12

9 1 14
                                    

"Oo nga pala, daph. Kumusta si tita? Inatake siya diba." pag-iba ni Lovi ng topic.

"Ah okay naman ata."

"Huh? Nag away na naman kayo?"

Alam na alam niya talaga kapag ganito na ako sumagot pag usapang pamilya. I gave her a smile bago nagkibit balikat.

"Natanong ko lang kasi nakita daw ni Casper sa hospital, baka nagpa check up." kwento niya.

"Good for her." sagot ko at napabuntong hininga nalang habang nakatingin sa mga papel na kumakalat.

Birthday na pala ni Darren ngayong sabado, for sure papuntahin ako nun pero knowing the situation right now, baka nag hesitate pa yon e invite ako.

Sabay kaming napatingin sa pintuan nang may pumasok, I smiled when I saw Draken wearing a gray nike shirt and black pants, napawi ang ngiti ko nang mapansin ang sapatos niya.

"New shoes again?"

"Good morning rin sa'yo, Daphne Froi." sarcastic niyang bati sabay lapit sa akin, he glanced at Lovi saka napatingin sa mga nagkalat na mga gamit.

"Hindi ka naman nagkaka allergy rhinitis?" tanong ko sa kanya, ma alikabok kasi yung ibang gamit.

"Nah, my immune system is not weak." aniya sabay karga ng box "Should I bring this to the new room?"

"Sa principal's office yan." pamimilosopo ko

He just rolled his eyes saka lumabas. Nagkatinginan kami ni Lovi at sabay na natawa.

"Malaking tulong talaga siya, Daph." aniya "Hindi ba siya busy?"

"Siya rin naman daw CEO ng buhay niya." I replied "Hayaan mo na."

Sakto ring nakabalik na si Draken, just when he was about to carry the other box tumunog ang phone niya. Tinignan niya naman sino ang tumawag bago sinagot.

"Asean.."

Nagkatinginan kaagad kami ni Lovi nang binanggit ni Dk ang pangalan na yun. Then we looked at Draken na naka kunot na ang noo.

"Tanga why would I do that to Dustin? Baka nakalimutan mong sinuntok ako ng gagong yun, Apollo." aniya

"Did something happen?" tanong ni Lovi

"Nag suntukan sila ng pinsan niya nung nakaraan." sagot ko "It's their story to tell."

Tahimik lang tumango si Lovi bilang sagot, pinatay na rin ni Dk ang tawag at kinarga na naman ang isang box at naglakad palabas.

Nagkwentuhan lang kami ni Lovi nang mapansin kong natagalan sa pagbalik si Dk. Pupuntahan ko na sana kaso bumalik na rin siya at may kausap sa phone.

"Ma, I told you it's not my fault." aniya "I'll tell you the whole story this weekend just don't let grandpa find out about this."

Baka tungkol to sa awayan nila.

I noticed he glanced at Lovi and a gut feeling just sank into my system. Hindi ko ma point out kung ano yun pero parang meron.

Baka guni-guni ko lang to.

After the call, Dk sat beside me and tapped my arm "Daph?"

"Hmm?"

"Tahimik mo."

"Ano gusto mo, sumigaw ako?" pamimilosopo ko.

He pursed his lips "It's unusual for you."

"Eh malamang may kausap ka sa call." sabi ko at tinoun sa kanya ang atensyon "What a clingy friend you are."

He shook his head and changed the subject "By the way, I need to go to Manila tonight." aniya

Whispers of TomorrowWhere stories live. Discover now