CHAPTER 2 #TheStart

1 0 0
                                    

LAGLAG ang panga, pati panty ko. Tama ako sa hinala ko na malaki talaga ang katawan ni Edward at nakakatulo laway. Kitang-kita sa suot niyang dark violet na long sleeve polo, na hapit sa katawan niya. Parang ang sarap himasin at pisilin ng dibdib niya. Parang ang sarap din niyang yakapin. Ano kaya ang pakiramdam na makulong sa kaniyang bisig habang pinapakinggan ko ang tibok ng kaniyang puso. 

  Ahh, imagination pa lang heaven na.

 Nandito ako ngayon sa Hill mansion. Habang nakatingin kay Edward mula sa malayo, hindi ako makalapit dahil may mga kausap si Edward kasama si Ate Erica at ang pamangkin nitong si Jayvee na sobrang binata na. May iba ring lumalapit na babae sa kaniya, mga nagpapakita ng motibo. Sana ganiyan rin ka kapal ang mukha ko para makalapit sa kaniya na hindi kinakabahan at nawawala sa huwestiyo. 

   Napakagat ako sa kuku ko habang iniisip kung paano ako makakalapit kay Edward. Kung paano ko siya kakausapin. Pero sa t'wing sinusubukan ko, umuurong talaga dila ko. 

 May dumaang waiter na may dala-dalang tray ng wine kaya nanghingi na ako.

 "Thank you," sabi ko saka ngumiti. "Baka ito ang kailangan ko." Saka inisang lagok ang laman ng kopeta.

 "Cath…"

  Muntik na akong maubo nang may marinig akong tumawag sa akin.

 Mabilis akong lumingon. It's ate Erica.

 "Ate," sabi ko saka nilapag ang kopita sa mataas na mesa.

 "Bakit hindi ka lumapit doon?" Umangkla siya sa akin. "You look so beautiful with your outfit tapos itatago mo kay Edward?" 

  Napakagat labi ako saka tiningnan ang suot ko.

 Talagang dumeretso ako kanina sa isang boutique paglabas galing trabaho para bilhin itong shining shimmering na gown na ito. Hapit na hapit sa katawan ko mala Catriona Grey na gown. Gold lang iyong kulay na napili ko. Sobrang mahal nito, pero dahil mas mahal ko si Edward hindi ko na inisip. I want to look gorgeous and sexy in front of him. Pero ito lang ako sa tabi tinatago ang sarili ko. 

  "Ate, nahihiya ako eh," may pilit na ngiting sumungaw sa labi ko.

 "Ikaw rin baka maunahan ka ng mga lalaki d'yan. Mukhang nagmamasid si Edward ng mga machong bisita," pananakot ni Ate Erica.

 "Tayo na po," pagkuwa'y sabi ko. Takot ko lang 'no, baka maunahan ako ng mga macho. Rawr.

 Natawa si Ate Erica nang ako mismo ang humila sa kaniya. Pero nang makalapit na kami ay lumipat ako sa likod niya. Bigla kasing may umusbong na kaba sa puso ko nang makita ko ang nakatalikod na si Edward habang nakaupo.

 "Edward," tawag  niya kay Edward habang kausap ang nanay at tatay nito sa mesa nila.

 Ow, sheyt. Andiyan na naman ang panginginig ko at pagtibok ng puso ko na animo may mga kabayong naghahabulan. Unti-unting lumingon si Edward sa gawi namin. Parang gusto ko yatang tumakbo, nakakatunaw ang presensya ni Edward. Naiihi na naman ako.

  Tuluyan na siyang humarap sa amin saka tumayo, ako naman nakayuko at parang tangang hinihilot ang mga daliri ko. 

 "Yes, Ate?"

 "I would like you to meet someone. She's also a part of the family, so be good to her."

Humakbang paside si Ate Erica para bigyan ako ng view.  " She's Cathy, do you remember her?"

 Napaangat ako ng mukha para makita ang reakyon niya. Blangko pa rin ang mukha niya, pero matapos akong pagmasdan tumaas ang dalawa niyang kilay saka umaawang ang bibig. 

SEXYBEAST SERIES 2: THE GAY DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon