Faith's Confusion

1 0 0
                                    


Pagkatapos ng Prom ay sabay pa rin kami umuwi ni Faith pero sobrang nanlulumo ako , at naisip ko kung iiwasan ko ba si Faith para maiwasan dn na mas lumalim pa yung nararamdaman ko para sa kanya. napansin naman ni Faith na sobrang tahimik ko kaya nagtanong sya.


" Hey Clarence, are you okay?"

" oo okay lang ako medyo sumama lang pakiramdam ko "

" ahh I see, baka napagod ka lang, pahinga ka na agad pag uwi mo ha "


FAITH's POV


Ilang araw pagkatapos ng JS ay naramdaman ko na parang iniiwasan ako ni Clarence . kapag nagmemessage ako sa kanya ay hindi sya nagrereply at dini decline nya rin ung mga tawag ko. kahit sa skul, kahit magkatabi kami ay hindi rin nya ako masyado kinikibo . Naisipan ko na tawagan si Cyline. 


" Hello ate Faith? Napatawag ka ? may problema ba ? "

" Hi cy! pwede ba tayo magkita mamayang breaktime ? "

" sure ate. bakit po ?"

" mamaya ko nalang sabihin "

" sige po ate , bye " 


>>>>   BREAK TIME <<<<<<

Nagkita kami ni  Faith sa Canteen para dun mag usap 

" HI  ate Faith . May problema ba ? "

" Oo eh. Iniiwasan kasi ako ng Kuya mo . Hindi lang ako sanay "

"  Ganun ba ate? Hmm,  last time na nag usap kayo ano bang nasabi nya? "

" Nung  prom pa un e , naalala ko may   sasabihin sya. Sabi nya, may nagugustuhan daw sya na girl pero hindi nya natuloy e. Tapos after nun, di na nya ako kinibo. May alam ka ba ? May nabanggit ba  sya sayo ? "

" Ahhmm. Hindi ako sure ate  Faith, madalas din tahimik sa bahay si Kuya after the prom. Baka mas  maganda kung kayo nalang ang mag usap "

" Yun na nga  eh ,  gusto ko  sya  kausapin pero iniiwasan nya ako. Hindi sya  nagrereply sa mga  message ko at dini decline  nya rn calls ko " 

"  Ganun ba ate. Siguro hayaan muna natin si kuya magpalamig sa ngayon. Hayaan mo ate, icoconvince ko  sya na kausapin ka para maging  okay kayo. Gusto mo ba  sumabay sa amin umuwi mamaya? "

" Wala naman ako importanteng gagawin today kaya okay lang naman ,  pero baka  hindi okay kay Clarence. "

" Wag ka mag alala ate, ako bahala "

" okay sige, balik na tayo sa classroom natin? "


Pagbalik ko sa room ay nakasalubong ko ang isang subject teacher namin at sinabi na iannounce ko raw sa klase na may urgent meeting ang teachers at   baka  magtagal ito kaya  kami munang mga officers ang bahala.


Inannounce ko naman sa classmates   ko pero sinabihan ko sila na iwasan lumabas ng classroom at iwasan din mag ingay . naging okay  naman para sa kanila at iba iba ang napagkaabalahan nilang mga gawin pero kami ni Clarence ay nanatiling tahimik sa mga upuan namin. 


Himdi ko alam at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon dahil sobrang awkward talaga kaya naisipan kong tumayo mula sa kinauupuan ko at pumunta sa bakanteng upuan sa kabilang side ng pwesto namin ni Clarence. Habang nagse cellphone ako, hindi ko talaga maalis sa isip ko si Clarence, at parang namimiss ko sya. Hindi ko talaga maintindihan pero hindi ito normal. Naisip ko lang, baka nagkaka gusto na ako kay Clarence? Haaay hindi ko talaga alam.. 

Destined for my Bestfriendحيث تعيش القصص. اكتشف الآن