na Talaga 'To

49 9 2
                                    

January 2023

   Nakatitig lang ako sa kahon na naglalaman ng kung ano-anong munting bagay na naitabi ko sa loob ng pitong taon - movie tickets, dried flowers, notes. Lahat, nagpapaalala sa 'kin patungkol sa kanya. Nagtatalo ang isip ko kung itatapon na ba, o itatabi muna. Maraming beses na rin kasi kaming nag-break, at nagkakabalikan din naman. Kuhang-kuha niya kasi ang karupukan ko. Konting suyo, konting lambing, bumibigay ako. Iniisip ko nga, kung ako naman mismo ang maunang magparamdam. Sobrang miss ko na kasi siya.

   Promise, last na talaga 'to.

Promise, Last Na Talaga 'ToWo Geschichten leben. Entdecke jetzt