CHAPTER 15

3 0 0
                                    

SHAIRA POV.

[KINABUKASAN]

Nandito ako ngayun sa kwarto ko nakahiga sa kama ko. Hindi ako nakatulog kagabi kaya naman nahihilo ako ngayun at pag tumatayo ako lalong lumalala yung hilo so nahiga nalang ako.

"Anak!! Shaira! Can I come in?" Napa tingin ako sa pintuan ng may mag salita galing sa labas.

"Yeah come in mom!!" Sigaw ko pabalik para marinig ni mom. Bumukas naman yung pinto at lumapit na sakin si mommy. May dala syang trey.

Lumapit sya sa akin at nilapag yung trey sa side table ko.

"Hindi ka lumalabas kanina pa so dinalhan nalang kita ng food mo" sabi ni mommy na ikinangiti ko naman.

"Thank you mom" sabi ko at kinuha yung plato doon sa trey at kinain ang laman non.

"You look pale shaira....... may sakit kaba?" Tanong ni mommy at hinawakan ang nuo ko. Kumunot naman ang nuo nya bago nag salita ulit.
"Wala ka namang sakit pero ang putla mo" sabi nyapa.

"I'm ok mom..... nag puyat lang po ako nanood ng k drama" pag sisinungaling ko at mukang naniwala naman si mom at tumango.

"Dapat bawas bawasan Mo ang pag pupuyat makakasama yun sa kalusugan mo" pangagaral ni mommy at ngiti nalang ang isinagot ko. She's always like that pinag sasabihan nya ako ng mga bagay na makakabuti sakin at ganon din sya kay... kay shaina.

Nawala naman ang ngiti ko ng pumasok ang kambal ko sa isip ko. Naalala ko nanaman lahat ng nangyayari. Nalaman ko kahapon si shaina nasa bahay nila dion. Kaya pala wala sya dito pag dating ko dahil doon na sya pinag stay nila tita(dion's mom)

"Ubusin mo nayan ok? Tapos matulog ka para naman um-ok yang itsura mo"  bilin ni mommy at tumango lang ako bilang sagot. Hinalikan pako sa nuo ni mom tapos lumabas nasya.

Tinapos ko naman ang kinakain ko at ng matapos uminom ako ng tubig at hinayaan nalang yun sa side table ko at nahiga na. Ilang minuto akong nakatulala hanggang sa dalawin na ako ng antok ko. At tuluyan na akong nakatulog.


Nagising ako dahil sa ring ng phone ko. Inis kong kinuha yun at sinagot ang tawag.

"Who's this?! Bakit nambubulabog ka ng tulog huh!!" Inis kong sabi ng masagot ko ang tawag. Hindi narin ako nag abalang tignan kungko sino ang tumawag.

["shaira... you answered it finally!!"]- napa upo ako ng marinig ko ang boses nayun. Tinignan ko kung sino ang caller at tumulo nalang ang luha ko ng malaman ko kung sino yun.

'Dion bakit ba hindi mo nalang ako tigilan'

Lakas loob kong tinapat uli sa tenga ko ang phone at nag salita na.

"Anong gusto mo?" Tanong ko gamit ang seryosong boses. Narinig ko naman ang pag bugtong hininga nya bago sya sumagot.

["No-nothing I just wa-want to make sure you're o-ok"]- sabi nya napa tawa naman ako ng pagak bago sumagot.

"Ok ako!! Ok na ok dahil wala kana... mas maganda palang Wala ka mas nagagawa ko ang gusto ko" deretsong sagot ko at bigla namang tumahimik sa kabilang linya.
"Kaya kung pwede dion. Wag na wag mo na akong tatawagan at mag focuse ka sa kakambal ko... tandaan mo may kasalanan kapa sakin at pag maynangyari sa pamangkin ko... you'll regret it" pambabanta ko at pinatay na ang tawag. Doon ako umiyak ng umiyak hanggang sa napagod na ako.

Napa tingin naman uli ako sa phone ng may mag pop na message.

Good job my mikaella. You did great
-unknown

Mabilis ko yung binura at pinatay ang phone ko. Nilagay ko yun drower ko at umalis nasa higaan at pumunta sa cr. Nag hilamos ako doon at ng matapos lumabas na ako ng kwarto at bumaba na.

SERIES01: YOU'RE MY FAVOURITE NIGHTMAREWhere stories live. Discover now