CHAPTER 1 #TheGayDoctor

0 0 0
                                    

 "NURSE Cath, malapit na po magsimula ang program," paalala sa akin ng isang nurse nang makapasok sa office ko.

   Tumango lang ako saka tinapos na ang pagre-retouch. Umalis na rin siya.

Kailangan kasi maganda ako ngayon. This is the most exciting moment I've been waiting for. Matapos ang sampung taon kong paghihintay sa wakas ay matutuldukan na ngayon.

   Tumawag si Ate Erica kahapon. At sinabi niya na dumating na si Edward noong nakaraang linggo at ngayon siya i-we-welcome sa Hospital na pinagta-trabahuan ko, bilang bagong resident doctor. 

  Si Edward ang dahilan kung bakit nag-shift ako sa kursong nursing. Doctor sana pero masyadong malaki ang gastos saka gusto ko ring makapagtrabaho agad para hindi na mahirapan si Nanay. Umaasa rin kasi ako na sa pagiging isang nurse ko, posibleng magtagpo ang landas namin ni Edward. 

  Sabi ni Ate Erica dati kapag bumalik ng Pilipinas si Edward ay dito siya magtatrabaho sa ACH Hospital kaya no'ng nagtapos ako at nag-offer si Ate Erica na ipasok ako dito ay hindi na ako tumanggi. 

Malaking oportonidad ito sa para sa desperadang tulad ko. Well, yeah. Wala akong pakialam. Nagmahal lang ako. Hindi rin naman ako nagsisi na makapasok dito. Most nurses and doctors dreaming to work with ACH Hospital pero hindi lahat pinalad. Malaking hospital ang ACH, malaki magpasahod, maganda ang worker's benefits, talagang worth it magtrabaho dito. Pero hindi talaga gano'n kadali. Buti na lang mabait si Ate Erica at Sir Axel.

  Dati lage akong ina-update ni Ate Erica tungkol kay Edward. Pero makalipas ang tatlong taon ay medyo madalang na magtext o tumawag si Ate. Busy rin kasi sila ni Sir Axel sa kompanya nila. Lalo na sa apat nilang anak. Kaya nga parang nawalan na ako ng pag-asa kay Edward. 

Saka iniisip ko na, I'm not getting any younger. Kung hihintayin ko pa si Edward na wala namang kasiguraduhan kung magugustuhan ako ng baklang iyon, baka abutin na ako ng trenta dalaga at virgin pa rin. Kaya sinubukan kong makipagrelasyon sa iba, pinipilit ko siyang kalimutan at ibaling sa iba ang kakaibang damdamin ko kay Edward. Pero tunay ngang hindi natuturuan ang puso, siya at siya ang pipili ng mamahalin niya at hindi mo siya mapipilit. After a year ay naghiwalay kami, kasi kahit anong pilit ko hindi nagwo-work ang relationship namin. 

 Isang doctor rin sa ACH ang nakarelasyon ko at hanggang ngayon ay resident doctor pa rin siya dito. Lagi nga akong kinukulit na makipagbalikan pero ayaw ko talaga. Hindi ko kaya, kahit na wala naman kaming relasyon ni Edward ay pakiramdaman ko nagtataksil ako sa kaniya. Kaya hindi ko kayang magmahal ng iba. Gano'n ako ka-obsessed kay Edward Alcantara, my loves.

PAGDATING ko sa function hall ng hospital ay kakasimula pa lang ng program. Ang dami pang sinasabi ng emcee, naiinis na ako dahil kinakabahan at excited akong makita siya. Nanlalamig at pinagpapawisan pa ang kamay ko. Feeling ko talaga maiihi ako sa excitement. 

  Buti na lang talaga at nasa harap ako. Head nurse ako ng hospital kaya isa ako sa mga priority lalo na sa upuan. At lalo na kapag nandito si Ken, ang ex-boyfriend ko. 

    Nasa line ko rin nakaupo sina Ate Erica kasama ang asawa nito.

 Isa-isa nang tinawag ang mga bagong doctor ng hospital. May sampung doctor kasing nakapasok at isa si Edward sa sampung iyon. Nakalima na ng tawag at pakilala ang Emcee wala pa rin si Edward.

 Ihing-ihi na talaga ako dahil sa kaba. Para akong naghihintay ng turn ko para mag-recite ng report sa gitna.

  

  "Edward, pang-ilan ka ba? Bakit ang talagal?" hindi ko na mapigilang bulong sa sarili ko.

"Doctor Ed…" 

SEXYBEAST SERIES 2: THE GAY DOCTORWhere stories live. Discover now