Chapter 2

17.1K 781 1.2K
                                    




_________________





Dani Romano Belmonte POV




Asphyxia






Sigaw ako ng sigaw at pilit na binubuksan ang pintuan ngunit hindi ito mabuksan.




Tinignan ko ang mga kasambahay na wala man lang emosyon at naka-yuko lamang silang tatlo sa harapan ko.




"Give me the key!" Sigaw ko, habang namumula na ako sa kakaiyak.




Hindi sila nagsalita at yumuko lamang, kaya naglakad ako patungo sa drawer at naghanap ng mga gamit ko para buksan ang pintuan.




Ilang araw na ako dito, ni hindi ko makita ang pagmumukha ng epokritang babae na 'yon.




Naghanap ako ng susi, pero wala akong mahanap maliban sa ballpen.




Naglakad ako patungo sa mga kasambahay niya.




"Buksan niyo ang pinto." Mariin na utos ko, pero para bang hindi nila ako naririnig.




"Sabi ko buksan niyo ang pinto!" Sigaw ko sa harapan nila habang namumula na ako sa inis at ikikuyom ko ang kamao ko.




My attention was drawn to the door as I caught the sound of the doorknob turning.




Kusang bumukas ang pintuan at iniluwa doon ang babaeng ilang araw nang nagpapahirap sa akin.




Naka-suot na ito ng robe at halos mahubad na sa kanya, ngumiti ito agad ng matamis sa akin.

Poor, Little GirlWhere stories live. Discover now