Chapter 1; Georgia;; The meeting

148 1 0
                                    

GEORGIA...

Nag sindi Ako ng kandila upang ilagay sa tabi ng larawan ng aking ama na yumao na, inilagay ko Ang kandila sa tabi ng litrato ng aking ama at nagulat Ako ng big lang sumigaw ang aking nanay

"anak! Jusko ka, wag mo diyan ilagay at baka masunog ang kurtina natin.." sigaw ng aking nanay at inayos niya agad ang kandila sa tabi at malayo sa kurtina

"sorry po ma, na exite lang po ako kase birthday nanaman Po ni tatay, ang galing no, nay? ang bilis ng panahon 50 na po pala si tatay.." naka ngiti Kong sinabi habang napatingin Kay nanay

"Oo nga anak eh, tumatanda na nga talaga kami.." sagot Naman ng nanay ko at lumingon siya sa akin habang naka ngiti. ito Ang mga pinaka paborito kong araw, ang makitang naka ngiti si nanay kahit na Wala na ang tatay ay mahilig parin siyang ngumiti, Hindi siya nawalan ng pag-asa na ipagpatuloy ang Buhay at lumaban sa kahit Anong pagsubok

umupo ako sa silya katabi ng lamesa kung saan naka tayo ang larawan ni tatay

"nay, sa tingin niyo po ba bagay kami ni Christian? mabait naman po siya at maykaya, Saka mahal daw po niya ako, sagutin ko na po kaya siya? Ang tagal na din po niyang nan liligaw sa akin, eh.."

Tanong ko Kay inay

Isang buwan nang nanliligaw sa akin si Christian at mabait naman siya, ngunit Hindi ko alam kung bakit ayaw ni nanay na pumayag na sagutin ko si Christian

"Gia, ang pagmamahal Hindi nasusukat kung gaano katagal nanliligaw ang Isang lalaki, at kung sinabi niyang mahal ka niya, maniniwala ka ba? minsan ang salita kailangang gawin, kung mahal ka niya ay magtitiis siyang hintayin ka, kahit umabot pa siya ng ilang taon o di kaya ay isang dekada ay maghihintay siya sayo, ayun Ang tunay na pag mamahal..."

pag papaliwanag ni nanay, Tama naman si inay, siguro ay masyado lang talaga akong nag mamadaling magkaroon ng nobyo.

"Sige po, nay, lalabas lang po ako at tatambay Doon sa hardin ni ninong tonyo, kukuhaan ko na rin po kayo at si tatay ng bulaklak"

pag papaalam ko at lumabas na nga ako ng bahay at naglakad patungo kila ninong tonyo. lagi naman akong pumupunta't pumipitas ng bulaklak doom kaya hindi ko na kailangang magpaalam na papasok ako sa hardin ni ninong ton.

pagdating sa hardin ni ninong ton ay umupo na agad ako sa silyang lagi kong tinatambayan sa tuwing nandito ako't walang magawa. Dito rin ako nag papalipas ng oras

"Hmm hm, hmm hmm, hm hmm hmm.." nagsimula akong humuni ng naimbento kong kanta dahil sa sobrang pagka buryo ko

maya maya ay may na aninag akong lalaki na naka tayo malapit sa pintuan ng bahay ni ninong ton, nag simula itong sumigaw

"Uncle ton! there's someone in our garden! I think it's a thief!" sigaw nito

'aba?! Ako pa ang magnanakaw ah!'

tumayo ako agad sa kinauupuan ko at lumapit sa lalaki, tumingala ako sa kaniya at tinitigan ko siya ng mabuti sabay sigaw "ninong! may magnanakaw!.." tumakbo Ako sa kwarto ng ninong ko at sumunod pa sa akin ang lalaki

"no! stop! come back here, you thief!" sigaw nito habang hinahabol ako

Nakita ko si ninong ton sa labas ng kaniyang kwarto at agad akong nagtago sa limuran niya "ninong! may magnanakaw!.." nagsusumbong kong hiyaw

"no! she's the thief, uncle!.." nandudurong sigaw ng lalaki sa akin na hinihingan na ngayon at nasa harapan ni ninong ton

"Gia. Niel. pasensiya na't hindi ko kayo naipakilala sa isat isa, halika at sumunod kayo sa akin sa Sala.." Sabi naman ni ninong ton

lumingon Ako sa lalaki at agad akong tumakbo at sinundan si ninong ton

"I saw her in our garden, uncle!, she's a thief!.." Singhal ng lalaki at agad naman akong sumabat

"hayaan muna nating magpaliwanag si ninong ton!.." hiyaw ko at nang makarating na kami sa Sala ay pinaupo na kami, umupo ako sa mahabang sopa katabi ng inupuan ni ninong ton, at umupo Naman ang lalaki sa tabi ko ngunit siyempre Hindi kami masyadong magkatabi ar may kaunting distansiya parin itong binigay

"Gia, si Niel nga pala ang pamangkin ko... masungit iyang si Niel pero babait din iyan..." pag papakilala ni ninong ton sa lalaki

"Niel, si Georgia nga pala anak ng kapitbahay natin, gia na lang ang itawag mo," pag papakilala ni ninong sa akin sa lalaki "mabait itong si gia kaya huwag Kang mag kakamaling galawin iyan at malilintikan ka talaga sa akin" pagbabanta ni ninong ton

"what? no way, I'll never be interested in that girl, uncle, ew.." sagot Naman ng lalaki at naramdaman ko Ang inis na naiipon ko sa aking loob

"hoy! maganda naman ako, ah!? diba ninong ton?.." Tanong ko at tumango Naman si ninong ton "wag mo nga akong ganyanin, ew ew ka pa diyan, akala mo naman guwapo ka, hmpf.." inirapan ko siya

"excuse me? pogi naman talaga ako, eh, Ikaw lang ang Hindi nakapansin non kase sanay kana sa mga tao dito, puro pangit nakikita mo! so you're lucky that I'm here!.." sagot naman niya na medyo na uutal dahil Hindi siguro sanay mag tagalog

"aba! saan banda ang guwapo sa mukha mo? ugali mo palang nga ay pangit na mukha pa kaya! Saka huwag mo ngang insultuhin ang mga tao dito! Hindi nababase ang itsura kung maganda ka man o guwapo! pangit ka kapag pangit ugali mo! kaya Ikaw ang pangit dito!.." hiyaw ko sa kaniyang gigil na gigil

"you.. you mother fvck-" nahinto ang pag sasalita ni Niel ng tumayo si ninong ton

"Niel! tumigil ka na! Wala ka talagang respeto pati si gia ginaganyan mo!" sigaw ni ninong ton at agad naman akong tumayo at lumapit sa kaniya

"ninong ton, ayos lang po ako, pinag tanggol ko lang po ang sarili ko." sabi ko habang hinihimas ang likod ni ninong ton

"Sh¡t! I fvcking hate this life! dapat Kase Wala ako dito!.. dapat Kase nasa maynila ako!" sigaw ni Niel "I hate you all! I hate you, uncle ton, I hate you, you little sh¡t gia!.." he cursed

pagtapos ng pagsigaw ni Niel ay nag walk out na siya, naiwan kaming dalawa ni ninong ton sa Sala

"ninong ton? ayos lang po ba kayo?" Tanong Kong nag aalala Kay ninong ton

"ayos lang ako, gia, pasensiya na din pala kay Niel ganun na talaga siya nung nawala ang nanay niya.." pag papaumanhin ni ninong ton

"nawala? bakit po? saan po ba pumunta ang nanay ni Niel?" Tanong ko ulit at pinaupo ko na lang si ninong ton

#UH
#airenz
#rmpmzen
#unanghilingbyair

you're so mean niel! bakit ka ganiyan Kay Georgia!🤧

next! chapter two!!

Unang HilingWhere stories live. Discover now