Gullible

55 0 0
                                    

Gullible

"Ano bang paborito mo?"

Ito na naman siya.

Paano ko ba sasabihing naiinis na ako sa tuwing kinukulit mo ako. Paano ko ba aamining naririndi na ang aking mga tenga sa tuwing nagtatanong ka nang biglaan patungkol sa akin.

Weird. Marahil dahil magkaibigan tayo at nais mo lang malaman ang mga bagay tungkol sa akin, ngunit napagtanto kong mali pala ang iyong ginaggawa.

Animo'y nawawalan ako ng pagkapribado dahil naglalabasan ang mga mahalagang impormasyon tungkol sa sarili ko.

Parang binabasag mo ang pinto sa akin upang malaman ang buong pagkatao ko. Napakalalim ng mga tanong, mas malalim pa sa dagat na kinatatakutan ko.

Hindi ko inasahang ginawa mong hakbang iyon upang ako'y malinlang at malaman ang mga bagay na hindi ko dapat o nais sabihin sa iba. Nakakalason.

Ngayon ko lang napagtanto, nakapa daldal ko na pala. Nakaparaming bagay na ang aking ibinahagi sa ibang tao.

Iyon pa naman ang isa sa pinakaayaw ko, ang makaalam ang lahat tungkol sa buhay ko o sa kahit anong problemang kinakaharap ko.

Hindi mo ata ramdam na nakakailang kapag maraming tao ang nakakaalam sa iyong sarili. Nakakakabobo.

Magaling ka. Magaling kang mang-akit upang ako'y malinlang. At ako nama'y isang mangmang na wala pang naiintindihan sa bagay na kanyang pinaggagawa.

Nais ko nalang pagtawanan ang aking katangahan, sapagkat ako'y nagpadala sa kanyang mga salita.

Ikaw na rin mismo ang nagsabi dati, 'You're such a gullible person,' tama ka nga. Napakauto-uto ko.

Nagpauto ako sa mga salita. Nagtiwala ako sa galaw. Ikaw lang din pala ang unang makakaranas kung paano ako mauto.

Sa kabilang banda, ako na pala ang naiipit. Ako na pala ang nasisira. Ako na ang nauubos. Ako pa ang may kasalanan.

Marahil nanalo ka sa iyong ginawa, ngunit sa mata ng lahat, ang nananaig ay mga taong tahimik lamang.

Kung kaya't ako'y kalmado lang, ngunit hindi sa lahat ay mananatiling sarado ang mga bibig at nakapikit ang mga mata.

Natuto na ako. Napagtanto ko na ang dapat gawin, at masaya akong mailabas ang tunay na saloobin sa iyong mukha.

Ang iyong paglayo ay tila kapayapaan sa aking puso. Salamat sa pakikinig. Nawa'y magkaroon tayo ng katahimikan malayo sa isa't isa.

- ernxx / tamestnaive

Malayang Salita Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu