Track 2: Drag Race

44 8 0
                                    

IORI'S POV:

--
PAGKARATING ko sa lugar na sinabi sa akin ni Michael, nandoon siya naghihintay sa akin sa isang sulok habang nakaupo sa hood ng kanyang kotse.

Lumabas ako mula sa sasakyang dala ko at saka ako lumapit kay Michael. Nagliwanag ang mukha ng lalaki nang makita niya akong papalapit sa kanya.

"Akala ko hindi ka pupunta?" Sumalubong ng yakap si Michael sa akin na agad kong inambahan ng suntok kaya hindi nito tinuloy ang balak.

"Huling beses na ito, Sta. Ana. Masasaktan ka talaga sa akin."

Michael pouted his lips as he held my hand as if he were my boyfriend.

"Ipanalo mo lang ito Iori, hindi na kita guguluhin. Isa pa nakahanap na rin ako ng sponsor mo para makasali ka sa opisyal na karera."

"Kung sana matagal mo nang ginawa edi natuwa pa ako sa'yo." Sumandal ako sa hood ng kanyang kotse nang bitawan niya ang kamay ko at tumabi sa kanya habang magka-krus ang mga braso ko sa ibabaw ng dibdib ko.

Maraming tao rin sa paligid at ang iba ay halos maglingkisan na sa isa't-isa na parang wala sila sa kalsada. Nakangiwing iniwas ko ang paningin sa dalawang magkasintahan na naghahalikan or should I say a man and a woman with their flirty virus?

"Hindi ka pa rin ba matatahimik hanggat hindi mo nakukuha ang hustisya para kay Tita?"

Lumingon ako kay Michael. "Huwag nating pag-usapan 'yan dito. Itong kotse mo ba ang gagamitin ko sa karera?"

"One of my friends own this car. Hiniram ko para magamit mo. Full tank na rin ito at maganda ang kondisyon."

"Kapag pumalya na naman ang kotseng ipapagamit mo sa akin, ililibing talaga kita ng buhay."

Michael let out a giggle as he put his arms around my shoulder. "Milyon ang pusta ngayong gabi, Iori. Don't worry dahil gaya ng usapan natin, 50/50 ulit tayo kapag nanalo ka."

Marahas na siniko ko ang tagiliran ni Michael dahilan para maalis ang pagkakaakbay nito sa akin habang sapo nito ang nasaktang tagiliran.

"Siguraduhin mo lang Sta. Ana."

Pagpatak ng alas-nuebe, dumating ang ilan pang mga sasakyan na sa tingin ko ay sasali sa karera. Lumapit kami ni Michael para tignan kong sino ang mga 'yon at isa-isa silang bumaba sa dala nilang sasakyan.

"9 pm ang usapan, lumagpas naman kayo sa oras." Dinig kong sabi ng isa mga lalaking lumapit sa pwesto nila gaya ng ginawa namin ni Michael.

"At least we made it here. Should we start the race?" Tugon ng lalaking nakasuot ng itim na long sleeve na tinupi nito hanggang siko. Singkit ang mga mata nito, matangos ang ilong at manipis na mga labi.

"His name is Albert Cielo, one of the famous car racer." Bulong sa akin ni Michael. "And that one is Ron Montejo, Pablo Ackerman and Josh Collins. Sila ang makakalaban mo ngayong gabi. And that other guy who approach them first is Harry Lemmington."

Umangat ang isang kilay ko nang sabihin ni Michael 'yon. I don't feel any kind of chill throughout my bones when I observe those guys in front of us.

"I shall explain the mechanics with this race gentlemen," Harry said.

Humalukipkip lang ako sa tabi ni Michael at pinakinggan at sasabihin ni Harry.

"We will do road circuits, a long straight circuit down from this hill. At the first bend, you see down this road, that's where the race starts. You have to go through three curves before you reach the finish line. Whoever gets back here first will be the winner. You only have 30 minutes to get back here and claim your prize."

Revenge on Track (PRE-ORDER START ON SEPT. 20, 2024)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon