KABANATA 3 : PUNO

1 1 0
                                    

" Pasensya na pala kanina dumating kasi bigla si mama eh kaya binaba ko na yung telepono"pag lilinaw ko sakanya ng tawagan ko sya ulit.Baka kase i block nya pa number ko edi wala na kong kausap.

"Aus lang iyon binibini" saad nya naman at umupo muna ako sa ilalim ng punong kahoy sa may tapat lang namin.

"Nasan ka pala? naiisturbo yata kita" tanong ko dito habang nakatingin pa din sa libro na dala ko.

"Nasa labas ako ng aming bahay at gusto kong makalanghap ng sariwang hangin"

"Mukhang ang tahimik naman sainyo"saad ko.Wala naman kase akong naririnig na dumadaan na sasakyan samantalang dito halos pumutok na tenga ko sa subrang ingay.

"Oo binibini, hindi naman marami ang bahay dito" bigla tuloy akong napa isip kung taga san sya.

"Ano bang ginagawa mo?"seryusong tanong ko dito.

"Mahilig akong mag sulat , pag katapos ay tinatakpan ko iyo ng lupa sa ilalim ng puno" wika nya at napa isip ulit ako.

"Bat mo naman tinatakpan ng lupa?"interesadong tanong ko.

"Dahil alam ko na may makakabasa non pag lipas ng panahon.Kinasanayan ko na ang ganun subalit nakalimutan ko na kung saan ko tinakpan."napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Kung ganun mag huhukay ako baka sakaling malapit lang ang bahay nyo at makita ko" ani ko sabay tawa.Narinig ko naman na tumawa ito sa kabilang linya.

Pogi siguro to sa personal. Napakaganda ng boses nya.Siguro pareho lang kami ng edad.

"Wala ka bang gagawin binibini?"sa totoo lang marami pa kong gagawin pero baka mayaya ko nalang tapusin.

"Wala naman"bigla kong naisip ang punong sinasabi nya kanina.

"Ahh anong puno yun?"tanong ko dito at napa tigil sya.

"Puno daw iyong ng acacia.Medyo matagal na rin itong nakatanim dito"pag kukwento nya.

"Mataas ba?"tanong ko habang nakatingin sa puno na sinasandalan ko. Baka dito yun.

"Oo binibini,mayabong rin ang mga dahon nito"saad nya pa.

"Cge sandali mamaya nalang may gagawin pa ko."ani ko at binaba ang telepono at dali daling pumunta ng bahay.

Itinago ko muna ang libro sa kabinet ko tsaka bumalik sa punong yun.

"Wala naman mawawala kung susubukan ko"ani ko sa sarili ko tsaka kinuha ang kapiraso na sanga ng puno tsaka umupo sa tapat ng punong kahoy na iyon.

To be continue.

✍️ Maessie Manunulat

BRING ME BACK TO THE TIME THAT I MET YOU Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz