ML III: BAGAY MAGING CRUSH KO ANG BESHY KO NA YARN

129 21 6
                                    

MEMEI's POV

"Anong klase kayong kaibigan? Bakit niyo ko iniwan mag-isa sa basurahan?" angil ni Chad kila Danilo nang maiahon na siya ng mga naghahakot ng basura sa village namin.

Kahit malayo kami sa kaniya. Amoy na amoy namin yung amoy ng basura na kumapit sa kaniya, lalo na yung tae na nagmula sa pampers ni Khia. Namuo na nga iyon sa kamay niya. Kadiri.

Mabuti na lang talaga ay gabi na. Wala ng langaw na maghahabol sa kaniya. Mga tulog na kasi langaw sa gabi. Mga lamok naman ang gising.

"Kadere, eeww," nakangiwing komento ng katabi kong si Brian. Ang tinutukoy niyang kadiri ay yung naapakan niyang chewing gum na kumapit sa suot niyang rubber shoes. Ikinikiskis niya iyon sa mga bato.

Gusto ko sana siyang sabihing maarte pero hindi ko magawa. Bigla kasi akong nahiya sa kaniya na hindi ko maintindihan. Basta, ayoko na magkagalit pa kaming dalawa.

"Kung kami ang tutulong sa'yo sa pag-ahon sa basurahan. Malamang, pare-parehas na tayong nasa basurahan," angil ni Lorraine kay Chad na kasalukuyang binabasa ng garbage collector gamit ang hose na para sa lahat. Walang may-ari no'n.

Basta para sa lahat ang gripo at host na iyon. Doon nga kami minsan naghuhugas ng kamay at paa bago kami umuwi sa mga house namin.

"Oo nga! Hindi ka nila kaya 'no!" sang-ayon ni Alyza. "At saka mataas yung basurahan, hindi ka nila kaya iahon don, at hindi rin nila kaya umakyat. Wala naman kasing ladder."

"Bakit kami lang? Hindi ka kasama?" kunot-noong tanong ko. Nila kasi yung sabi niya, hindi namin.

"Kadiri kaya," maarteng sagot ni Alyza.

Ginaya ko na lang ang pag-irap nito sa kawalan at saka ko pasimpleng tinignan ang katabi kong si Brian. Natanggal na niya sa sapatos niya yung bubble gum. Nakikinig na lang siya sa usapan namin.

"Mga manong ibalik niyo nga po si Chad diyan sa basurahan! Wala po siyang utang na loob sa amin! Imbis na magpasalamat po siya sa amin sa pagtawag po namin sa inyo! Nagagalit pa siya!" singhal ni Chin.

"Sige na, Chad, bumalik ka na sa loob ng basurahan. Hanapin mo yung ulo ng manika ko. Nakapikit iyon kasi patay na siya!" Natawa kami sa sinabi ni Gaile. "Didilat lang siya ulit 'pag nabalik na ulit ang ulo niya sa katawan niya!"

"Alam mo, Chad, kasalanan mo rin naman kung bakit ka nahulog sa basurahan," tumatawang sambit ni Trese. "Hindi ka kasi tumitingin sa daan, eh!"

"Walang kasalanan si Chad!" tanggol ni Oliver.

"Heto!" Pakita sa amin ni Danilo ng sky blue na panty ni Alyza. Naghagikgikan kaming magkakaibigan, pati na rin si Brian. "Kung sino man may-ari ng panty na ito---"

"Malamang wala siyang panty ngayon. I thank you," dugtong ni Brian sa sinasabi ni Danilo.

Naghagikgikan ulit kaming magkakaibigan pero hindi kami nagpahalatang kilala namin kung kanino ang panty na iyon. Ayaw namin mapahamak at mapahiya ang kaibigan naming si Alyza. Sigurado kasi kaming aasarin siya palagi nila Danilo at baka ipagkalat pa ng mga iyon ang tungkol sa pahamak niyang panty.

"Buti na lang talaga violet ang favorite mong kulay, hindi sky blue, kundi ikaw ang kauna-unahang mapaghihinalaan," bulong ko kay Alyza.

"Oo nga," sang-ayon nito sa sinabi ko habang patuloy sa paghagikgik.

"Chad, anong nangyari sa'yo?" tanong ng kararating lang na si Aeron, kasama nito ang girlfriend niyang si Felina na nakatakip ang ilong.

Tumingin ako kay Brian para tignan ang reaksyon niya sa pagdating ng crush namin na si Aeron. Ang kaso nakatingin din pala siya sa akin at kinindatan ako, saka ibinalik ang tingin nila Aeron.

Magandang LalakweTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon