CHAPTER 4 #Sana

0 0 0
                                    

'HOW TO SEDUCE A GAY?

 Paano magpapansin kay crush? 

Effective way of making him fall in love…

  Hay naku! Hindi ko na alam kung alin sa resulta ng research ko ang susundin ko. Ang daming lumalabas pero hindi ko naman alam kung effective. 

  "Kiss him? What the… kiss agad?" naibulalas ko nang mabasa ko ang sumunod na result. "Baka bigla akong sampalin ng baklang iyon kapag hinalikan ko bigla…" natigil ako nang maalala ko anf cherry lips niya na kumikinang pa. 

 Nakagat ko ang labi ko habang ini-imagine ang tagpo na hinalikan ko siya. Sheytt!

Ipinilig ko ang ulo ko para mawaksi ang kalandian ng isip ko.

Nag-scroll ulit ako sa mouse ng laptop ko.

   Pero mukhang bet ko itong lumabas na resulta on making him fall in love. 'Lutuan ng paborito niyang pagkain'.

  Argh! Hindi ko nga pala alam kung ano favorite niya. Paano ko naman kasi malalaman kung todo iwas siya sa akin noon.

 Ay, wait. May naalala pala akong bet niya. Iyong panahong bumalik si Ate Erica sa bahay nila sa Diwata Island. Mukhang paborito niya ang inihaw na karne ng baboy saka hiniwa sa maliit at nilagyan ng pipino at kung ano-ano pa. Speaking of pipino; the first I laid my eyes on him, 'yon ang unang pagkikita namin. At na love at first sight agad ako.

Umiling ako. Balik sa pagkain… ang cute pa niyang tingnan dati habang kumakain. Ahhh, nakakakilig ang eksenang iyon. Nakita ko pa siyang pinamulahan dati nang makita ako. 'Di ko lang sure kung namula siya dahil nakita ako o dahil nainis sa akin.

   Hindi ko mapigilan ang mapahalakhak nang maalala ang mga nakakakilig-para sa akin- na mga eksena dati. Ang sarap lang magbalik-tanaw sa nakaraan. Hanggang sa hindi ko man lang namalayan na umalis na pala siya. 

   Binuklat ko ang dairy ko na nakapatong sa study table ko. Binasa ko iyong mga panahong umiiyak ako dahil hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya. O hindi ko man lang siya nakita bago umalis. Pero napangiti ako nang madako ang pagbabasa sa mga panahong ina-update ako ni Ate Erica tungkol kay Edward.

 Muli kong tiniklop ang notebook saka binalik ang tingin ko sa laptop ko. 

Okay fine. Ipagluluto ko siya. Buti at rest day bukas, magpapatulong na rin ako kay nanay kung paano gawin iyon.

   Pinatay ko na ang laptop ko saka lumundag sa kama at nagpa-ikot-ikot. Kinikilig ako kahit imagination ko pa lang ang gagawin ko. Pumikit ako at ang seryuso at masungit pero guwapong mukha ni Edward ang nakikita ko sa balintataw ko. 

  "Edward, I love you so damn much," bulong ko saka ngumiti habang nakapikit pa rin.

 Bumuntonghininga ako saka tuluyan nang natulog na may ngiti sa labi. Pag-ibig nga naman!

  KINABUKASAN ay agad akong nagdesisyong mamalengke.

 "Oh, anak saan ka pupunta?" tanong ni Nanay nang makita niya akong dumaan sa sala. Kasalukuyan siya ngayong nanunuod ng balitang pang-umaga sa television.

   Five years ago ay nagpasya akong lumipat ng tirahan dito sa Maynila. Masyado na kasing malayo kung iiwan ko si nanay sa Diwata Island at saka mag-isa lang siya. At  kailangan ko pa siyang alagaan dahil sakitin si Nanay at may Highbood pressure pa. Buti na lang talaga at nag-nursing ako. Malaking tulong dahil ako mismo ang nag-aalaga kay nanay. May magandang naidulot rin naman ang obsession ko kay Edward.

 "Mamalengke po ako, 'nay," sabi ko saka lumapit at humalik sa pisngi niya.

 "Huh? Ang aga mo naman yatang mamalengke anak. Tingnan mo ang oras alas sais pa. Sarado pa marahil ang palengke ngayon," nakakunot ang noong sabi niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SEXYBEAST SERIES 2: THE GAY DOCTORWhere stories live. Discover now