04

185 64 147
                                    

"Sachi, anata wa mada watashitachi to isshodesu ka?"

(Sachi, are you still with us?)

Agad kong naibaba ang hawak kong kutsara nang marinig ko ang malalim na boses ni Papa. Umayos na din ako ng upo dahil mukhang may pinag-uusapan kaming mahalaga at seryoso habang sabay sabay kaming nagbe-breakfast sa dining. Ilang minuto ba akong naging tulala? Honestly... hindi ko alam.

"Hai, otōsan."

(Yes, dad.)

He cleared his throat after drinking his black coffee made by Mama.

"As I was saying, Taneki will be coming home in a few months," paga-aannounce ni Papa.

Ah, uuwi lang naman pala si Kuya─ teka─

"What?!"

Gulat na gulat na tanong ko.

"Do you have any problems with that?" Papa asked.

"It's been 8 years since we last saw him, anak. Are you that excited to see your kuya?" Tanong ni Mama.

Excited my ass. Of course not! He'd always tease me sa mga video calls and I don't really recall having a good memories with Kuya.

I hate him!

Panganay 'to saming magkakapatid tapos sinundan ito ni kuya Koutaro tapos sumunod ako kaya technically, ako yung bunso.

2009 nang umalis ito ng Pinas to manage our business in Japan. I was 10 years old that time and I'm already friends with Jessica, Faith, Shan and Laurence kaya ayaw ko na ding umalis ng bansa.

So he went there alone.

"Bakit nga pala uuwi si kuya?" Si Kuya Koutaro na yung nagtanong.

"He's getting married," sagot naman ni Mama pagkatapos niyang maubos yung kinakaing bacon.

I sighed. I decided not to speak na lang pero tinawag ako ni Papa kaya napatingin ako dito.

"Diba, fan ka ni Cea?"

Tumango ako pero I don't know if it has to do sa pag-uwi ng kuya ko na mapang-asar.

"Do you know that your kuya is friends with Cea?" Nanlaki yung mata ko dahil dun.

"Talaga ba, Papa?" Siguro kung magkakaroon ng effects in real life, may lalabas na sparkle at stars sa mga mata ko.

Papa chuckled.

"So you better be good with your kuya para naman madala at maipakilala ka niya sa idol mo," natatawang sabi ni Papa.

Ayaw ko man sa thought na uuwi si kuya Taneki pero excited ako sa thought na makikita ko yung idol ko.

Pero maiba tayo, may kailangan pa pala akong maasikaso bago ako magsaya.

Sam Alejo.

Paano ako mapapalapit sayo para malaman ang ibang mga bagay o impormasyon tungkol sayo?

Later that day, naisipan kong pumunta sa Neon club during our lunch break. And to my surprise, I found a perfect way para mamatyagan ang bawat kilos ni Sam.

Wanted: Waitress

Napangiti ako dahil sa nakapaskil kaya nag decide ako na pumasok sa loob at binitbit ko ang nakapaskil sa labas.

"Sarado pa po kami─"

Hindi naituloy ng isang staff na nagpupunas ng mesa yung sasabihin ng itaas at ipakita ko sa kanya ang kinuha ko sa labas.

You Rock My World (Highschool Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ