Chapter 5

120 6 0
                                    

Jasmine

Wala sana ako balak iwan sa Academy garden si Clarrise, kaso pinapatawag na daw kami ni Headmaster para mag-lunch.  habang papalakad kami papunta sa office ng headmaster at headmistress sinasalubong kami ng pagyuko ng mga elites at sana nga ay makinig ang kapatid ko na pag-isipan niya ng mabuti ang pagsagot kay Nathan.

"Infairness ha, may taste si Nathan so it means seryoso na siya sa kaibigan mo." pukaw sa akin ni Nicole. may hidden agenda ka mo si Nathan, ang maghiganti sa akin sa pamamagitan ng paggamit niya kay Clarrise. alam niya sobrang mahalaga sa akin si Clarrise kaya kapag nasaktan siya ay ako ang mas apektado. Bwisit siya sa buhay ko!

"Pwede ba Nicole?! huwag mo ng mabanggit-banggit ang pangalan ni Nathan!" naiinis tuloy ako dahil makikita ko na naman ang pagmumukha ng hinayupak na lalaking 'yon.

"Ang init yata ng ulo, may dalaw ka?"

"Wala!" tumaas ang boses ko. alang-alang sabihin ko sa kanya. hindi ko lang kaibigan si Clarrise, kung di kapatid ko na mahal ko pa siya ng mas hihigit pa doon. tapos idagdag pa ang pag-eksena ni Nathan, sa buhay ni Clarrise.

"Hala! Jas, ikaw ba 'yan? nasaan ang friend ko na laging kalmado at palangiti." pag-oovereact niya.

"Nasa impyerno." pa-sarcastic sagot ko.

"Hindi ka na mabiro, chillax." pagkalma niya sa akin. Paano ako kakalma kung makikita ko ulit si Nathan? bakit kasi may pa-lunch-lunch pa silang nalalaman.

"Ano bang ginawa ni Nathan, ang moody mo yata dahil sa kanya?" she asked.

"Alam ko na dahil siguro malapit na niya makuha ang Top 1 sa'yo." hula niya. mas mabuti 'yan ang alam niya. Kaysa sabihin ko pa na karibal ko si Nathan sa puso ni Clarrise. hindi ko napansin nandito na kami sa office ng Headmaster, pinagbuksan kami ng pinto ng butler niya.

"Magandang tanghali po, young mistress Nicole, Jasmine." magalang na bati niya. pagkapasok namin nandito na ang ibang friends namin pero wala pa sina Headmaster, headmistress at ang Ultimate 8.

"Anong nangyari sa'yo Jasmine? Bakit ganyan ang mukha mo stress much?" pangiti-ngiting tanong ni Nathan. duh! alam niya siya ang dahilan nito. may gana pa siyang magtanong. gusto niya ako inisin ng todo. kaya napatigil ang iba sa ginagawa nila at tumingin sa akin.

"Kaya nga biyernes santo ang face, pasan ang buong daigdig teh?" maarte na sabi ni Cassie, siya ang fashion princess ng Academy. isang sikat na model at minamanage siya ng Astor Entertainment na ang CEO ay miyembro ng Ultimate 8.

"May masamang hangin kasi nandito e." hindi ko na tinukoy kung sino o ano pa man.

"Parang di kami sanay hindi nakikita ang laging nakangiting si Jasmine, for the first time ngayon ka lang namin nakita na bad trip." punto ni Cassie. tama siya kaya ko pa ang pangungulit na panliligaw sa akin noon ni Nathan, pero ngayon iba na dahil involve na si Clarrise, ang pinaka-mamahal kong kapatid ang target niya.

"Ang saya ng date namin Clarrise, kahapon." pagpaparinig ni Nathan sa akin. sinasadya niya talaga iparinig sa akin. may pagkamayabang at ang taas ng tingin sa sarili niya itong si Nathan, kaya i know peke lang ang pinapakita niya pakikitungo kay Clarrise. Bakit pa kasi naging kuya pa ito ni Headmistress Sophie? Kung gaano kabait ang headmistress siya kabaliktaran ng kuya niya.

"Sigurado ka na ba sa girl na 'yun?" naitanong ni Jim, ang bestfriend ni Nathan. siya ang president ng student council at top 5 ang family niya sa mga mayayaman sa high society. wala akong problema kay Jim, kaibigan ko siya kahit bff sila ni Nathan. hindi kasi niya tinotolerate si Nathan sa mga ginagawa nito. Pagsasabihan pa niya kaso itong si hinayupak di lang nakikinig.

My sister is my GirlfriendWhere stories live. Discover now