Promise, Last Na Talaga

27 9 3
                                    

March 2023

   Hindi ko itinuloy ang plano kong pakikipagbalikan. Na-realize ko kasi na, ano, ako pa ba ang mag-e-effort? Siya nga 'tong may kasalanan. Tiniis kong hindi ako ang maunang mag-communicate. Siya naman, hindi na talaga nagparamdam, as in! Though, updated pa rin ako dahil ini-stalk ko ang kanyang mga socmed accounts. Sus, laging nasa my day niya 'yong babaeng pinagselosan ko nitong huli naming break-up. Sabi niya noon, tamang hinala lang ako, eh, mukhang tama naman pala 'ko. Cheater talaga ang walanghiya! Ilang beses siyang nagloko, at ilang beses ko rin siyang pinatawad. Ayoko na!

   Promise, last na talaga.

Promise, Last Na Talaga 'Toحيث تعيش القصص. اكتشف الآن