Part II

11 5 0
                                    

Lumipas ang ilan pang mga buwan pero tuluyan ng hindi umuuwi sa amin si Eutostea. Ang sabi ng ina ay nagpasya na itong mamalagi sa bahay ng kaniyang nobyo, dahil doon ay mas lalong nagliyab ang galit at tampo na kinikimkim ko para sa kakambal ko. 


Tuluyang kinalimutan na ako nito at hindi ko iyon lubos na maisip, simula ng kami ay isinilang ay magkasama na kami hanggang sa kami ay mag-dalaga. Hindi ko kayang isipin na lahat ng pinagsamahan namin bilang magkapatid ay parang wala lang sa kaniya iyon. 


Ilang araw akong matamlay sa loob ng bahay, minsan ay nagmumukmok lamang ako sa aming kwarto na ngayon ay kwarto ko nalang. Kahit man lang sana nagpaalam siya sakin ay ayos na, Atleast alam ko kung saan siya mamamalagi, Pero hinayaan niyang si ina na ang magbalita sa akin noon. 


Simula rin ng mawala ang kakambal ko, Ilang buwan lang ng magsimula akong makaramdam ng kakaiba, Talagang kakaiba dahil hindi ko naman ito nakikita o nararamdaman noon nung mga panahong magkasama pa kami ni Eutostea. At hindi ko alam kung bakit nararamdam ko ito.


Kapag gabi ay nagigising ako na may kumakanta, pero kapag hahanapin ko naman ay nawawala naman ito agad. Minsan pa ay may mahinang kakatok sa pintuan ng kwarto pero kapag titignan ko naman kung sino ay wala namang tao. Kapag umuuwi akong mag-isa sa bahay ay may mga anino na nahahagip ang mga mata ko, Madalas kasi ay wala si ina dahil sa kaniyang trabaho. 


Nagsimula akong matakot para sa sarili ko, Ang sabi pa naman sa amin ng lola namin noon ay lapitin ng mga ligaw na kaluluwa ang mga malulungkot o may mga pinagdadaanan na tao. Kaya ginawa ko ang lahat para mawala ang mabigat na dumadagan sa aking dibdib, Inililihis ko ang isipan ko sa ibang bagay upang hindi mapansin ang mga kung anong mga kakaiba na nangyayari sa akin. 


Pero sadyang makulit siya.


"Sinong nandyan?" Tanong ko ng maramdaman ko ang isang presensya sa likod ko, Patakbo takbo ito at talagang dinig ang mahihinang yapak nito sa kahoy na sahig namin. 


Lakas loob ko itong hinarap pero wala akong nakita. Tumindig ang balahibo ko dahil doon, Mabilis uminit ang pakiramdam ko kaya patakbo na akong pumasok sa kwarto ko. Kung sasabihin ko ito kay nanay ay baka hindi siya maniwala sa akin dahil ngayon lang naman ito nangyari sa akin, Wala naman ito noon. Baka sabihin niya pa na dahil lang ito sa pagka-miss ko sa aking kakambal. 


Hinayaan ko nalang ito na dapat hindi ko ginawa. Napapansin ko na kapag binabalewala ko siya ay mas lalong nagagalit siya sa akin, Nagising na lamang ako na basag na ang salamin, mukhang galit na galit ito dahil durog durog ang salamin. 


"Ano bang pinag-gagagawa mo, Eurkistea? Alam mo naman na galing pa ito sa lola mo." Si ina ng sabihin ko ang tungkol sa nabasag na salamin. 


Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan na pagalitan ako, Kung sasabihin ko rin naman sa kaniya na hindi ako ang may gawa ay iisipin ni ina na nababaliw na ako. Dahil ako lang naman ang tao sa kwarto. 


Nang mangyari iyon ay hindi na ako nakatiis, sinubukan 'kong magpatingin sa magaling na albularyo na kilala ng kaibigan ko pero pinaalis lang kami nito, Masama pa ang tingin nito sa akin. 


"Ano ba gagawin ko dito?" Ako na nawawalan na ng pag-asa.


Ayoko naman umalis doon sa bahay dahil kami nalang ni ina ang magkasama, ayokong iwan siya magisa. Kung sasabihin ko rin naman na lumipat kami ng matitirhan ay hindi iyon papayag at baka magalit pa iyon sa akin. Mahirap nga naman kasing humanap ng panibagong matitirhan, masakit sa bulsa. 


"Baka naman lola mo ang nagpaparamdam? Baka nagagalit kasi magkahiwalay na kayo ng kakambal mo?" Sabi sa akin ng kaibigan ko, Si Liselle.


Napa-isip din ako dahil doon, Noong mawala ang lola ay may inihabilin ito sa amin na kahit anong mangyari ay huwag kaming maghihiwalay dahil kami lang ni Eutostea ang magkakaintindihan sa lahat. 


Bago umuwi ay dumalaw ako sa puntod ni lola. Sinabi ko sa kaniya na dapat ay maintindihan niya na hindi na ganon ang nangyayari, Oo nga't nagkakaintindihan kami ni Eutostea.. pero hindi lang ako maaaring maintindihan siya. May mga tao rin siyang matatagpuan na kayang intindihin siya, hindi sasaktan at aalagaan, katulad ng boyfriend niya ngayon. 


Sinindihan ko ng kandila ang puntod ni lola bago umuwi, ipinagdasal ko din na sana ay magpahinga na siya. Sinigurado ko na maiintindihan ni lola ang mga sinabi ko, Malalaki na kami at kaya na namin ang mga sarili namin. 


"Ikakasal na ang kapatid mo sa susunod na araw, Eurkistea." Masayang balita sa akin ni ina, Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero masaya ako para sa kaniya. 


"Dadalo po ako, ina." Maikling sagot ko bago pumanhik na sa aking kwarto. 


Masaya ako kahit na hindi halata sa akin dahil sa wakas, matutupad na ni Eutostea ang gusto niya. Alam 'kong dito siya masaya, Masaya ako dahil kaya niyang ipaglaban sa kahit na sino ang kasiyahan niya.. kahit sa akin. 


Pero sisiguraduhin ko na makakadalo ako, kahit na anong mangyari. 


Kinagabihan 'ding iyon ay naging payapa ang lahat. 


Payapa na akala ko ay tapos na.


Pero hindi.. 


Ang sumunod na nangyari ay siyang ikinagimbal ng mundo ko.


Nagising ako na katabi ko ang isang lalaki.. sa isang magarbong bahay, habang suot suot ang isang wedding gown at ang lalaking katabi ko ay nakapansuot din ng pang-kasal.. pero dahil puro dugo ang loob nitong suot ay halos hindi na ako makagalaw. 


Kung titignan ito ng kahit sino ay makikita nilang wala na itong buhay, Umatras ako.. Gusto 'kong tumakbo pero hindi kaya ng mga tuhod ko, Hindi ko rin alam kung paano ako nakarating dito at kung sino ang lalaking katabi ko.. Gusto 'kong magising! Kung panaginip lang ang mga nakikita ko ngayon ay dapat na akong magising!


Hindi biro itong panaginip na ito! 

Liham - One Shot Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now