Chapter 30

274 8 0
                                    

Puro maliliit na kubo ang nakikita namin at may mga maliliit na bata na naglalaro sa daan. Ang mga matatanda naman ay nakitingin sa amin. Lahat sila ay nakasuot ng balabal ngunit iba-iba ang kulay.

"We need to find the oldest dark witch." saad ni Lady Samantha.

"Isn't it dangerous since dark witch ang pupuntahan natin?" tanong ko.

"Sino ba nagsabi na safe ang lugar na ito?" tanong naman ni Lady Samantha pabalik kaya nahiya ako dahil lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Sorry." saad ko at hindi na ulit nagtanong pa.

Wala naman silang sinabi kung ano mangyayari sa amin dito lalo na at mukhang malapit ito sa dark kingdom. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at kahit medyo maliit lang ang village na ito ay nakakapagod pa ring maglakad ng halos isang oras dahil sa pasikot-sikot at mukhang hindi pa nila alam kung saan pupunta.

Tahimik lang akong sumusunod sa kanilang tatlo ng biglang may humila sa akin paatras at tinakpan ng tela ang ulo. Magsasalita pa sana ako ng bigla akong nakaramdam ng sakit sa batok ko bago mawalan ng malay.

Jasper's Pov

"Alam niyo ba kung saan ang bahay ng tinatawag niyong ancient dark witch?" tanong ko sa kanila.

"Oo naman, Prince Jasper. Nakatira ito sa pinakahuling bahay sa village na ito malapit sa gubat." sagot ni Lady Samantha.

"Sana kanina mo pa sinabi para nagteleport na lang tayo." saad ko na ikinatingin nila ng masama sa akin.

"No magic exist here except witchcraft or anything that only witches posses." saad ni Prince Raven.

"Oh then lets hurry up. We don't have the whole day for this." saad ko kaya mas lalo naming binilisan ang paglakad.

Mga ilang minuto ang lumipas ay nakarating na rin kami sa pinakahuling bahay sa village na ito. Napakaluma ng bahay at hindi rin ito malaki. Gawa ito sa kahoy at sa tingin ko na kahit isang tama lang ng mahika ko ay matutumba na ito.

"Pasok na tayo." saad ni Prince Raven kaya kumatok muna ito at naghintay ng ilang sandali.

Bumukas naman ang pinto at tumambad sa amin ang isang matandang babae na nakasuot ng itim na balabal.

"Anong kailangan ninyo?" tanong nito.

"Mayroon kaming kailangan sa inyo na kahit sino mang katulad mo ay hindi makakatulong sa amin." saad ni Lady Samantha.

"At ano iyon?" tanong nito.

"Kailangan naming malaman kung anong klase ng itim na mahika ang meron dito." saad nito at ipinakita ang vial.

"At ano naman ang kapalit?" tanong ng matanda kaya napatingin ang dalawa sa akin.

"Ano ba ang gusto mo?" tanong ni Prince Raven dito.

"Ang sagradong bato na pagmamay-ari ng kaharian ng liwanag. Ito ay makakatulong sa aking pangangailangan. Matatagpuan ito sa lumang bahay ng mga diyos at diyosa ng mundo." saad nito.

"Does she mean the glazed stone?" tanong ko sa kanila.

"Ano pa ba?" tanong naman nila pabalik sa akin.

"I don't have one." saad ko na ikinatingin nila ng masama sa akin.

"Malay ko bang kailangan ko pa lang magdala nun." saad ko pero inirapan lang nila ako.

'Magkasintahan nga kayo'

"What about you just help us then we will pay you back when we came back to the academy." saad ko sa matanda at mukhang hindi naman ito naniwala.

"Do you really think she will believe you?" hindi makapaniwalang tanong ni Lady Samantha.

"Kung hindi ninyo ako mabibigyan ng kapalit na aking gusto ay mas mabuti na lang na unalis kayo." saad nito at isasara na sana ang pintuan ng bigla itong hinarangan ng dalawa.

"We didn't come this far para lang paalisin mo kami ng ganun kadali. You'll help us or I am going to kill you." saad ng dark prince pero hindi naman natakot ang matanda.

"Ako ba ay tinatakot mo?" tanong nito at ngumisi ng nakakatakot pero syempre hindi naman kami natakot doon.

"Pinapangako naman namin na ibibigay namin ang kapalit na gusto." saad ko.

"Ganito na lang, bigyan ninyo ako ng isa sa pinakamahalaga sa buhay niyo. Maaari rin na buhay ninyo ang kapalit nun." saad nito na ikinatingin ko ng masama sa kanya.

"Kung ayaw ninyo ay mas mabuti na lang na umalis kayo ngayon din." dagdag pa nito at isasara na sana muli ang pinto pero pinigilan ito ni Lady Samantha.

"Fine. I'll give you the ring that my grandmother gave before she died." saad nito sabay bigay ng singsing na kulay itim pero may purple crystal ito sa gitna.

"Are you serious? That's the only memory she gave to you." hindi makapaniwalang sabi ng kasintahan nito.

"We have no other choice." saad nito.

"Pasok kayo." saad ng matanda kaya pumasok na ako at sumunod sa akin si Lady Samantha. Sumunod naman ang kasintahan nito na halata ang galit at inis sa mukha.

"Maupo kayong tatlo." saad nito sabay turo sa isang lumang upuan.

Tumango lang ako at uupo na sana when realization hit me.

"Tatlo?" tanong ko.

"Bakit may nakikita ka pa bang iba?" tanong nito kaya napatingin ako sa dalawa.

"Nasaan si Claire?" tanong ko.

"Malay ko. Ikaw dapat nakaalam nun." saad ng prinsipe kaya galit akong tumingin sa kanya.

"I'll look for her." saad ko at lalabas na sana ang pinigilan ako ni Lady Samantha.

"Can't you wait for this to be done? I'm sure she is wandering anywhere at makikita rin natin siya." saad nito.

"What if may mangyaring masama sa kanya?" tanong ko.

"Come on, we left the hunter's village unscathed so what are worrying for?" tanong ng kasintahan nito na mas lalo kung ikinatingin ng masama sa kanya.

"Wala ka bang tiwala dun? Kung sakali mang may nangyaring masama sa kanya, mas importante pa ba iyon kesa sa ginagawa natin dito?" dagdag pa nito at hinila ako paupo sa upuan.

"Wala ka ngang naitulong dadagdag ka pa sa problema." saad nito.

"Ngayon ay ibigay mo sa akin ang bote na hawak mo." saad ng mangkukulam kay Lady Samantha.

In a flicked or her fingers ay lumitaw ang isang pot na puno ng bumubulang tubig. Malinaw naman ang tubig pero ng nilagay na niya ang itim na likido galing sa vial ay umitim ito at minsan ay pumupula. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero alam ko na mukhang masama ito dahil sa reaksyon ng matanda.

"Itim na sumpa ng propesiya." saad nito.

"Ang sino mang magkaroon nito ay mamamatay sa loob ng tatlong araw. Walang gamot na makakatulong dito maliban na lang na tanggapin ang kamatayan." dagdag pa nito.

"Propesiya?" tanong ko.

"Nagsisimula na ang katapusan."

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now