Promise

24 9 8
                                    

January 2024

   Isang taon na ang nakalipas mula nang maghiwalay kami, pero kanina lang ako naglakas-loob itapon ang kahon ng mga memorabilla namin. Sa tuwing iniisa-isa ko kasi ang mga laman noon, bumabalik sa 'kin ang mga alaala, at patuloy ko 'yong kinakapitan. Aminado ako, may natitira pa rin akong pagmamahal para sa kanya, pero ayoko nang manatali sa isang taong hindi naman nakikita ang halaga ko. I deserve better. Oras na para gumising mula sa bangungot ng maling pag-ibig, at harapin ang bagong umaga na ang sarili naman muna ang uunahin, pipiliin, at mamahalin.

   Promise.

Promise, Last Na Talaga 'ToWhere stories live. Discover now