22nd Trial

8.6K 72 11
                                    

Aish! Depressed ako depressed depressed!

Tssh. Haha! Natawa ako sa last update nung binabasa ko ung nasa last page haha! Di ko mapigilan ang matawa kahit na alam kong ganun ang nagyari xD Nakakatawa ung reaction ni Marc kay Karl at Leigh haha! (Parang hindi depressed makatawa wagas xD)

Eh private getaway ko ang Not Enough at natuwa ako sa comments niyo xD haha!

*Marc's POV*

Mabilis akong lumapit kay Karl at Leigh na hanggang ngayon ay naghahalikan....sh*t hindi naghahalikan kasi kahit na nakahawak si Leigh sa dibdib ni Karl ay hindi siya tumutugon. Si Karl lag talaga ang humahalik. Kaya forced lang yan!

Mahahawakan ko na si Karl eh, konti na lang, pero biglang may humila sa akin ng malakas kaya napaatras ako at medyo nawalan ng balanse.

Nang tignan ko kung sino ang humila sa akin, si Rica na nakangiti. Aaaahhh! Nakakainis! Gusto kong suntukin sa mukha si Rica pero hindi ako pumapatol sa babae! Nakakagigil lang! Kung hindi niya ako hinalikan ehdi sana hindi rin hinalikan ni Karl si Leigh! at si Karl, napansin kong tapos niya nang gahasain ang asawa ko. Tangna gahasa talaga?!

"Gago ka Karl! Tangina mo! Ano yun??!!" Hindi ko mapigilang sabi at mabilis akong lumapit sa kanya at kwinelyuhan siya.

Susuntukin ko na sana siya pero may humawak sa balikat ko at hinila ako palayo. Tangna isa pang sagabal na babaeng to!

Agad kong itinulak ung pumigil sa akin dahilan ng pagkapaupo niya sa sahig.

Liningon ko siya at nawala ang lahat ng kulay sa mukha ko nang makitang si Leigh ung naitulak ko.

"Shit Leigh!" Binitawan ko ng marahas si Karl at agad na dinaluhan ang napaupong si Leigh. Tangba kung alam ko lang sana, akala ko talaga si Rica! Bakit kasi niya ako pinigilan?! Aish.

"Sorry. Okay ka lang?" Mahinahon pero nagaalala kong tanong. Inalalayan ko siyang tumayo at hinimas ang likod niya.

"Now now aren't we a bit overreacting here?" Sabi ni Rica na dahilan kung bakit kami napatingin sa kanya ni Leigh. Nakasmirk ang magaling kong 'KAIBIGAN' na sa sobrang pagiging magaling niyang kaibigan ay hinalikan ako sa harap ng asawa ko -____-

Sa di malamang dahilan ay bumitaw sa akin si Leigh na kinakunot ng noo ko. Lumapit siya kay Rica.

"Usap tayo sa loob." Sabi niya kay Rica at nauna nang pumasok.

Tumingin muna sa akin si Rica at nakuha pang kumindat bago pumasok sa loob nang tumatawa.

Ramdam ko ang tensyon sa aming dalawa ni Karl. Ang magaling kong pinsan, tangina talaga.

"Bakit mo ginawa un?!" Mahina kong sigaw sa kanya. Nagsisisi ako kung bakit naitulak ko si Leigh pero mas nangingibabaw talaga ang galit ko sa pinsan ko at ang.....selos?

"Sa tingin mo, natuwa ba si Leigh nang nakita kayo ni Rica? Nasaktan siya pare. Tanga mo rin eh. Pwede mo naman siyang itulak pero anong ginawa mo? Hindi mo siya pinigilan. Sa tingin mo ba gustong makita un ni Leigh? Hindi. At ako lang ang malapit sa kanya para protektahan siya. And kissing her means getting even with you." Mahabang litanya niya at hindi na ulit nagsalita pero sinamaan niya ako ng tingin.

Bumuntung-hininga ako. Tama siya. Nakakainis aminin pero, tama siya. Nagpadala ako sa emosyon ko. Naging selfish ako. Kaya hindi ko inintindi kung ano ung mararamdaman ng babaeng mahal ko. At ang masaklap pa dun. Nasaktan ko siya. Tangna nasaktan ko siya. Un ang pinakahuli-hulihan kong gahawin kung sakali pero anong ginawa ko? Naitulak ko siya.

Iniuntog ko ang ulo ko sa pader na para bang kung gagawin ko un ay mababawi ko kung anong nangyari kanina. Nakakainis! Nabubuwisit ako sa sarili ko kasi nagpadala ako sa emosyon ko. Nabubuwisit ako kay Karl dahil iba ang pakahulugan niya sa salitang 'protektahan'.

Ilang minuto pa ay lumabas na ung dalawang babae at agad kong pinuntahan si Leigh at siniil siya ng halik.

She moaned at the back of her throat abd gripped my hair. Akala ko palalalimin niya ung halik un pala ihihiwalay niya ako sa kanya. Nagtataka ko siyang tinignan.

"Tsss. Disinfected na. Okay na." Sabi niya ng nakangiti at nag-roll eyes pa. Humiwalay siya sa akin at pumasok sa loob ng bahay.

Huh? Disinfected? Anong ibig niyang sabihin? Bakit hindi maprocess ng utak ko? Tsk. Mga babae talaga.

At ano ung pinagusapan nila ni Leigh kanina? Aits.

Pagkalabas ni Leigh ay kasama na niya si Deej. Biglang nawala ung inis ko nang makita ung pamangkin ko. Ngumiti ako at ngumiti rin siya.

"Daddy!" Sigaw niya. Itinaas ko ung mga kamay ko para abutin siya. Ganito pala ang feeling ng may anak? Mawawala ung galit mo kapag nakakakita ka ng bata. Lalo na kapag ung pinakamamahal mong tao ung ina ng anak mo. Sobrang kaligayahan nun. Siguro dapat simulan na namin ni Leigh ang pagpaplano ng anak. Haha!

Nawala ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang hindi ko na maramdaman ang presensya ng mag-ina ko 'kuno'.

"O Marc. Kamay mo nakataas?" Natatawang sabi ni Rica at tinakpan ang bunganga niya para hindi halatang tumatawa siya.

Lumingon ako at karga karga na ni Karl si Deej. Nakalagay ang mga kamay niya balikat ni Leigh at si Leigh naman ay sa likod ng bewang ni Karl. Para silang mag-asawang naglalakad papunta sa kotse ng bwisit kong pinsan.

At si Leigh talagang hindi ako nilingon! Nakakainis!!! Ano yan dedmahan?!

Kumapit sa braso ko si Rica at nakangiting inakay ako papunta sa kotse niya. Alanganin akong naglakad at tumitingin kina Leigh, nagbabakasakaling baka tumingin dito sa direksyon namin.

Pero hindi eh! At ang masaklap pa hinalikan ni Karl si Leigh sa noo! Ano yan bastusan?! Asawa po andito!

Nakasimangot akong pumasok sa shotgun seat at hindi ko inaalis ang tingin kina Karl. One wrong move Karl and you're dead.

Pumasok si Rica. " Saan ba tayo pupunta?!" hindi ko mapigilang sigaw. Dapat ang araw na ito ay para lang sa amin ni Leigh! Pero bakit may mga asungot na sumusulpot?

"They'll play house. If you know what I mean." Saad ni Rica at humarap sa akin.

"Marc..." mahinang tawag sa akin ni Rica sa tonong nang-aakit. Ano bang balak ng babaeng ito?!

Nang lingunin ko siya ay ang lapit na ng mukha niya sa akin at hinalikan niya ulit ako.

Dapat itinutulak ko na siya ngayon pero mas pinalalim ko ung halik. Ibinuhos ko lahat ng frustrations ko sa halik na yon.

Itinigil ni Rica ang paghalik sa akin at pinaandar ang kotse. Huminga ako ng malalim. Bakit ko na naman ba ginawa un?! Kasalan un. Committed ako pero nakikipaghalikan ako sa iba. This is cheating!

"Alam mong kasalanan un, Marc." Maasim na sabi ni Rica pero nakangiti.

Tumingin ako sa harap at wala na sila. Pinaandar na ni Rica ung sasakyan.

Huminga ako ng malalim at naisuklay ko ang kamay ko sa buhok ko. Sobra sobrang frustrations ang nararamdaman ko ngayong araw.

Kiss maniac na ba ako at hindi ako makuntento sa halik ni Leigh kaya kung sinu-sino na lang ang hinahalikan ko? Pero okay lang un dba?

As long as hindi ako nakikipag-sex sa iba okay lang na makipaghalikan ako. Si Leigh nga nahalikan ni Karl. Ako pa kaya?

Iba naman un Marc! Pilit ung kaniya ung sau hinalikan mo mismo!

Pero malay ko ba kung ano ang ginagawa nila ngayon sa kabilang sasakyan?! For all I know naghahalikan din sila doon tulad ng ginawa namin ni Rica?!

But that's impossible Marc! Sobra sobrang walang tiwala kay Leigh ang meron ka kung iniisip mong may ginagawa silang milagro doon!

Pero dala lang naman ng selos kung bakit ko un naiisip eh! At kung bakit ko nagawa ang di dapat.

Aish! Tama na! Hindi ko na alam ang iniisip ko. Napahilamos na lang ako sa mukha ko sa kawalan ng rason.

******************************

Don't get chuchu! Update yan ng depressed wala sa tamang pag-iisip at hindi maayos ang plot kaya magulo xD Short update lang~~ Magaupdate siguro ako bukas. XD hehe. Annyeong!

KawaiiYuzami! - Pakituloy naman ung My Forged Wedding mo xD haha! Gusto ko un Tam gusto ko un!

Not Enough (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora