KASALUKUYAN (PRESENT)

4 0 0
                                    

A/n : The names of the characters is change pero parehong character parin ang ginagampan ibang pangalan lang ang nilagay ko dahil ibang panahon na man na ito na ganap.... Thank you for reading, hope you enjoy.



Nagising si Jane sa isang bangungot at hindi Naman niya alam kung bakit ganon Ang kanyang panaginip araw-araw paulit-ulit na nangyayari sa kanya at narinig na Niya na tinatawag na sya ng kanyang nanay.

"Anak!.. almusal na may pasok kapa baka ma late ka."Sigaw nito sa labas ng kwarto ng anak.

"Oo po andyan na po sandali!"

Dali dali na man itong nag ayos ng kanyang sarili bago ito lumabas Ng kanyang kwarto. Pumunta ito sa hapag kainan at Kumain kasabay ng kanyang nanay nang bigla itong nag salita.

" Nak syanga pala pumunta ka sa ate mo sa maynila at sabihin mo Ang Pera na gagamitin natin pra ibayad sa gastusin natin Dito sa bahay....at paki sabi na wag nyang pababayaan ang sarili wag puro trabaho."

Nasa maynila nag tatrabaho ang kaniyang ate na nag tutustos sa kanilang pangangailangan sa bahay at pag aaral nito.

"Opo nay." Sagit naman nito sa nanay nya.

Pag ka tapos ng kanyang pasok agad itong pumunta sa bahay Ng ate nito sa maynila byernes na man ata walang pasok kaya dumeretso na ito sa maynila.

Nang maka rating ito sa bahay Ng kanyang ate kumatok muna ito pero  iba ang bumukas Ng pintuan isa itong matabng binata.

"Ano Po Ang kailangan nyo?" Tanong nito sa kanya.

Nagtaka sya bakit lalake Ang bumukas ng pinto kaya tinatong nito ang binata.

"Dito po ba nakatira si Rosan
a Reyes?"

"Oo Dito nga pero wala sya ngayon dito nasa trabaho." Mukang iritado ito sa tono Ng pag sagot.

"Alam nyo po ba kung nasaan sya?"

"Andun sa Beach Bar malapit lang yun dito sige na umalis kana." Halatang Wala sa modo ito kaya nag lakad lakd ito at Nakita nya na Ang beach bar na sinasabi ng lalakeng nasa bahay Ng ate nito.

Nakita nito ang ate nya malapit sa beach marami Ang turista. Lalapitan na Sana ni Jane Ang kanyang ate Ng bigla itong nakipag halikan sa estranghero na katabi. Laking hulat nito sa nakita akala nito ay kung ano Ang trabaho Ng ate nito buong akala nya ay isa itong secretarya Yun Pala isang hostess.

Hindi nito namalayan na sunod sunod ng bumuhos Ang luha sa mata kaya pala Ang laking pag bago ng ate nito noong naka raang taon na umuwi ito sa knila sa probinsya.

Agad nitong nilapitan ang kapatid at walang pasabeng sinampal.

"Ano ba!! Jane!" Nagigla ito sa pag sapal Ng kapatid nito.

"Anong ginagawa mo rito ate dito ka pala nag tatrabaho sabi mo Isa kang secretarya ng isang kumpanya yun pala dito ka nag tatrabaho ate naman bakit ka nag sinungaling!! Nasaan na Yung perang pang gastos sa gamot at pangangailangan ni mama sa probinsya ha!"

"Wala Kang karapatan na sumbatn ako at wala karing karapatan na sampalin ako sa harap Ng customer ko, at ang pera Wala na distorbo ka kasi bwesit!"


Hinila Ng kanyang ate si Jane hawak hawak Ang mahaba nyang buhok at kinaladkad sa kalsada binuksan nito Ang bag nya at kinuha Ang perang baong nito.

"Ate san mo dadalhin yan pamasahe ko pa Yan pa uwi ate!!"

Hindi pinansin ni Rosana ang kapatid niya uniiyak na si Jane hindi nya alam kung ano ang gagawin pinupulot nito ang gamit sa gitna ng madaming tao na nakakita sa ginawa ng kapatid nito sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PAST & FUTURE Where stories live. Discover now