CHAPTER 16

3 0 0
                                    

SHAIRA POV.

Nandito na ako ngayun sa baba nanonood ng tv. Umalis sila mom so ako lang pati sila Manang ang nandito and right now nasa garden sila. Habang nanonood ako ng tv napa lingon ako sa pinto ng may mag doorbell doon.

'Sino naman kaya yun'

"Manang may tao po!!" Sigaw ko at tumutok na ulit sa pinapanood ko. Pero napa ligon ulit ako doon ng may mag doorbell ulit. Napabugtong hininga nalang ako at pumunta nalang doon. Binuksan ko ang pinto at nagtaka ako dahil Wala namang tao. Tumingin tingin pako sa paligid pero wala talaga. Sarado din ang gate at Wala doon ang guard.

'So sinong nag doorbell?'

Napailing nalang ako at pumasok nalang ulit sa loob.

"Baka guniguni ko lang" sabi ko pa. Papunta na sana ulit ako ng upuan ng biglang tumunog ulit ang doorbell. Napa lingon ulit ako sa pinto at kinakabahang lumapit ulit doon. Ng maka lapit ako mabilis ko yung binuksan nag babakasakaling makikita ko kung sino ang nag doorbell. Pero mas binalot lang ako ng kaba dahil Wala paring taong bumungad sa akin pag bukas ko ng pinto. Iginala ko ulit ang tingin ko sa paligid pero Wala talaga. Napa dako naman ang tingin ko sa baba at nanlaki ang mata ko dahil may nakalagay doon na isang tulips at may box sa tabi non. Mabilis kong pinulot yun at pumasok na ulit sa loob.

Patakbo akong pumunta sa kwarto ko at binuksan agad ang box. Napa kunot ang nuo ko ng bumungad sa akin doon ang mga pictures.

Kinuha ko naman yun at tinignan yung mga picture na andoon. Habang nililipat lipat ko ang mga picture mas lalo akong kinakabahan dahil sa katotohanang mga litrato ko iyon.

Natapon ko nalang ang mga picture ng makita ko ang huling picture. It's me naka higa sa kama ko habang walang suot na damit. Tumulo ng sunod sunod ang luha ko sa kaisipang may nakakapasok sa kwarto ko at nakita ng taong yun ang katawan ko. Napa tingin naman ulit ako sa box may papel doon na naka Tupi. Kinuha ko yun at binasa ang naka sulat doon.

'Apaka Ganda mo talaga mikaella. Hindi nako makapag hintay na angkinin ulit ang katawan mo'

Mabilis kong nilukot ang papel nayon pati narin ang mga picture tsaka yun nilagay sa isang plastic. Umiiyak akong lumabas ng kwarto ko at pumunta sa kusina. Kinuha ko ang isang lighter at mabilis na sinunog ang hawak kong plastic at tinapon sa lapag. Nakatitig lang ako doon hanggang sa naging abo nalang yun.

"Shaira? Jusko anong ginagawa mo?!" Mabilis na napa lingon ako pinto ng and kusina ng may sumigaw doon. Lumapit sa akin si manang at tinignan ang kamay ko.
"Bakit ka naman nag susunog sa loob ng bahay iha!! Nako naman malalagot tayo sa magulang mo!" Sabi ni manang pero imbis na pansinin ang panenermon nya niyakap ko lang si manang at umiyak.
"Oh Bakit?! Anong nangyari?" Tanong nya pero umiiling lang ako habang umiiyak parin.
"Sabihin mo kay manang baka matulungan kita!!" Sabi pa ni manang pero Iyak parin ako ng iyak.

"Ma-manang" mahinang sabi ko at lumabo bigla ang panigin ko at nahihilo pako at hindi kona Alam ang sunod na nangyari pagkatapos non.

SERIES01: YOU'RE MY FAVOURITE NIGHTMAREWhere stories live. Discover now