25

22 4 71
                                    

"I asked Orenji to pick you up and take you home. I can't stand being next to you. You disgust me," sabi pa nito. Bago ibinulsa yung cellphone niya.

Then, without any second thoughts, he turned his back and left me there.

Sakto naman na nakita kong tumatakbo si ate Quincy palapit sakin nung lumabas si Sam.

"Sachi, kamusta na si Leo?" Tanong niya sakin ng makalapit ako.

Pero hinawakan ko siya sa braso at tumayo ako ng biglaan.

"Ate, can you wait here? Palabas na din naman si Leo. Babalik ako agad," sabi ko na may tono ng urgency.

Kahit na medyo confuse, tumango si ate Quincy kaya naman tumakbo ako palabas at papuntang parking lot. Nagbabakasakali na maabutan ko pa si Sam.

At kung siniswerte ka nga naman, nakita ko siya na pasakay palang sa kotse kaya lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko siya sa braso at hinila ko paharap sakin.

Nagsalubong naman ang makapal na kilay nito sa pagtataka.

"Sabi mo magaling akong magpanggap."

"Sachi─"

"No. Please let me talk. Just for once, pakinggan mo naman yung mga sasabihin ko, Sam," putol ko sa sasabihin nito.

Napansin ko na inalis niya yung paghawak sa pinto ng kotse niya. He nod his head as if he was urging me to talk.

I let out a deep sighs.

"Sabi mo sakin na I'm good at everything to win things in my favor, even if it means projecting feelings of love and concern onto others."

Hindi umimik si Sam at hinayaan lang ako nitong mag salita.

"Hindi ako nagpanggap noon. It's true that I care for you, though it's also true that I agreed at first with Georgette na kilalanin at alamin lahat ng tungkol sayo. Pero habang nakikilala kita, nahuhulog na din ako."

"Sachi, stop with this nonsense─"

"I loved you, Sam," putol ko sa sasabihin nito, napansin ko din ang gulat sa mga mukha niya.

"Minahal kita noon at mahal pa din kita ngayon."

Sa sobrang bigat ng nasa dibdib ko, bigla na lamang tumulo yung luha ko.

"Never kong ginusto na sirain yung buhay mo, alam kong matagal na 'tong issue na 'to pero sana paniwalaan mo ko na hindi ko magagawa sayo yun. I called our deal off the moment na marealize ko na may feelings na ako sayo."

He stayed quiet.

"Now, hindi na kita pipilitin pa na pumasok ng SoundSense, gusto ko lang sabihin sayo yung mga bagay na hindi ko nasabi noon dahil hindi mo ko binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag."

Unti-unti kong binitawan yung braso niya atsaka ko pinunasan yung luha ko.

"Ito na siguro yung huling araw na makikita mo ko. I am so sorry kung nakakagulo ako sa peace of mind mo. I.. I'm sorry."

The last part was almost a whisper. But this time, it was my turn to leave. So I turned my back and started walking away.

It doesn't matter anymore if he'd believe me, but atleast nasabi ko sa kanya yung mga gusto kong sabihin.

Bumalik ako sa loob ng hospital at naabutan ko si ate Quincy na buhat buhat na si Leo at natutulog na sa balikat niya.

Lumapit ito sakin at hinawakan ako sa kaliwang pisngi.

"Okay ka lang ba?"

I gave her a faint smile.

"O-Okay lang, ate. Umuwi na tayo.. please."

You Rock My World (Highschool Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora