ML I: BAKIT NAGTATAGO ANG BESHY KO NA YARN?

170 23 5
                                    

MEMEI's POV

Sobrang ganda ng umaga ko dahil nakita ko agad si Aeron sa tapat ng bahay namin na sakay ng bike niya. Pero agad din akong napasimangot nang makita ko si Brian na mukang nagpapanggap na naman na si Brianna. Nakasuot na naman kasi siya ng dress pero sa pagkakataong iyon ay wala na siyang suot na pantalon at sapatos na panlalaki.

Sa katunaya'y bigla akong nakaramdam ng inggit sa ganda ng suot niyang pink sandals na may takong. Saan kayang SM iyon binili?  Gusto ko rin magpabili no'n kila Mommy.

At mas lalo akong nainggit kay Brian nang mapagmasdan ko ng mabuti ang mukha niya. Mas muka pa siyang babae kesa sa amin ng mga kaibigan ko. Para talaga siyang tunay na babae dahil sa hanggang balikat niyang itim na itim at tuwid na buhok. Ang ganda niya 'pag nakaayos babae. 

"Para ka talagang tunay na babae sa ayos mo," puri ni Aeron kay Brian.

Napakunot-noo ako sa sinabing iyon ni Aeron. Alam niyang nagpapanggap lang na babae si Brian? Paano niya naman nalaman iyon? Dalawang araw naman naming binantayan ng mga kaibigan ko si Brian. Ni hindi rin namin siya nakitang lumabas ng bahay at hindi rin siya pinuntahan ni Aeron. Ang huling pag-uusap nila ay noong ipinakilala kami ni Aeron sa isa't isa.

Napuslitan ba ko ng Brian na ito nang hindi ko nalalaman?

"Salamat." Kinikilig na inipit ni Brian ang buhok niya sa likod ng kaniyang tenga.

"Salamat," panggagaya ko sa inaktong kabaklaan ni Brian, at inis na inis akong umirap sa kaniya kahit hindi naman niya ako nakikita dahil kay Aeron siya nakatingin.

"Oh my god! Sandali lang, Aeron. May nakalimutan ako!" maarteng bulalas ni Brian, nagmamadali pero pakendeng-kendeng siyang pumasok ng bahay nila.

"Aeron!" Napatingin ito sa direksyon ko. Nginitian ako nito. Gagayahin ko rin sana ang pakendeng-kendeng na paglakad ni Brian pero mas pinili ko na lang na ngumuso at humalukipkip palapit sa kaniya. "Alam mo nang nagpapanggap siya? Kailan pa?"

"Oo, sinabi niya sa akin nung nakaraan ang totoo. Nung pagkauwi namin galing simbahan."

Nalusutan nga ako ng Brian na iyon. Tinapat talaga niyang tulog na ako at bawal na ako lumabas. 

"Kung ganon, inamin niya na sa'yong bakla siya?"

"Hindi! Hindi siya bakla. Nagbibihis babae lang siya dahil mahilig siya mag-cosplay."

Tumango na lang ako. Hindi pa rin ako naniniwala. Sigurado akong sinabi lang iyon ni Brian para mapalapit kay Aeron. Kung ganoon nga ang plano ng Brian na iyon, hinding-hindi ako papayag.

Napasimangot ulit ako nang makita ko ulit si Brian na kalalabas lang ng gate ng bahay nila. Naiinggit talaga ako sa ganda ng suot niyang pink sandals na may takong. Idagdag pa 'yung suot niyang supel na kumikinang-kinang 'pag nasikatan ng araw.

"Let's go, Aeron," maarteng ani Brian. Akala mo itong babaeng mahinhin na umupo sa likuran ng endless love bike ni Aeron. "Tara na, Aeron, baka mahuli pa tayo sa appointment natin," dagdag pa nito sabay irap sa akin.

Inirapan ko din ito pabalik. "Teka, Aeron, saan kayo pupunta?" tanong ko.

"Sa Barangay. Sige na, aalis na kami. Hinihintay na kami nina Danilo, Trese, Oliver at Chad sa labas ng gate. Bye, Memei!"

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sinimulan nang magpedal ni Aeron. Umalis na ang mga ito. Ni hindi man lang nga ako tinignan ni Brian, talagang feel na feel niya ang pag-angkas sa bisikleta ni Aeron. Nakakainis talaga siya.

"Memei!" Tawag sa akin ng mga kaibigan ko. Nakasimangot ko silang nilingon pero agad akong napangiti nang makita ko silang nakasakay sa kani-kanilang bike. Papalapit sila sa akin.

Magandang LalakweTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon