Track 14: Overtake

30 7 2
                                    

IORI'S POV:

--
I stretch my arms as I roam my eyes around me. Maraming kotse ang nakahanda na sa mismong track kasama ang kotse namin ni Ruax na Chevrolette at Ford Mustang.

Maging ang kotse nina Montejo, Ackerman, Cielo, at Collins ay nasa unahan na ng starting line nang track kung saan kami naroon. Mukhang magiging highlights na naman ang apat na tukmol sa race na ito.

"Hindi kaya mabali ang braso mo kaka-strecthing?" Napalingon ako kay Melvin nang magsalita ito habang pinupunasan sng sariling kamay na puno ng grasa.

"It's kind of a habit every time I feel nervous."

"Nerbyos ka pa sa lagay na 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong pa nito.

"Hindi. Pero kasi naririndi ako sa mga intsik na nasa paligid natin, wala man lang subtitle." Seryosong saad ko.

Umangat ang kilay ko nang biglang humagalpak ng tawa si Melvin na parang may nakakatawa sa sinabi ko.

"S-Sorry, di ko mapigilang matawa sa sinabi mo." Sambit pa nito sa bawat tawang binibitawan nito.

"Ang weird mo." Inis na sambit ko rito habang pinagpatuloy ang pag-uunat ng braso ko.

Tumikhim si Melvin bago ako nito suotan ng gloves sa kamay dahilan para huminto ako sa pag-uunat.

"Twenty laps ang kailangan mong lagpasan Iori and please always remember that you are not using an automatic or semi-automatic cars. Ford Mustang ang gagamitin mo at kay Ruax ang Chevrolette. Matinik ang makakalaban mo ngayon bukod kina Cielo, Montejo, Ackerman at Collins. May mga kalaban dito na gumagamit ng dahas."

Umangat ang isang kilay ko matapos ayusin ni Melvin ang suot kong gloves maging ang jersey na suot ko.

"Sinu-sino ang kailangan kong iwasan?"

Lumingon si Melvin sa kabilang panig kung saan nagtitipon-tipon ang ibang race driver.

"Si Gallardo, Duran at Lorenzo." Ani ni Melvin habang nakatingin sa tatlong lalaki na may iba't-ibang lahi.

"Gallardo is part of Spade and Tires, Duran is part of Helios and Lorenzo is the owner of Lorenzo's Gears. Silang tatlo ang kailangan mong iwasan Iori."

Marahan akong tumango kay Melvin bago ako lumapit kay Ruax na nakahanda na rin. Sabay kaming pumunta sa gitna nang tawagin ang bawat grupo na kinabibilangan namin.

"Let see what you've got Miss Iori." Sambit ni Collins nang madaanan ko ito.

"Goodluck," Sagot ko.

Alam kong mainit ang mata nila sa akin dahil dalawang beses ko na silang natalo. Though I am not bother about it, pero hindi natin alam kung ano ang nasa isip ng isang tao lalo na't nasa isang kompetisyon kami.

"Get in the car Iori." Untag sa akin ni Ruax na agad kong tinanguhan.

Pumasok na ako sa ford mustang na gagamitin ko at sinimulang paandarin ang sasakyan. Binomba ko nang binomba ang accelerator ng kotse ko at mahigpit na hinawakan ang manibela.

"Good evening ladies and gentlemen, we are gathered here at Chengdu to witness who will be crowned tonight and get the first place without any sweat. Thus Morimoto inside the track Cobb? I am rooting for her."

"According to my source, Douglas she's inside the Ford Mustang."

Umangat ang isang kilay ko nang makita ang mukha ko sa malaking screen habang nasa loob ako ng kotse.

Revenge on Track (PRE-ORDER START ON SEPT. 20, 2024)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon