Part I

20 5 0
                                    

LIHAM



"Kumain na ako, Mahal." 


Ilang beses na ba akong umirap dahil sa pagpapa-cute ng kakambal 'kong ito na si Eutostea? Kausap na naman niya ang kaniyang kasintahan. Halos everyday at every hours na silang naguusap pero wala pa rin silang kasawaan sa isa't isa. Jusko! Ito namang kakambal ko eh akala mo di mabubuhay ng walang boyfriend.


"Ikaw ba, bal? Kumain kana ba?" Tanong niya ng maibaba na ang tawag. Sa wakas! Buti ako naisip niya pang tanungin. 


"Oo, kumain na ako. Busog na busog na nga ako sa relasyon ng iba eh." Mapaklang tugon ko. Narinig ko ang paghagikgik niya. 


"Humanap kana kasi ng iyo! Para hindi kana bitter dyan!" Sigaw niya sakin dahil nasa lababo na ito at naghuhugas. 


"Ayoko! Sakit lang naman sila sa ulo." Medyo hininaan ko pa ng kaunti ang sunod na sinabi ko. 


Hindi naman sa ayaw ko talagang mag-boyfriend, Ayaw ko lang kasi na makita na naman kung paano ako maghabol at maging tanga sa lalaki. Iyon ang iniiwasan ko, dahil ang huling naka-relasyon ko ay niloko lang ako. 


Siguro.. tama na muna ngayon sa pakikipagrelasyon. 


"Nga pala, kailan mo ba ipapakilala samin ni nanay iyang boyfriend mo?" Tanong ko maya maya habang nag aayos na kami ng higaan. 


Magkasama kami sa iisang kwarto ng kakambal ko dahil hindi naman gaano kalakihan ang bahay namin, Mahirap lang kami. Kaya nga maswerte itong kakambal ko dahil mayaman ang boyfriend niya, kaya nga wala kaming ideya ni inay kung paano sila nagka-kilala ng nobyo niya.


"Next week! Sabi niya magseset daw siya ng dinner kasama kayo ni nanay." Sinilip ko ang mukha niya dahil talagang inlove na inlove siya. 


Ito rin ang unang relasyon na naranasan niya, kumbaga first time niya ito. Kaya nag-aalala ako para sa kaniya, dahil typical sa mga mayayaman ang mga playboy o madaming babae. Tumango ako ng bahagya sa kaniya.


"Halika nga dito." Pag-anyaya ko sa upuan na tapat ng salamin. 


Ngumiti siya at agad na umupo roon, Hinawakan ko ang buhok niyang humaba na. Tsaka 'ko kinuha ang suklay at marahan na dinampi iyon sa kaniyang maitim at diretsong buhok. 


"Alam mo ba 'bal, nangako na kami sa isa't isa na kami na hanggang sa huli. Nangako kami sa isa't isa na magpapakasal rin kami balang araw." Napatigil ako saglit sa sinabi niya. Maigi ko siyang tinitigan pero mukhang nasa ideyang iyon na ang utak niya. 


Ngayon ko lang siya nakitang ganito, halata mo talaga sa itsura niya na may minamahal na siya.


"Talaga? Kailan ba kayo magpapakasal?" Tanong ko, naging interesado sa sinabi niya.


"Sa susunod na taon." Aniya pero agad rin niyang tinakpan ang bibig niya. Sa susunod na taon?!


"Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo, Eutostea?" Hindi makapaniwalang tanong ko.


Hindi pa nga namin nakikita iyong boyfriend niya tapos nagplano na silang magpapakasal? Aba, dapat talaga eh makilala na namin itong boyfriend ng kakambal ko. 


"Shh. Wag ka maingay! Baka marinig tayo ni nanay." Napanguso ako sa suway niya. 


"Akala mo ba madali lang ang mga sinasabi mo? At tsaka sigurado kana ba na matino iyang nobyo mo? Magta-tatlong buwan pa lang kayong nagsasama." Itinigil ko na ang pagsuklay sa kaniyang buhok at umupo sa tabi niya.


Liham - One Shot Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now