Track 15: Montejo

35 6 0
                                    

IORI'S POV:

--
NAKABALIK na kami ng Pilipinas at halos isumpa ko ang eroplanong dala ni Doc Gun at Perth Dezrail. Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa after shock ng paglapag nang eroplano.

"Kaya mo pa?" Natatawang lumapit sa akin si Doc Gun habang ipinapahinga ko ang sarili ko sa waiting area ng airport. Darating kasi ang van na magsusundo sa amin pauwi ng RDM Speed habang ang sasakyan na dala namin ay nasa truck na at si Sytry ang nagdrive kasama si Melvin.

"Bakit ba ganito ang eroplano niyo? Naririndi na nga ako sa mga intsik na walang subtitle tapos isasakay mo pa ako kay Homare?" Inis na sambit ko rito.

"Wala kang choice dahil personal aircraft namin si Homare at isa pa kasamahan ko si Ruax at Sytry."

Inirapan ko ito. "Ewan ko sa'yo."

Tinawanan lang ako ni Doc Gun at saka ito umalis sa harapan ko bago ito muling pumasok sa patungo kay Homare. Mukhang aalis na ito tutal naihatid naman na kami ng maayos.

"Iori, nandyan na ang sasakyan." Tawag sa akin ni Warren.

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko sukbit ang bag sa balikat ko at sumunod sa kanila. Nauna si Duke at Warren na nag-uusap habang ang ibang staff na kasama namin ay may sariling mundo. Pagpasok namin sa van, pinili ko ang pinaka-hulihang upuan at doon nahiga tutal wala naman akong katabi. Gusto kong matulog dahil sobrang sakit ng ulo ko.

Nagising ako sa mahihinang tapik sa balikat ko. Bumungad sa akin ang mukha ni Warren bago ito umatras sa upuan kaya naman bumangon na ako.

"RDM na tayo. Sarap ng tulog mo ah?" Wika nito na ikinaangat ng kilay ko.

"Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa after shock kay Homare. Umalis ka nga dyan, bababa na ako." Tinulak ko si Warren paalis sa daanan ko samantalang natawa naman ito sa ginawa ko at hinayaan akong makalabas ng van.

Nadatnan ko sina Ruax, Sytry, Duke at Melvin sa labas ng RDM Speed.

"We have a three day break before we fly to Japan." Ani ni Ruax nang makalapit ako.

"Japan?" Bakit sunod-sunod yata ang race namin ngayon?

"Yes. The committee released the schedule after the race from China. It's Collins's home country." Sabat naman ni Sytry.

Napasimangot ako.

Three days na pahinga gayong hindi pa naaayos ang kotse ko.

"Paano ang kotse na gagamitin ko?"

"We can do something about it, Iori. You don't have to worry."

Tumango na lang ako kay Sytry bilang tugon at saka ako nagpaalam sa kanila na uuwi na. Gusto ko nang mahiga sa kama at matulog ng buong araw.

Pagkarating ko sa condo, agad akong naligo at nahiga sa kama ko at hinayaang gupuin ng antok ang sarili ko.

Kinabukasan, nagpasya akong umuwi ng Laguna. Hindi ko tinawagan si Michael dahil susurpresahin ko siya lalo na si Tita Grace. Gamit ang sarili kong sasakyan, dumiretso ako sa bahay namin ni Mommy.

Bumungad sa akin ang malinis na sala na tila walang bakas ng alikabok at mukhang araw-araw itong nililinisan. Pumanhik ako patungo sa kwarto ko at kung paano ko itong iniwan, ganun pa rin ito nang madatnan ko pero wala ring alikabok na makita.

'Pinapalinisan ba ito ni Michael nang hindi ko alam?'

Lumapit ako sa walk-in closet ko at saka kumuha ng ilang damit pamalit ko pagbalik ko ng manila. Kumuha rin ako ng ilang CD's na may lamang videos ni Mommy mula noong nagkakarera pa ito. Inspirasyon ko ang Mommy ko kaya ako napunta sa larangang minahal niya.

Revenge on Track (PRE-ORDER START ON SEPT. 20, 2024)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon