PROLOGUE

4 2 0
                                    

"Hindi tayo pwede Floyd at kahit kailan hindi magiging pwede"

"Pero bakit, mahal kita Cristine at alam ko na mahal mo din ako?"

"Masasaktan ka lang. Masasaktan lang tayo pareho"

"Hindi ba pwedeng mahalin ka kahit malayo ang pagitan? Hindi ba kita pwedeng mahalin dahil mag ka iba ang mundo natin?"

Hindi, hndi pwedeng maging kami. At pag nangyare yun ay hindi rin kami tatagal.

"Mali ba ang mahalin ka, ang alam ko ay kapag mahal mo ang isang tao handa mong gawin ang  lahat kahit masaktan ka. Handa kung gawin ang lahat para sayo"

"Kaya kitang mahalin kahit pa magkalayo tayong dalawa" mga salitang sambit nya sa kabilang linya ng telepono,kasabay non ang pagtulo ng luha ko.

"Paano tayo mag tatagal kung tanging telepono at sulat lang?Please wag na nating ipilit dahil alam naman natin na hindi talaga pwede"

Kakalimutan ko nalang ba sya? Ganun na lang ba?Ganun na lang ba kadali ang kalimutan ang lahat?

"Mag kikita tayo mahal ko. At kapag dumating ang araw na iyon sana ay pwede na" rinig ko ang pag iyak nya habang binibigkas nya ang mga katagang ito. Hindi lang sya ang nahihirapan.

"Hindi na tayo mahihirapan sa oras na yun. Wala ng pagitan at wala ng hahadlang saatin, sinta hintayin mo sana ako . Gagawa ng paraan ang tadhana para mag kita tayo."

✍️ Maessie Manunulat







BRING ME BACK TO THE TIME THAT I MET YOU Kde žijí příběhy. Začni objevovat