Faith's birthday

1 0 0
                                    

Clarence's POV

Dalawang linggo na rin ang nakalipas mula nung naghiwalay si Faith at si John. Sa ngayon ay unti unti na namin nakikita na nakakamove on na sya. Natutuwa naman ako at unti unti na bumabalik sa dati ang kakulitan niya.

Eto kami ngayon at naghahanda nang pumunta kila Faith dahil birthday niya ngayon. Nagready na ako at kinuha ko na rin ang ireregalo ko kay Faith habang hinhintay na mag ayos si Cyline.

Habang nagse cellphone ako ay bigla kong naisip, pano kaya kung umamin na ako kay Faith ? Ito na ba ang tamang panahon para malaman niya ang nararamdaman ko ?

Sa aking pag iisip isip ay bigla naman dumating si Cyline.

" Kuya tara na , lalim ng iniisip mo ahh "
" Cy! Ano Kaya kung umamin na ako kay Faith ? "
"Haaaaaa? Okay ka lang ba ? Diba kakagaling lang niya sa break up? Malamang ay hindi pa siya ready ulet sa mga ganyang bagay . Ano gusto mo ? Iwasan ka na ni ate Faith ? Sayo na mismo nanggaling na ayaw mong masira kung ano man ang meron kayo lalo na't naging mag best friend pa kayo. Kuya pag isipan mo munang mabuti"

Naisip ko na tama naman ang sinabi ni Cyline . Oo ayaw ko nang masira kung ano kami ni Faith ngayon. Lalo pat naging sobrang malapit na kami sa isa't isa. Sanay na ako na lagi ko siyang kasama. Paano nga pala kung aamin ako at bigla nalang siyang lumayo sa akin?

" Sabagay. Tama ka " sagot ko kay Cyline

Maya maya pa ay nakarating na kami kila Cyline. Konti palang ang mga tao dito.  Iilan dito ay classmates dn namin kaya nakipagkwentuhan muna kami sa kanila.

Ilang sandali pa ay lumabas na si Faith na nakasuot ng red na dress at napakaganda niya sa ayos ng kanyang buhok at make up. Sobrang natulala ako sa kanya nung oras na iyon.  At nabalik lang ang aking atensyon noong kinalabit ako ni Cyline.

" Huy kuya "

" Bakit ba?"
" Tulala ka naman dyan. Masyado ka nang halata. "
" Sorry naman . Ang ganda kasi talaga niya 😍 "
" Tara na nga lapitan na natin si ate Faith "

Nong lapitan na namin si Faith ay agad namin siyang binati

" Hi Faith , happy birthday " bati ko sa kanya
" Happy birthday ate Faith " bati ni Cyline sabay beso kay Faith.

Agad naman inabot ni Cyline ang regalo niya kay Faith pero yung sa akin ay hindi ko muna inabot. Gusto ko kasi na buksan niya yun mismo sa harap ko

Sobrang naging saya ng maghapon na iyon at unti unti na rin nag uwian ang mga bisita

Maya maya ay nag paalam na si Cyline na mauna na siya dahil magkikita sila ng mga kaibigan niya.  Pinayagan ko naman siya

Noong kami nalang ni Faith ang nandoon ay tinulungan ko siya sa pagliligpit at paglilinis.

" Naku Clarence, wag na , ako na ang bahala dyan " sabi ng mommy ni Faith

" Okay lang po tita "

" Faith , anak, magpahinga ka muna. Samahan mo muna itong si Clarence. Nakakahiya naman tumutulong na siyang magligpit dito "

" Naku tita okay lang po "

Tinawag naman muna ako ni Faith

" Clarence hali ka muna dito . Wag kana tumulong dyan. Marami naman magliligpit dyan. "

Nilapitan ko rn naman sya dahil nandoon na rin ang mga tita nya na naglilinis din . Kilala na kami ni Cyline ng iba nilang kamag anak at alam din nila na mag best friend kami ni Faith. Madalas nga ay tinutukso pa nila kami dahil sa dalas namin magkasama.

Paglapit ko kay Faith..........

Her: salamat sa pagpunta ha
Me: maliit na bagay , ano ka ba ?
Her: gusto mo bang maglakad lakad muna tayo ?
Me: sige . Paalam muna tayo sa mommy mo

Her: Mommy , maglalakad lakad lang po muna kami sa labas saglit.
Tita : sige anak. Mag iingat kayo

Naglalakad lakad kami at napagpasyahan namin na maupo muna sa park. Naisip ko na dun ko na iabot ang regalo ko sa kanya

Me: ahhmmmm Faith? May ibibigay ako sayo
Her: ano yun ?

Inabot ko naman agad sa kanya. At nong buksan niya ay natuwa naman ako sa naging reaksyon nya

Her: wow ang gandaaaaa. Thank you. 😍
Me: nagustuhan mo ba ?
Her: oo naman. Teka , diba mahal to?
Me: okay lang yan.  Pinag ipunan ko talaga yan para sayo .
Her: huuy grabe nakakahiya naman. Pero salamat talaga ha. Iingatan ko to promise

Ang binigay ko nga pala sa kanya ay kwintas na may heart na may infinity symbol

Ang binigay ko nga pala sa kanya ay kwintas na may heart na may infinity symbol

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.


Me: gusto mo ba isuot ko sayo ?
Her: sure 😊

Sinuot ko sa kanya ang kwintas .. pagkatapos ko isuot sa kanya ang kwintas ay nadala ako ng emosyon at niyakap ko siya mula sa kanyang likuran sabay bati sa kanya

"Happy birthday Faith"

Agad naman syang pumiglas

" Huy , mamaya may makakita sa atin baka sabihin pa magjowa tayo haha .. pero thank you ahh.  Na appreciate ko sobra ❤️ "

" Wala yun . Basta para sa best friend ko "

" Hmmp. Bolero. Tara na nga balik na tayo "
" Teka lang. "
" Bakit? Pwede ba tayo mag picture? Birthday mo naman e "
" Sige na nga "

Nag pic naman kaming dalawa at sobrang saya ko nong oras na iyon dahil nagustuhan niya ang binigay ko at nakasama ko pa sya.

Pagbalik namin sa bahay nila ay nagpaalam na ako sa mommy niya at iba pa nyang kamag anak.

Pagdating ko sa bahay ay inabot ko na rin sa lola ko ang mga pagkain na ipinapabigay ni Faith

" Salamat kamo apo. Sana makapunta na siya ulet dito. " Natutuwang sabi ni lola

Sakto naman at dumating na rin si Cyline

" Kuya nandyan ka na pla "
" Halos kararating ko lang din, pumasyal pa kasi kami ni Faith sa park "

" At talagang hindi ka papayag na hindi masolo si ate Faith ah ". Biro niya habang nagmamano kay lola

" Teka nga apo, matanong ko lang, nililigawan mo ba si Faith ? "

" Si lola naman. Hindi po.  Mag best friend po kami ni Faith. Wag niyo po pansinin yang sinasabi ni Cyline "

" Pero napapansin ko, iba ang tuwa mo pag si Faith ang kasama mo " sagot ni lola

" Alam mo la, tama ka. Hindi lang kasi kaibigan ang tingin ni kuya kay Ate Faith . Matagal niya nang gusto si ate Faith. " Singit ni Cyline.

" Huy tumigil ka nga dyan. Ang ingay mo. La, akyat po muna ako sa taas. At magpapalit po ako ng damit "

" Sige apo. "

Pagkatapos ko magbihis ay binuksan ko ang cellphone ko at pinagmamasdan ko ang mga picture namin ni Faith

" You look good together ahh " napalingon naman ako sa biglang nagsalita mula sa aking likuran.

" Cyline! Ikaw masyado kana ah. Pati ba naman kay lola sasabihin mo yun? "

" Kuya kahit hindi ko sabihin nahahalata ni lola yun. Madalas nya rin itanong sa akin yan pero hindi ako nagsasalita pero siya nakikita at nararamdaman niya. Syempre dumaan din siya sa ganyan "

Hindi naman na ako sumagot at patuloy kong tinitingnan ang pictures namin ni Faith

" Ayoko masira kung anong meron kami. "


Destined for my BestfriendWo Geschichten leben. Entdecke jetzt