20th Trial

10.2K 98 3
                                    

Guys!! Read niyo ung isa kong story ung Saigo no Negai (former G.E.N.E.), may mga iniba rin ako doon na features. Oh well, kung gusto niyo lang namang basahin XD Pero please read. Lol. Haha!

*Leigh's POV*

Natigil ako at nagulat nang pagbuksan ang kung sino mang kanina pa nagdodorbell sa bahay ko.

May dala-dala siyang batang lalaki na kung tatantsahin ko ay 3-4 years old pa lang. Nakasimangot siya habang ung bata naman ay nakangiti sa akin.

Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Sino ba ang batang 'to? Nacucurious na ako.

Ung nagdala naman sa batang ito, nang tignan ko, nakasimangot na nakabusangot na magkasalubong ang kilay.

Napagaya tuloy ako sa hitsura niya. Napasimangot na rin ako. Nasabi ko na ba dati na ayaw ko ng bata? Puwes pareho kami ng kaharap kong tao ngayon.

"Leigh. Sino yan?" Nawala ang simangot ko sa mukha nang marinig ang pangalan ko na dumaan sa mga masasarap na bunganga ng aking kasintahan. Haha! Lol. Ano daw?

Si Marc ung nagtanong. Sasagot na sana ako kaso tumabi naman na siya sa akin at inakbayan ako. So wala na akong nagawa nang makita niya kung sino ang nasa harapan namin.

"Karl?" Nakakunot noong tanong niya nang mapagsino ang nasa harap namin ngayon. Yup. It's his one and only and my one and only, cousin and bestfriend. *roll eyes*

Akala ko magwawala tong si Marc, pero ngumiti siya nang makita ung dala ni Karl. Nasabi ko na bang gusto niya ng bata? Pansin niyo? Magkaiba sila ng gusto ng pinsan niya. Pero isang babae lang ang minahal nila, at ako un. Chos! Kapal ng mukha ko grabe.

"Anak mo?" Nakangiting tanong ni Marc kay Karl habang inaabot ang bata mula dito.

Muntik na akong bumunghalit ng tawa nang tanungin un ni Marc. But I just giggled.

Tinignan ko si Karl pero naging seryoso ang mukha niya. Don't tell me...

"Oo." Sagot niya na ikinagulo ng isip ko. May anak si Karl? Three years old? Or four? What? Why?? Sino nagkamaling pumatol sa kanya?

Napansin siguro ni Marc at Karl ung confusion sa mukha ko kaya ngumiti sila. "Adopted." Sabay nilang sabi at tumawa ng malakas si Marc.

"Hahahaha! Epic ng mukha mo Leigh! Grabe! Sana pinicturan ko no?! Haha! Grabe ka namang mag-isip!!" Tawa ng tawa si Marc na kulang na lang ay gumulong gulong sa kakatawa. Grabe bakit siya tumatawa?!

"Mae naman. May mga papatol naman sa akin. Sa gwapo ko ba namang 'to.?" Kalamadong sagot ni Karl. Nakita ko siyang bumuntung-hininga at ngumiti. Pero alam kong malapit na rin siyang tumawa at maghysterical tulad ng pinsan niyang may topak.

*sigh* Have I said that out loud? Tsk. Whatever.

"Bakit kailangan mong mag-adopt eh sayo na mismo nanggaling na may papatol naman sau?" Nakataas kilay kong tanong. Buti na lang at hindi ako madaling maasar kung hindi baka napagsalitaan ko na tong dalawang to. Tawanan ba naman ako?! -_^

"Before that, pwede pumasok?" Nakangiting tanong ni Karl.

Ah! Oo nga pala! My bad. Grabe hindi ko man lang sila naisipang papasukin sa bahay ko >_

Natawa ako sa isip ko dahil sa pangalang nasabi ko. Leigh Mae?

Haha! Pwede rin. Shortcut ng pangalan kong ang haba-haba.

"Ah sorry. Nakalimutan ko. Sorry. Pasok kayo." Tarantang sabi ko at binuksan ng maluwang ang pintuan.

Ngumiti siya pati na rin ung bata bago pumasok sa loob. Kapag ba three years old na hindi marunong magsalita talaga? Eh ang four?

Not Enough (Completed)Where stories live. Discover now