Chapter 23

87 3 0
                                    

Jasmine

Nagdesisyon na kami umalis sa mansyon ni Lance, para magdouble date na kami. maigi nga nadala ni Lance ang sasakyan ko dito dahil ito ang gagamitin namin papunta sa gotohan. Umupo na si Charlene driver seat siya na lang magmamaneho ng vios ko. habang si Sophie ay sa katabi nitong passenger seat, kami ni baby ko sa likod kami umupo. inakbayan niya ako kaya Ito ako kinikilig ng walang tigil. Binigyan muna ni Charlene si Sophie ng glasses, cup at face mask para matago ang mukha niya. puna

"Ano 'to?" clueless na tanong ni Sophie kay Charlene.

"Tulad ng nabanggit ko kanina baka may makakilala sa'yo." reason ni Charlene. pinaandar na ni Charlene ang sasakyan ko.

"Napakarami kong kaagaw sa'yo, bawat lalaki, mga hindi straight na babae ay naiinlove yata sa'yo. isama mo pa ang halos lahat ng matandang businessman kung makatitig sa'yo ng malagkit.. alam na alam ko since sinasabi sa akin nina Sam.. kung pwede nga lang kita ikulong sa hawla para di ka nila makita ay ginawa ko na!" burst out ni Charlene habang nakatuon ang tingin nito sa daan.

"Oa mo darling, haha!" natawang sabi ni Sophie.

"Mas okay na 'yon, Honey." sabi ni Charlene. Honey at Darling ang tawagan nina Sophie at Charlene sa isa't isa.

"Eh di sabuyan ko ng asido ang mukha ko para maging pangit na ko." hindi nagbibirong sagot ni Sophie. biglaang nagpreno si Charlene dahilan para huminto ang kotse. Niyakap ko si Clarrise ng pagkahigpit-higpit para prinoprotektahan siya.

"May masakit ba sa'yo baby?" mabilis kong tanong sa kanya.

"Hindi malakas ang impact, ikaw nasaktan ka ba?" puno ng concern din tanong niya.

"Ayos lang ako." sabi ko kay Baby.

"Jusme! balak mo ba kaming patayin Charlene!!" asik ko kay Charlene. wala akong paki-alam kung nasigawan ko siya. Paano dahil sa pagpreno niya nagkaroon ng malakas na impact dahilan para masaktan ang baby ko.

"Sensya na, nakakagulat kasi ang sinabi ni Honey, mukhang seseryosin niya." pagtatanggol ni Charlene sa sarili niya tapos ay alanganin siyang ngumiti sa akin.

"Mapapahamak pa tayo lalo na si Clarrise, sa pagiging pabaya mo!" panenermon ko pa kay Charlene.

"Huwag mo ng pagalitan si Charlene, baby.. safe naman tayo lahat." pag-awat niya sa akin. umupa din ang inis ko kay Charlene dahil sa nangyari at nagpapasalamat tumingin siya kay Clarrise. si Clarrise lang talaga ang kayang tanggalin ang init ng ulo ko.

"Honey, nabagot ba ang ulo mo? maaari kitang dalhin kay Maine, para macheck niya ng maayos ang ulo mo." pag-woworry usal ni Charlene kay Sophie.

"I'am fine." ikling tugon ni Sophie.

"Biyaya ng Diyos ang kagandahan mayroon ka Honey, ang kailangan ay pahalagaan mo ito ng mabuti.. ang swerte ko nga kasi beauty with brain ka pa at mabuti pa ang puso mo, nagpatayo ka pa ng Company na para lang sa mga may kapansanan, out school youth, at walang pinipiling edad sa pagtanggap sa bawat posisyon dahil naniniwala ka angking kakayahan nila at nais mong makatulongsa pamilya nila. ikaw rin ang nagtayo ng pinakakilalang School para sa mga miyembro ng LGBT upang maiwasan ang deskriminasyon nararanasan nila. gayunpaman ay hindi mo ipinaganlandakang ikaw ang may-ari." wika ni Charlene kay Sophie. ano pang asahan namin kay Sophie isa yan sa pinagkakaabalahan niya ang pagtulong kahit super busy niya all the time. daig pa niya ang pulitiko.

"Wahh! Ikaw pala ang owner S.C Telecomunication, na tumatanggap ng mga people disabilities, mga galing sa lansangan, older worker at mga di nakapag-aral. 1 year ago ng lumitaw ang S.K telecomunication bilang isang telecomunication company at mabilis nakilala sa business world sapagkat sa mga uri ng empleyado nila. tapos isa pang pinagawa mo ay ang S.C school ang number 1 LGBT school sa buong Pilipinas na isang taon din itinayo, kaagad sumikat ang school dahil bukod sa welcome ang lahat miyembro ng LGBT ay libre pa ang tuition fee at saka private pa ito pero wala ng babayaran kahit ano. nakakabilib! unlike sa Elites Acadamy lahat ay may bayad... wala pa rin nakakakilala kung sino ang may-ari ng S.K telecomunication at S.k school subalit may spekulasyon iisa lang ang owner.. ang galing naman ikaw ang may-ari." namamanghang tinig ni baby ko.

My sister is my GirlfriendOù les histoires vivent. Découvrez maintenant