Kabanata 1 : PAGPAPAKILALA

1 1 0
                                    

2023

Kinuha ko ang gamit ko tsaka nag mamadaling lumabas ng bahay. Araw araw na ganito ang ginagawa ko,papasok ng maaga dahil medyo malayo ang paaralan na pinapasukan ko.

"Cristine sabay na tayo"-napalingon naman ako sa tumawag sskin.

Sya si Janeth, kasabay ko minsan dahil pareho lang naman kami ng pinapasukang paaralan.

Grade 12 kami at ilang buwan na lang ay magtatapos na rin.Nag hintay kami sa labas ng room dahil hindi pa ito bukas.

PANANANAW NI FLOYD EVANGHELISTA:

"Bangon na ginoo,baka hindi kayo makasabay sa iyong ama, mayamaya lamang ay aalis na sya." Dinilat ko ang mga mata ko ng marinig ko ang pag gising sakin.

"Sumikat na ba ang araw?"agad akong bumangon.

Hunyo 7 , 1969 ngayon, kailangan ko palang mag aral.Tumingin ako sa bintana ng bahay at hindi pa naman masyadong sumisikat ang araw.

Pumunta na ako sa balon upang maligo at makapag ayos na din.

"Maagang aalis ang iyong ama ginoo"-wika ni tiya Elma.

Malapit lang din ang aking paaralan sa aming bahay subalit sumasabay pa din ako sa aking ama sapagkat dadaan lang din sya doon.

Pagkadating ko ay agad akong umupo sa upuan na malapit sa bintana.

Mas gusto ko dito maupo sapagkat nakakalanghap ako ng sariwang hangin.

Hindi kalaunan ay dumating na din ang aming guro at nag turo na.

Cristine ysabel Bautista POV:

"Uuwi kana?"-Tanong ni Janeth ng matapos ang klase.

"Sabay na ulit tayo"-dagdag pa nya.

"Oo eh pagod na din kasi ako "-nag lakad na din kami para maka uwi na.

Pakadating ko ng bahay ay agad akong humiga sa kama ko dahil gusto ko munang matulog.

Napatingin ako sa bintana at tinitingnan ang isang punong kahoy.

Ewan ko ba pero gustong gusto kong pumunta dun.Madalas akong napapatingin sa punong yun na parang gusto ko itong lapitan.

Masyado na akong inaantok kaya naisip ko na ipag pa bukas nalang.

Ipagpatuloy.

✍️ Maessie Manunulat

BRING ME BACK TO THE TIME THAT I MET YOU Where stories live. Discover now