Nakaraan(Past)

9 1 0
                                    

Noong unang panahon may isang kaharian na pinamumunuan ni Haring Rafaell at Reyna Isabell tahimik at payapa ang kahariran dahil sa mahusay na pamumuno ng Hari at Reyna lahat ay kumpleto maliban sa prinsesa na matagal ng ninais na mag ka asawa at mag ka room ng anak.

Isang araw habang abala ang lahat sa pag gawa ng mga gawain ang Reyna ay na roon sa kanilang hardin at na mimitas ng mga rosas mahilig kasi ito sa mga bulaklak lalo na sa rosas.

Habang ito ay namimitas may nakita siyang isang matandang babae, na nakatayo malapit sa kinaruroonan nya at bigla na lang ito lumapit sa kanya.

"Kamahalan, wag na kayong ma lulungkot sa pagkat ang ninanais ninyo ay matutupad na."Binigyan sya nito ng isang napaka pulang rosas.

"Ilayo mo ito sa silid ng iyong anak na dalaga at iyong alagaan ito ng mabuti"

Pag katapos ng mga salita ng matanda pag ka kisap ng Reyna ay wala na ito sa kanyang harapan nag laho na lang ito na parang bula. Dali-dil itong pumunta sa silid ng palasyo at isinalaysay sa kanyang asawang Hari ang nangyari.

Lumipas ang tatlong araw nakatitig ang Reyna sa rosas na ibinigay ng matanda sa kanya. Bigla itong na hilo at nawalan ng malay at dali-dali itong dinala sa mang gagamot at sinabihan sila na ang Reyna ay nag dadalang tao ikinatuwa na man ito ng Hari at mga taong na sasakupan nila.

Lumipas ang mga araw at na nganak na ang Reyna. Isa itong napa kagandang prinsesa napaka saya at napaka ligaya ng mga tao sa palasyo ng kanilang mabalitaan ito .

Ngunit nabalitaan din ito ng kanilang kaaway sa kalapit na kaharian. Isang araw inutusan nito ang taga lingkod na hanapin at kuhain ang batang  prinsesa.

"Tandaan nyu kapag na dakip nyu na Ang batang iyun dalhin nyo ka agad ito sa akin maliwanag!?" Naniningkit ang mga mata nito habang sinabi ang utos sa kawal.

Sa loob ng ilang buwan na pag mamatyag sa nag babantay sa batang prinsesa ay nag ka sila ng ideya kung pano ito kukunin. Sumapit ang araw ng binyag ng prinsesa at Ang araw din na iyon ay na pag planuhan ng mga kawal ng kalaban na kunin ang batang prinsesa.

"Napakaganda talaga ng inyong munting prinsesa kamahalan." Masayang bati ng isa sa mga taga lingkod ng Hari.

"Magandang araw sa inyong lahat ngayon ay inyong ma tutunghayan ang pag bigay bindesyon sa ating munting prinsesa." Nag palakpakan ang mga tao sa loob ng silid.

"Ngayong araw ay opisyal na binigyan ng isang bindesyon ang ating munting prinsesa at tatawagin nating lahat sya sa pangalang prinsesa Raquell Amethyst Croswell." Masayang deniklara ng punong taga hatol ng palasyo agad naman binati ng lahat Ang munting prinsesa.

Sa kalagitnaan ng kasiyahan sa loob ng palasyo ay biglang sumugod ang kawal ng kalaban para kunin ang prinsesa. Ngunit hindi  sila nag tagumpay sa plano dahil na itakas ng Reyna ang bata. Pero sa kasamaang palad maraming sugat ang na tamo ng ng Reyna kaya't ibinigay nito ang anak sa kasama nitong alipin at sinabing ilayo na ang bata dito.

Mula noon ang kahariran iyong ay nag laho na parang bula.

Lumipas ang ilang taon lumaki na ang bata sa napakagandang dalaga tinawag syang Amy, masipag , mabait  at napakagandang dalaga.

Malayo sa bayan ang bahay na kanilang tinitirhan kaya lumaki itong dalgang bukid. Kumukuha sya ng tubig sa ilog malayo sa kanilang bahay habang pinag mamasdan sya ng alipin na tinuring nyang Ina sa napakatagak na panahon.

Hindi parin maiwasam na sumagip sa isip ng alipin ang kapahamakan ng dalaga dahil na pamahal na ito sa dalaga. Na isip nitong wag muna sabihin sa dalaga ang tungkol dito.

"Ina!Ina!" tawag ng dalaga sa tinuturing Ina nito.

"Oh anak saan ka nanggaling?" Tanong nito sa anak. "Kumuha po ako ng tubig sa ilog at pumitas ng bulaklak malapit sa ilog ang ganda kasi Ina."

Inilagay ng dalaga ang dala nitong bulaklak sa laglagyanan ng mga bulaklak. Kina umagahan pumunta ulit ang dalaga sa ilog para kumuha ng sapat na tubig ng biglang may ligaw na hayop ang akmang sugurin ito kaya na pa takbo ito nasugatan ang binti nito ng ma sayad sa puno.

Namimilipit ito sa hapdi ng bilang may sumulpot na binata."Binibini ano ang nangyari sa paa mo at bakit nag ka sugat ito?"nag alalang tanong nito sa dalaga "Namamasyal lang ako dito at ng biglang may umatake sa akin na isang hayop kaya na dapa ako" mangiyak-ngiyak na sabi nito.

"Saan kaba naka tira binibini at para ma hatid kita para malis na ang iyong sugat." Tanong nito "Malayo pa aking bahay, wala bang malapit na ilog dito para malinis itong sugat ko."

Nang malinisan nito ang sugat ay agad din itong nag pasalamat at umuwi.

Sumunod na mga araw ganun parin Ang ginawa ng dalaga pero habang ito ay kumukuha ng tubig ay biglang may tumulak sa kanya sa tubig. Mabuti nalang at hindi ito na lunod dahil hindi ito marung lumangoy at pag lingon nito may isang lalake na naka tago Ang mukha na sumasakay sa kabayo.

"Sino ka?" Tanong ng dalaga dito."Bakit mo ako tinulak, teka nga ba't na pa rito ka?" Takang tanong nito sa taong naka sakay sa kabayo.

Hindi sumagot ito " Hay...ang sabi ko sino ka."
"Pasensya kana kase akala ko lobo ang umupo kaya tinulak ko. Pilosopong sagot nito sa dalaga.

"Muka ba akong lobo ang sabihin mo baka bulag at bakit mo na man ako ma pag kamalang lobo?" Iritang sabi nito.

Mag lalakad na sana ito ng pigilan sya nito. "Pasensya na talaga patawad kulit lang kase ng kabayo ko." Makaawang sabi nito mukang pamilyar ang boses nito sa kanya.

Pag ka lipas ng ilang araw pumunta ulit ito sa ilog at nan doon din ang binata mukang may binabantayan. "Hay...sinusunsad mo ba ako ha?" Agad naman itong umiling "Ah...hindi no naparito ako para painumin ang kabayo ko."

"Pasensya kana ulit ha, ako pala si Juan Anton taga kanluran." Sabay about nito ng kamay sa dalaga. "Walang ano man, Raquell naman Ang pangalan ko." Inabot nito ang kamay ng binata at nag ka loob ang dalawa.

Palagi na lang SI Juan Anton pumupunta sa ilog para makita si Raquell. Hanggang  isang araw habang kumukuha ng tubig si Raquell ay sumigaw ang Ina nito"Anak!anak! lumayo kana at papatayin ka nila!" Tumatakbong sigaw nito sa kanya nakita ni Raquell na pinana ng kanyang Ina ang isang lalake tumakbo si Raquell ng biglang may humablot sa kanyang braso na bigla ito dahil si Juan Anton pala ito.

"Ililigtas kita pangako." Tumakbo sila hangang naka rating sila sa isang bangin hindi nila alam kung saan sila pwedeng dumaan. Malapit na ang humahabol sa kanila at wala silang pwede pang magawa kaya hinawakan ng mahigpit ni Juan Anton ang kamay ni Raquell at tumalon sa napaka lalim na tubig. Niyakap nito ang dalga sa ilamin ng tubig para hindi matamaan ng mga pana at bangkaw sa hindi inaasahang pag kakataon tinamaan ng pana  SI Juan Anton at nawalan din ng malay si Raquell dahil sa lalim ng tubig hindi na ito na ka hinga.

To be continue....

THE END OF PAST LIFE... FUTURE ARE GOING TO BE MORE EXCITING.

A/N : Sa mag babasa at nag babasa nito pag pasensyahan nyu na ang grammatical error. Hope you enjoy reading. 😁

All Rights reserve © fionablissful

PAST & FUTURE Where stories live. Discover now