28th Trial

11.2K 120 13
                                    

Hey guys, kung makakaconnect ako bukas, tatapusin ko na ito. Aaaaaw. KUNG lang naman KUNG. :D Link sa stories ko na kung trip niyong basahin, ito oh:

Saigo no Negai:http://www.wattpad.com/story/3614149-saigo-no-negai-gene

The Devil's Tears: http://www.wattpad.com/story/5024389-the-devil%27s-tears-soon

*Leigh’s POV*

Lumabas ako ng bahay. Ayaw ko naman nang mamalagi doon ng isa pang maghapon dahil bukod sa nababagot ako, kailangan ko ng fresh air. Kaya napagdesisyunan kong pumunta sa malapit na park. Sakto, Sakuras are in full bloom. Umupo ako sa bench, thinking of the things that the doctor told me the other day.

Buntis ako……magiging mommy na ako.

Napangiti ako at bumuntung-hininga habang nakatingin sa mga bulaklak ng Sakura. Hini ko alam kung ano ang gagawin ko. Papatawarin ko ba siya? Sasabihin ko ba ang tungkol sa baby?

O itatago ko na lang? paano kung paglaki ng batang nasa sinapupunan ko, hanapin niya ang kanyang ama? Sasabihin ko ba?

Hindi ko alam. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Humawak ako sa sinapupunan ko.

Baby, kahit na magulo ang sitwasyon natin ngayon, namin ng daddy mo, hindi ako gagawa ng kahit na anong makakasama sa’yo. Pero hindi ko maipapangakong mapapatawad ko ang daddy mo ng ganun-ganun lang.

 

 

 

 

Ipapakilala naman kita baby eh. Pero hindi pa sa ngayon. Paghihilumin ko muna ang puso ko. Masyadong malalim ang ginawa ng daday mong sugat. Hindi naman siguro ako nagkulang…pero bakit nagtaksil pa rin siya…

 

 

 

 

 

Enough. Sinasaktan mo lang ang sarili mo, Leigh.

Pumikit ako saglit at huminga ng malalim.

Pagmulat ko, tumayo na ako at nagdesisyong bumalik sa bahay.

Not Enough (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin