Separate Ways

1 0 0
                                    

Naisip ko na iwasan ang nararamdaman ko para kay Faith, at subukang ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay. Pero hindi magbabago ang pakikitungo ko kay Faith.

Nakalipas ang dalawang buwan at nagsisimula na rin ako na magkagusto kay Cindy, ang muse ng aming klase. Naisipan ko na magpatulong kay Faith na ligawan si Cindy dahil close naman sila. Di naman nagdalawang isip si Faith at tinulungan niya ako .

Pagkalipas ng ilang linggo ay sinagot na ako ni Cindy . Kaya naman hindi na rin kami ganun kadalas na nagkakasama ni Faith. Pero lagi ko siya nakikita na kasama sila Nathalie, Cyline at Kreestah. At hanggang ngayon ay katabi ko pa rin naman sya sa upuan pero mula nang maging kami ni Cindy ay nabawasan dn ang closeness namin.

Sa unang buwan namin ni Cindy ay sinama ko siya sa bahay para ipakilala kay lola at Cyline. Pagdating namin sa bahay ay ni hindi man lang niya binati si lola pero naisip ko na baka nahihiya lang siya.

Habang naghahanda ako ng meryenda ay nilapitan ako ni  Cyline.

" Kuya, hindi ko gusto yang babae na yan para sayo. Nakita mo ni hindi man lang binati si Lola? "
" Cy naman first time nya pumunta dito. Malay mo nahihiya pa "
" Kuya, hindi ganyan si ate Faith nung unang pagkikita nila ni lola, tama ? "

" Oo nga pala, kamusta si Faith? "
" Ayun may bagong manliligaw. "
" Ha? Sino ? "
" Si Kyle, yung taga kabilang section niyo raw , pero nakakasama namin yun. Mabait naman "

" Clarence, matagal paba yan ?" Pag tawag ni Cindy sa akin

"Eto na , sorry"
" Alam mo naman na ayaw ko na naghihintay e. Nakakainis ka naman"

" Sige na kumain kana" sagot ko sa kanya

Maya maya ay nagsabi na sya na gusto na niyang umuwi. This time, hindi rin siya nagpaalam kay lola at Cyline.

Habang naglalakad kami papunta sa sakayan ay nasalubong namin si Faith na kasama ang manliligaw niya. ,

"Uy Clar, kamusta ka? , Si Kyle nga pala, nanliligaw sakin. Kyle, si Clarence best friend ko" Bati ni Faith sa akin

" Hi! Nice to meet you pre. "
" Hi! Cindy . " Bati ni Faith pero hindi naman ito pinansin ni Cindy

" Sige Clar, mauna na kami. Ingat kayo ha. "

Pagpapaalam ni Faith. Sobrang hindi ko nagustuhan ang inasal ni Cindy mula pa sa bahay hanggang kay Faith kaya tinanong ko sya.

" Ano bang problema mo ? "
" Bakit ba ? "
" Bakit ba ganyan ugali mo ? Bat naman ginanun mo si Faith ?  Pinalipas ko yung ginawa mo sa bahay pero kay Faith, wag mo sya gaganunin. Best friend ko yung binastos mo. "
" Ang dami mong alam ! Dyan ka na nga ! "

Sabay alis ni Cindy. Hindi ko naman na sya hinabol dahil sobrang naiinis ako sa kanya.

Pagdating ko sa bahay , agad kong kinuha ang cellphone ko at agad kong minessage si Faith.

{ Faith, sorry sa ginawa ni Cindy }

Agad naman syang nag reply

{ No, it's okay. Kaya nga ako umiiwas sayo dahil alam kong selosa yung GF mo . Naiintindihan ko naman sya . Don't worry 😊 }

Sobrang understanding ni Faith, kaya mas lalo akong humanga sa kanya. Pero nabaling sa isip ko ulit si Cindy. Hindi naman sya ganun nung nakilala ko sya. At bakit ginanun nya si Faith samantalang close naman sila dati

Bigla naman dumating si Cyline

" Bakit ang bilis mo nakabalik kuya ? "

" Nag away kami. Naiinis ako sa kanya "

" Oh , bakit naman ? "

" Grabe , alam mo ba ang ganda ng bati ni Faith sa kanya pero hindi niya pinansin "

" Really kuya ? Ang lala naman ng ugali niya para ganunin si ate Faith , naku kuya wag mo na tagalan yan si Cindy. Hindi magandang ugali yan pinapakita nya "

Pagkatapos namin mag usap ni Cyline ay nag isip isip ako. Napagdesisyunan ko na pagbigyan pa si Cindy baka may pinagdadaanan lang siya kaya sya nagkaganun

Maya maya'y nagring ang phone ko. Tumatawag si Cindy.

{ Hello, love, sorry about what happened earlier. May mga iniisip lang kasi talaga ako . Please kausapin mo na ako }

{ Cindy bukas na tayo mag usap. Magpapahinga muna ako. } Sabay end ng call

Naisipan kong tawagan si Faith para muling humingi ng tawad sa kanya

{ Hello, Faith? Are you with Kyle ? }
{ Hindi  , nakauwi na sya kanina pa. Bakit ? }
{ Pwede ba tayo magkita }
{ Sige, tamang tama may sasabihin din ako sayo }
{ Sige. Sa park nalang ulet }
{ Okay. Sige }

---- call ended -----

Nong magkita kami ......

" May problema kaba Clarence ? "
" Oo eh. I need your advice. "
" Ano bang nangyari ? Is this about Cindy? "
" Hmm, oo , parang hindi ko na kaya. Nahihirapan na ako sa ugali niya. "
" Huh? Anong nangyari ba ? About ba sa nangyari kanina? Clarence, wag mo isipin un. Ok lang ako, sanay nako sa ugali ni Cindy. "

" Hindi lang Yun Faith eh. Dinala ko kasi siya sa bahay kanina to meet lola pero hindi niya pinapansin si lola pati si Cyline. At hindi lang yun, this past few days , napapansin ko na nag iiba ugali nya. Iniisip ko nalang na baka may pinagdadaanan siya "

" Malay mo naman may problema nga. Try to talk to her. "

" Kakausapn ko naman siya pero wag muna ngayon, hindi ko rin matanggap yung ginawa niya kay lola , sa kapatid ko at lalong lalo na sayo "

" Wala na sa akin yung ginawa nya sa akin. Pero yung about kay lola at kay Cyline? Mukhang hindi nga tama yun , kausapin mo nalang siya. Malay mo hindi na niya ulitin diba ? "

" Teka Faith, diba may sasabihin ka ? "
" Oo sana e pero I think this is not the right time kasi may iniisip ka e . "
" Okay lang noh. Remember, I'm your Best friend, right ?"

" Ano kasi e... Balak ko nang sagutin si Kyle. What do you think? "

" Ha? E... Ikaw? Nasa sayo naman yan ?? Nakakasama mo naman siya at siguro alam mo yung ugali niya. Make sure lang na aalagaan ka niya. Malalagot siya sakin "

" Sus! Over protective naman ng Best friend ko. Wag ka mag alala. Pinag isipan ko muna to. Okay naman sya e.  "

" Ikaw bahala. Support lang ako sayo "




Destined for my BestfriendWhere stories live. Discover now