Promise, Last Na

19 7 2
                                    

June 2023

   Natulala na lang ako nang kumustahin niya ako sa Messenger kahapon. Pakiramdam ko, huminto sa pag-ikot ang mundo kong unti-unti nang nasasanay na wala ang presensiya niya. Nag-seen lang ako, kasi hindi ko alam kung anong isasagot. Badtrip naman kasi, bakit kailangan pang mangumusta? Ano ba 'yon? Ibig bang sabihin, he still cares about me? Mahal pa rin niya kaya ako? Hindi na ba siya mangangaliwa? Lagi akong umaasa na magbabago siya, na 'di na mambababae. Minus the cheating part, naging mabait, sweet, at caring na BF naman siya. Puwede pa kaya?

   Promise, last na.

Promise, Last Na Talaga 'ToWhere stories live. Discover now