chapter 3

20 1 0
                                    


gabi na at nakahiga na ako sa aking kama habang tinitignan ang mga dating post ng mama niya na nandon siya

nahihiya man ako pero buo na ang desisyon kung i add siya kasi naka private ang account niya kaya hindi ko nakikita ang kaniyang mga post

"Cleo Nathaniel Ibarra"

tinignan ko mo na ulit ang account niya bago pindutin ang add friend

nilagay ko sa unan ang aking mukha bago nagsisigaw hindi ko alam kung bakit siguro sa kilig o kahihiyan

marami akong nalaman tungkol sa kanya
ngunit ang hindi ko malaman laman kung may jowa na ba siya.

sa isang pribadong malaking skwelahan sa siyudad siya nag aaral, maraming magaganda doon kaya siguradong may nagugustuhan na siya, inisip ko palang yun parang sinasaksak na ang aking puso

"DONGKIE"
palayaw niya pala yan
parang atat na atat akong malama ang buong detalye tungkol sakanya

ewan ko nga ba bakit gustong gusto ko siya nung una akala ko kaya naagaw niya ang aking paningin dahil siya lang ang ka edad ko sa araw na yun pero habang lumilipas ang mga araw mas lumalalim ang aking pagtingin sakanya

"Sa Instagram siya laging active" pag babahagi ni lorie
" dun siya laging nag a update"pinakita pa niya ang bagong story ni cleo
kinuha ko ang cellphone niya at tinignan mabuti ito parang kompleto na ang araw ko

paglipas ng oras tinignan ko kung may notification bang dumating  ngunit bumagsak ang aking mga balikat ng wala akong makitang update kung inaccept niya naba ang friend request ko

pagsapit ng gabi, nagbago na ang isip ko gusto ko ng bawiin ang friend request ko siguro sa kahihiyan

I search his name and pindutin ko na sana ang cancel ng makita ko na hindi na pala cancel ang nakalagay kundi

FRIEND!!!

parang gusto ng tumulo ang aking mga luha, kung ano ang ginawa ko nung inadd ko siya mas sobra sobra ang ginawa ko ngayon, sobrang kilig ang aking naramdaman ,hindi ko alam pero gusto ko nang magtatatalon,siguro nababaliw na nga ako .

Dahil nga sinabi ni lorie na active siya sa Instagram,I connect my Facebook account in IG sabihin nalang natin na ngayon ko lang naisipang tumambay sa IG dahil lang sakanya finallow ko agad siya inaccept niya naman ang follow request ko.

sinabi ko rin naman sasarili ko na happy crush lang to, NBSB ako kaya wala akong alam sa mga bagay na yan at isa pa bata pa ako para pumasok sa ganyang mga bagay
pag aaral ko talaga ang number 1 priority ko,sobrang strict din ng mga kuya ko kaya imposible ang mga bagay na yan

I set my limit pag crush, crush lang talaga
minsan lang din naman ako magkagusto,nalibang din naman kasi ako kakabasa ng libro, ewan ko nga ba habang tumatanda ako parang ayaw ko ng lumabas ng bahay kaya nasa libro at pag aaral ang buo kung atensyon

pero inaccept na niya ako!!!!!

ngayon natulog ako ng may ngiti sa labi.

____________________________________________________________________________________________
Don't forget to vote lovey:)

chasing after you Where stories live. Discover now